Kasalukuyan akong bumababa ngayon sa gamit kong mga kumot na pinagdugtong dugtong ko para makababa mula sa bintana na 5 palapag na bahay ang taas, nasa kalahati na ako at malapit na akong makatapak sa lupa,ramdam na ramdam ko ang paghampas ng malamig na hangin sa balat ko,so ganito pala ang feeling ng nasa labas it was a heaven feeling kakaibang comfort compare sa hangin na galing sa aircon.Nagpalinga linga muna ako bago tuluyang bumaba dahil baka may mga bantay na makakita sakin buti nalang may inutos sakanila si daddy kaya naman wala masyadong bantay at nasa may gate lang yung mga guards.Maya maya pa umabot na ang paa ko sa damo napakapit ulit ako sa kumot dahil sa bigla, nakakakiliti ang mga damo na humahaplos sa talampakan ko,sinubukan ko ulit itapak ang mga paa ko sa damo at tuluyan ng umapak dito.
Hindi ko maipaliwanag ang saya,kaba,at takot na nararamdaman ko ngayon,para akong sanggol na first time lang makatapak sa lupa well totoo naman yun dahil first time ko lang maramdaman ang mga damo dati nakikita ko lang sila mula sa bintana.Amoy na amoy ko ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak ibang iba pala ang amoy nito pag hindi pa napipitas.Tumingala ako sa langit at kitang kita ko ang bilog na bilog na buwan sobrang liwanag nito at sobrang ganda ,nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang magagandang bagay na nasa paligid ko di ko maisip na sa wakas nakamit ko na rin ang matagal ko nang inaasam ang makita at mahawakan ang mga bagay na nakikita ko lang sa labas ng bintana.
Maya maya nakarinig ako ng mga yapak ng paa at taong nag uusap papalapit sa kinatatayuan ko ko .
"Pagkatapos niyong maglibot sa buong paligid pumunta na kayo sa labas ng kwarto ni Ada at magbantay"
"opo Sir." dali dali akong nagtago sa likod ng malaking paso na nakita ko ,baka mahuli pa ako ni daddy .Nang marinig kong papalayo na ang mga yapak ng paa nila tumakbo na ako papunta sa dulo ng garden namin,sa may garden kasi ako bumaba.Pagdating ko sa dulo napaka taas na pader ang inabutan ko napangiwi nalang ako ng makita ko sa tass ng pader nakausling matutulis na bakal,pano kaya ako makakalabas nito.Napalinga linga ako sa paligid at may nakita akong puno na malapit sa pader at yung branch nito ay nakalagpas na sa kabilang bahagi ng pader,Agad akong nagpunta dito at umakyat sa puno madali lang ako naka akyat dahil na din sa training na binibigay sakin ni daddy madalas kasi kaming magrapelling sa gym ng bahay namin.Nang makaakyat ako sa taas dahan dahan akong lumakad sa sanga nito makapal ang sanga kaya no worries dahan dahan lang ako dahil baka malaglag ako,maya maya nakita kong nakalagpas na sa pader ang sangang inaapakan ko ang problema ko nalang ngayon pano ako makakababa eh ang taas taas nitong puno ,mukhang wala na akong choice kundi talunin ito sana lang di mabali bali ang katawan ko .Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob bago ako tumalon.
*RRRRRIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGGG*
Tumunog ang alarm ng buong bahay namin ibig sabihin alam na nilang tumakas ako, agad-agad akong tumalon at hinintay na bumagsak ako sa lupa.
"aww huhuhu" daing ko habang hawak ang ankle ko putek ang sakit huhu na sprain pa ata ako.
"MGA INUTIL HANAPIN NIYO SI ADA!!!"rinig na rinig ko ang malakas na sigaw ni daddy kaya naman agad agad akong tumayo at tumakbo kahit paika ika sobrang sakit na ng paa ko pero tuloy tuloy parin ako sa pagtakbo puro puno at mayayabong na halaman ang nasa paligid ko sobrang sukal at sobang dilim wala akong ibang ginawa kundi tumakbo ng tumakbo kahit puro sugat na ang paa,binti at braso ko kung saan saan na kasi ako nasabit putek! Maya maya pa narating ko na ang kalsada tatawid na sana ako ng biglang may paparating na kotse at konti nalang mababangga na ako nito pumikit nalang ako at sa sobrang pagod at panghihina nawalan ako ng malay.
YOU ARE READING
Colors Behind The Walls
RomanceTungkol ito sa isang babaeng may karamdaman sa mata siya ay colour-blind kaya naman itinago siya ng kaniyang mga magulang sa ibang tao upang maiwasan ang panghuhusga at panunukso ngunit mayroon pa bang mas malalim na dahilan kung bakit siya itinatag...
