Chapter 2

673 51 9
                                    

Ikalawang araw ko na dito sa eskwelahan at hindi pa rin Ako maka-move on sa ginawa ni Serenity kahapon. Gaganti ako. Hindi pwedeng hindi. Lihim naman akong napangiti dahil sa mga pinaplano ko.

Kasalukuyang nag-aattendance 'yung Professor at si Serenity nama'y ito katabi ko at may sinusulat ata. sisilipin ko sana kung ano 'yun kaso narinig kong tinawag na 'yung pangalan ko.

"Jasmynne Williams!"

"Present" Tugon ko sa professor namin. Sunod naman nitong tinawag si Serenity.

"Serenity Martindale!"

"Present!"sagot naman nito. So.. Martindale pala Surname niya? Aba Martindale! Okay corny ko. 'Matinde' kasi pala dapat 'yun.

Nang matapos nang matawag ang lahat ay muling nagsalita 'yung professor.

"Okay guys. Can you please pass your assignment" Sabay nagsi-kilos na 'yung mga estudyante na may kinukuha sa kanya-kanyang bag.

WHAT? Assignment? Seriously? Second day palang may assignment na agad? Napalingon ako kay Serenity. Nakalabas na 'yung assignment niya. Bakit hindi ako aware na may assignment?

'Ganun talaga. Mapapansin mo lang siya kapag huli na' Shut up! Singhal ko sa bahagi ng isip ko. Si Serenity naman naka-smirk dahil napansin niyang nag-papanic Ako. This is really embarrassing!

Natapos ang klase na wala akong naipasang assignment. Pero okay lang babawi nalang ako next time. Papalabas na ako ng classroom nang makita ko 'yung lesbian na may hawak na flowers. Para siguro kay Serenity. Napangiti ako bigla dahil for sure masisira nanaman 'yung araw niya. Napansin naman nung lesbian 'yung pag-ngiti ko at nginitian rin niya ako ng makahulugan. Napangiwi ako dahil namisinterpret niya 'yung inakto ko. Inirapan ko siya na agad naman niyang ikinagulat. 

Binagalan ko 'yung lakad ko para makita 'yung magiging reaction ni Serenity. At gaya ng inaasahan nakabusangot siya ng mapansin 'yung lesbian. Agad siyang nag-madaling lumayo pero hinabol siya nito.

Natatawa nalang ako sa loob-loob ko. Ba't ba natutuwa ako kapag naiinis siya? Napailing nalang ako nang maalala 'yung hitsura niyang maamo na nagttransform sa pagiging tigre. 'Yung kunot noo niyang mga titig kapag naiinis na parang ang sarap..

'I-kiss sa sobrang cute?' Haha Oo. Ang cute niya di b—WHAT THE HECK! Hindi ko inisip 'yon!

'Inisip mo 'yun noh at pinagpapantasyahan mo si Serenity' Shit! Hindi no! Over my dead body!

Nagmadali akong lumabas at saka tumungo sa sasakyan ko. Mag-isa nanaman akong magl-lunch. Simula kasi kahapon ay hindi na kami nakapag-usap ni Mae. Hindi naman kasi siya nagr-reach out sa akin. Bahala siya.

Pagdating ko sa kotse ko may matandang gusgusin na nakatayo.

"Hija, Maawa ka na di pa ako kumakain. Baka mayroon kang naitabi riyan" Wika niya na parang namamaos. Lumingon naman ako sa mga guard. Paanong nakapasok ang isang pulubi dito sa parking lot ng eskwelahan. Irereport ko 'to mamaya. Paano kung magnanakaw pala 'to.

"Nako manang mawalang galang na ha. Pero doon po 'yung pinto palabas" Sabay turo sa exit.

Akmang papasok na ako sa kotse nang bigla niyang hawakan 'yung braso ko. Nakaramdam ako ng kakaibang aura. Hindi ko maipaliwanag pero parang nanlamig ako at unti-unting nahilo. Nanlabo ang aking mga mata at biglang dumilim ang paligid.

