Simula Pa Nung Una

23 2 0
                                        

Kayrine's POV

"Uy! Kay, salamat ulit ah!" sabi ng bestfriend kong si Sean.

"Wala yun. Ikaw pa Sean, malakas ka sa akin eh!" biro ko sakanya na bahagyang sinagi pa ang braso niya.

"Ikaw talaga! Iniispoil mo ko niyan eh. Baka masanay ako." umakbay siya sa akin, yung akbay na pang-kaibigan.

"Babe, halika na! Kala ko pupunta pa tayo kina mama?" tawag ni Liana, girlfriend ni Sean. Inalis naman ni Sean ang pagkaka-akbay sa akin.

"Salamat talaga, Kay. Salamat sa pagtulong sa akin na hanapin ang lugar na'to para sa date namin ni Liana." sinserong sabi niya.

"Sige na, puntahan mo na si Liana. Good luck sa mama niya ah. Pakabait ka." biro ko ulit. Sinuklian naman niya ako ng ngiti at tuluyang umalis.

Nang di ko na siya makita sa paningin ko tsaka ko naramdaman ang matinding lungkot. Nagdesisyon akong umupo nalang sa pinakamalapit na bench sa park at tinignan ang mga taong dumadaan.

Tama ka Sean, maganda dito. Kaya nga kita dinala eh--este kayo pala ni Liana.

*Jella calling

(Hello? Jella, pwede mo na ba ang sunduin? Okay na.) pinilit kong pigilan ang lungkot sa tono ko.

(Kay...)

(Kayrine.) pagdidiin ko sa sariling pangalan. Ayokong tawagin akong KAY, naaalala ko lang si Sean.

(Bakit? Bakit mo ba 'to ginagawa?) halata ang lungkot sa tono ni Jella.

(Ginagawa ang alin, Jella?)

(Iyan! Yang pagtulong-tulong mo kay Sean sa girlfriend niya.)

(Anong masama dun? Kaibigan ko si Sean. Bilang kaib--) di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumigaw siya.

(Tangina naman Kayrine! Maglolokohan pa ba tayo? Alam ko naman at alam mo sa sarili mo na nasasaktan ka! Pero ginagawa mo parin?!) tuluyan nang pumatak ang luha sa mata ko.

Tama ka Jella, nasasaktan ako. Nasasaktan ako na mas nauna ako pero iba ang kasama niya ngayon.

Napansin ata ni Jella na tumahimik ako kaya sumagot siya ulit.

(S-sige, pupuntahan nalang kita diyan. Antayin mo ko sa sakayan.) huling sambit niya at binaba ang linya.

Tumayo naman ako sa pagkaka-upo ko sa bench at pinasadahan ng tingin ang lugar pati na ang mga tao.

Ang saya nilang tignan...parang ang sayang maging katulad nila. Pero paano? Eh ginagawa mo na ang mga bagay na gusto ko, kasama ang iba.

Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa pisngi ko at tuluyang nilisan ang lugar.

Pumunta ako sa sakayan at wala naman akong nakasabay. Mag-antay lang ako ng kaunti at dumating na rin naman si Jella dala ang sasakyan niya.

Agad naman akong pumasok sa passenger's seat. Sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Jella na nakatingin pa rin sa labas.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Dec 13, 2017 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Simula Pa Nung Una [Short Story]La tua prossima ossessione. Scoprilo ora