Panimula
FIRST LOVE NEVER DIES
Tama nga sila, hanggang ngayon nandito pa rin sa aking isipan ang mga alaala ng nakaraan na kung saan ay tayong dalawa pa lamang.
Masakit, dahil sa bawat pagtawa at pagngiti mo ay siya na ang dahilan.
Mga bagay na dapat ako ang gumagawa pero siya na ang nasa posisyon ko.
Nasaan na yung mga pangako natin sa isa't isa?
Pangako natin sa Poong Maykapal noong tayo ang naging isa at nagsumpaan.
Na sabi mo ako lang?
Mahal mo ba ako? Saan ako nagkulang, Adrian?
Mga huling sinabi at kasagutan mo na naging dahilan upang ako'y lubos na masaktan.
Hindi, hindi ka nagkulang at palayain na natin ang isa't isa dahil may iba na kong mahal.
Pero paano ako? Paano tayo?
Tila maglalaho na lamang sa isang iglap ang mga pangarap nating dalawa.