Sa pagmulat ko muli ng mata nakahiga na ako sa hindi pamilyar na kwarto. Nagpalinga-linga ako para malaman kung nasaan ako nang biglang bumukas 'yung pinto at iniluwa ang isang Nurse. Kung gayon, nasa Clinic pala ako? Pero bakit ako nasa clinic?

Unti-unting nabalikan ko ang nangyari kanina. ' Yung matanda! Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko pa siyang ngumisi.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Nawalan ka raw ng malay kanina sabi nung guard na nakakita sayo" Lumapit sakin 'yung Nurse at sinisipat 'yung kalagayan ko.

"'Yung matanda?" Tanong ko.

"Anong matanda?" Nagtatakang tanong nung nurse na parang naguguluhan.

"May matandang babae kanina bago ako mahimatay. Gusgusin siya. Saka nanlilimos" Magkahalong confusion at gulat ang ipinakita niyang reaksyon.

"Walang matanda don. Chineck pa nga nila 'yung CCTV para malaman kung ano ang nangyari. Papasok ka na sa kotse nang bigla kang mahimatay." Lalo akong naguluhan. Imposible! Siguro ay pinagtatakpan nila ang sarili nilang kapabayaan dahil may nakapasok na outsider na hindi nila napapansin.

Bumaba na ako sa kama at akmang tatayo ngunit nakaramdam ako bigla ng hilo. Inalalayan nanaman ako ng nurse upang mapahiga muli. Hindi pa raw ako maayos. Tinanong niya ako kung may pwede bang maghatid sa akin pauwi dahil baka maaksidente ako sa daan kapag nagpumilit akong mag-drive. Binigay ko 'yung number ni Mae. May sarili rin siyang sasakyan. Sakanya nalang muna ako sasabay.

"Jas! Ano ba kasing nangyari? Bakit ka nahimatay?" Nag-aalalang tanong ni Mae. Nasa loob na kami ng sasakyan niya. Ang tagal ko rin palang nakatulog kanina at halos uwian na nung payagan rin akong makauwi ng nurse. Magbibigay nalang ako ng excuse letter bukas para sa mga na-missed kong subject.

"I'm really tired Mae. Just drive and focus." Mahinang tugon ko na parang namamaos. May kakaiba akong nararamdan na parang may nagbabago sa sarili ko. Siguro ay epekto pa rin ito nang nangyari kanina.

Nang makarating na kami sa condo ko hindi ko na pinapasok si Mae. Kailangan ko na magpahinga. Sobrang nanghihina ako.

7:50PM na sa orasan. Pumasok ako sa banyo para mag washout saglit. Nang matapos na ay agad akong lumabas. Dahil ako lang naman mag-isa ay nakahubad akong lumabas. Um-okay na 'yung pakiramdam ko. Feeling ko ang lakas lakas ko. Binuksan ko 'yung cabinet ko para kumuha ng damit at nang maisara ko ito ay bumungad sa akin sa harap ng salamin ang di pamilyar na mukha.

"AHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" Nagsisigaw ako! Nagtatalon! Nag-iba 'yung hitsura at katawan ko! Anong nangyari!!!!!!

Nataranta ako. Hinawakan ko ang sarili ko. May ari ako ng lalake. Katawan ng lalake. Hitsurang lalake. ANO TO!!!!!!!! Kinakabahan ako. Natatakot. Sumisikip na 'yung dibdib ko. Sinabunutan ko 'yung naging maikli kong buhok. 'Yung buhok kong mahaba nawala. 'Yung feminine features ko. Shit! Napaupo ako sa kama and then everything went black.




__

(To be continued)


Don't forget to vote!! Hahaha. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa/magbabasa. Mwah. Lemme hear your comment regarding this chapter na rin hihi.

My Homophobic Girlfriend (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon