Hindi nagtagal, dumating ang ambulance at maya maya pa'y inilabas ang nasawi sa aksidente na nakatalukbong ng puting kumot na nabahiran ng sarili nitong dugo.

Sa loob ng dressing room, pinasok ng mga medics ang performer dahil hindi ito nagpadala sa hospital dahil umano'y hindi naman grabe ang natamo niyang sugat mula sa malaking kurdon ng bumagsak na ilaw.

"RM, where's my niece? Is she okay? What happened?" isang may edad na lalaki ang dumating, hila hila ang isang babaeng medyo mas batang tignan kesa sa lalaki.

"Tito Ronnie, paano n'yo po nalaman?"

Inilabas nito ang kanyang celphone na nakabukas ang kanyang facebook account kung saan nagpeplay ang isang video a ipinapakita ang nangyari sa stage. Matapos maipakita ang gadget, muli itong ibinalik sa kanyang bulsa.

"How come no one contacted me? Sa social media ko pa nalaman. Kelan ninyo sasabihin sa'kin, kapag sinugod siya sa hospital nang wala ng buhay?" pagalit nitong tanong.

"Calm down Tito, she's okay. Nagalusan lang po ang binti niya,"

"I want to see her. Saan ba ang dressing room niya?"

RM asked Tito Ronnie to follow her to Calliope's dressing room. Upon entering, the singer was surprised to see her uncle entered who immediately hugged her.

"Tito, what are you doing here?" tanong nito na halos mapipi sa pagkakayakap ng tiyuhin.

"I saw the accident in facebook. Bakit hindi ka nagpadala sa hospital for thorough check-up?" sabi nito habang sinisipat ang bawat parte ng kanyang katawan.

"Tito,I'm fine.Don't worry," inikot nito ang kanyang upuan paharap sa salamin.

"Miss Raq," isang binatilyo ang pumasok sa bukas na pinto ng dressing room at bumulong sa kanyang tinawag. 

"What!!??" lumayo si RMng isang hakbang paatras dahil sabalitang ibinulong sa kanya.

"What? What's wrong?" tanong naman ni Calliope na nagulat sa pagkabigla ng kanyang road manager.

"Ano yun, Raquel?" tanong naman ng tiyuhin.

Hindi naman makasagot ang RM sa balitang kanyang natanggap. Tumingin ito pabalik-balik sa mag-tiyuhin, assessing to whomshe should break the news.

"Raq?" sabay na banggit ng mag-tiyuhin na ikinabigla ni RM.

"Tito, Calliope... Kasi..."

"Kasi?" Calliope asked nervously dahil na rin sa reaction ng mukha ni RM.

"Yung kable ng bumagsak na light..."

"Ano? Ano?!" sit Tito Ronnie naman ang nagtanong, shaking RM's shoulder.

"Can you please spit it out, Raquel Lopez?" kapag tinawag na ni Calliope ang kanyang road manager sa buo nitong pangalan, nauubos na ang pasensya nito.

"Yung kable hindi naputol, kundi pinutol. Clean cut daw sabi nang electrician,"

"WHAT?!" sa expression na iyon, agad lumabas ng dressing room ang mag-tiyo at tinungo ang pinagsasabitan ng nalalaglag na ilaw kasunod si RM ang ilang mga nasa lood din ng silid.

Sina Calliope at Tito Ronnie lamang silang pinayagang umakyat  kasamaang binatilyo dahil hindi kakayanin ng tila tulay na nakasabit ang maraming tao. Ipinakita ng electrician ang karugtong na kurdon ng bumagsak na ilaw. Kung aksidente nga ang nagyari, ang kinaputulan ay dapat nagmukhang nahila, ngunit sa nakita ng dalawa, kitang-kita na ito nga ay pinutol.

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Calliope. Napatingin sa kanya ang kanyang tito na hinawakan ang kanyang nanlalamig na mga kamay.

"Who would do this? May nakaaway ka ba?" agad na tanong ni Tito Ronnie nang makabalik sila sa dressing room. Ayos na ang lahat ng mga gamit ni Calliope.

The FanWhere stories live. Discover now