Puting kisame, puting dingding, puting kurtina at puting higaan. Iyan ang palagi kong nakikita araw-araw sa oras ng pagmulat ng aking mata. Nakakasawa na ngang tignan. Parang pinapapaala sa akin araw-araw kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon.
Tatlong taon na akong nagtitiis sa aking karamdaman. Mayroon akong stage 4 leukemia. Napakahirap. Sobrang hirap ng pinagdadaanan ko ngayon. Dagdagan mo pa na isa akong batang ulila na kahit ni minsan ay hindi nasulyapan ang kanyang mga magulang. Sabi ng mga doctor malabo na daw akong gumaling. Isang himala na daw kung sakaling gagaling pa ako.Alam ko naman iyon. Tanggap kong bilang na lang ang araw ko dito sa mundo kung kaya't habang buhay pa ako ginagawa ko ang mga bagay na noon ay hindi ko nagawa nang sa ganoon, wala akong pagsisisihan sa huli.
Minsan sumasagi sa isip ko ang mga katunungang 'Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako pa? May nagawa ba akong malaking kasalanan? Iyan palagi ang tanong ko sa Panginoon. Pero alam ko naman na may mga bagay talagang di mo maiiwasan na mangyari. Katulad na lang ng akin.
Napaluha ako sa aking mga naiisip. Ang hirap huminga. Para bang may nakabara sa aking lalamunan. Aaminin ko, nakakatakot isipin na anumang oras ngayon pwede na akong mawala. Baka sa susunod na paggising ko, makikita ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa higaan, wala nang buhay.
Napapikit ako ng mariin. Habang ako'y abala sa pag-iisip, biglang bumukas ang pintuan ng kwartong aking kinalalagyan
"Oh, umiiyak ka na naman? Alam mo naman siguro na ayaw kong nakikita kang umiiyak diba?"May bahid ng pag-alala ang boses niya. Agad kong pinahid ang mga luhang lumandas sa aking mukha.
" Ako? Umiiyak? Hindi, ah. Namamasa lang yung mata ko. Hindi talaga ako umiiyak." Agad kong tanggi sa kanyang turan. Unti-unti siyang lumapit sakin hanggang sa andito na siya sa tabi ko.
"Ayaw kong umiiyak ka. Nasasaktan din kasi ako kapag nakikita kitang umiiyak," sabi niya habang hinahaplos niya ang aking buhok. Tumango na lang ako bilang tugon. May namuong saglit na katahimikan pero agad din niyang pinutol.
"Siya nga pala, Klare. Dala ko dito yung 899 na paper cranes na gawa mo. Ano ba gagawin mo dito? Ang dami naman nito."
Kinuha ko sa kanya ang mga paper cranes na ginawa ko sa loob ng isang taon.
"Gusto mo malaman?" Napatingin ako sa kaniya.
"Siyempre naman," wika niya sabay tutok sakin.
Huminga muna ako ng malalim."Ganito kasi iyan. Ayon sa alamat ng mga Hapones, kapag daw nakagawa ka nang isanglibong paper cranes, kung ikaw ay hihiling, matutupad daw yung bagay na hiniling mo. Alam kong alamat lang iyon, pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko diba? Kaya eto, mukhang malapit na akong matapos dito. 101 na lang siguro ang kulang para matapos ko 'to."
Napatitig siya sa akin sabay tanong, "Hiling? Ibig sabihin..."
Hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin.
"Siguro."
"Klare, a--"
"Alam mo Jace? Bakit di mo na lang kaya ako tulungan? Nang sa ganoon, mas madali itong matapos. At nang sa ganoon, makakahiling na ako." Putol ko agad sa kanyang sasabihin. Pilit akong ngumiti. Naiiyak na naman kasi ako. Ang hirap talaga.
"Ah, sige sige. Tulungan na kita diyan. Pero bago niyan,turuan mo muna ako. Di ko kasi alam kung paano gumawa niyan eh," sabi niya sabay kamot sa kanyang ulo.
Napatawa ako.
"Sure. Yun lang naman pala? Walang problema."
"Ayan, sa wakas ngumiti ka na." Napailing na lang ako sa kanyang sinabi habang nakangiti.
Dahil sa sabik siyang makatuto ng paggawa ng paper crane, hindi ko na pinatagal pa. Agad ko siyang tinuruan na agad din niyang nakuha. Mukhang wala nga siyang kahirap-hirap sa paggawa nito. Nakangiti pa nga siya palagi. Natutuwa nga siya kapag nakatapos siya ng isa na para bang nakakuha siya ng isang tropeo.
YOU ARE READING
Hiling
Short StoryAng bawat kuwento ay may katapusan,ngunit sa buhay ang bawat pagtatapos ay isang bagong simula lamang.
