Until now. 

            Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako maging masaya para kay Lee.  He is been my bestfriend since college.  Para na kaming magkakapatid.  Dapat masaya ako para sa kanya kung gusto man niya si Maddie.  Pero hindi talaga iyon ang nararamdaman ko.  Naiinis ako.  Dahil hindi bagay si Lee para kay Maddie.

            Kasi si Maddie ang bagay sa iyo.

            Hell no!  Para akong siraulo na nakikipagtalo sa sarili ko.  Hindi ko gusto si Maddie.  Ayoko sa kanya. 

            Sure ka?  Bakit nagseselos ka?

            Putang ina.  Gusto kong pukpukin ng bote ang ulo ko para mawala ang mga sumusulpot na idea sa utak ko.  Hindi ako nagseselos dahil hindi ko gusto si Maddie.  Iyon ang pilit kong isinasaksak sa utak ko. 

            Naramdaman kong pumulupot ang braso ni Tanya sa bewang ko.

            "Lars, baby.  Are you okay?" tanong niya sa akin.  Punong – puno ng landi ang pagkakatingin niya sa akin.

            Saglit akong napatitig kay Tanya.  I remember her.  She is the woman who gave me a mindblowing blow job the other day.  'Yung babaeng nakilala ko sa Shangri – La.  Tanya is pretty and sexy.  Totally fuckable woman.

            Wala sa loob na hinawakan ko ang mukha niya and I kissed her.  Mabaling man lang sa iba ang atensiyon ko at hindi na kay Maddie at Lee.

            I can feel that Tanya is kissing me back.  Harder and deeper.  Wala na siyang pakielam kahit maraming tao sa paligid namin.

            Naramdaman kong may bumato ng basyo ng beercan sa akin kaya napahinto kami ni Tanya sa ginagawa.  Nakita kong nakatingin sa amin ang mga kasama namin.

            "Get a fucking room, asshole!" at muli akong binato ng beercan ni Vlad.

            Nakita kong seryoso lang na nakatingin sa akin si Maddie kaya nginitian ko siya at kinindatan.

            "Sorry.  We got carried away," natatawang sabi ko.

            "Mahiya ka naman kay Maddie.  Hindi 'yan sanay sa mga ganyang eskandalo," sabi ni Ciara sa akin.

            "Oh.  Really?  Dapat masanay na siya.  Kasi kapag naging syota niya si Lee, madalas na siyang makakakita ng ganitong eksena.  'Di ba, Lee?" sabi ko.  Pero hindi ngumiti sa akin si Lee.  Hindi niya masakyan ang joke ko.

            "Why are you being such a douche tonight?  Lasing ka na ba?" si Kyle ang nagsabi noon.  Alam kong kahit siya ay naiinis na.

            "Ano bang problema?  Did I do something wrong?  This is just fucking me.  If you don't like what I am doing, find your band another drummer!" inis na sabi ko at tumayo ako doon.  Wala na akong pakielam kahit magbagsakan sa lapag ang mga nasagi kong bote.  I can't stay here. 

            "Lars!  Lars!" boses ni Lee iyon pero hindi ko pinansin.  Dire – diretso lang akong umalis.  Nakasunod lang sa akin si Tanya.  Bahala siya kung gusto niyang sumama sa akin.  I just need to get out of this place.

-----------------------------------à>>

            After the incident in Johnny's Bar, parang nasira na ang mood ng lahat.  Hindi ko alam kung bakit biglang – biglang nag – walk out si Lars.  I know he is such a douchebag pero alam kong hindi naman siya ganoong kagago.  Saka mga kaibigan niya ang mga iyon.  Si Ciara na nga mismo ang nagsasabi sa akin kung gaano ka – close ang apat na iyon.

            Lee brought me home.  Kahit na panay ang tukso ng mga kasama niya sa amin ay ngiti lang siya ng ngiti.  Hindi naman siya nagsasabi na manliligaw siya o ano pero ewan ko.  Lee is nice but I don't know.  Parang he is just too nice.  Ang weird ko.

            "I apologize for what happened earlier," sabi ni Lee habang nagda – drive.

            "What?  About the kissing game?" sagot ko.

            Tumingin sa akin si Lee at umiling.  "About Lars.  May problema lang siguro talaga kaya ganoon.  He is so temperamental but he is the nicest person I know," sabi niya sa akin.

            Napa – ah lang ako.  "Walang problema sa akin iyon.  Nasasanay na ako," sabi ko.

            "We have been friends for more than ten years.  Para na kaming magkakapatid.  Kaya kung may mga misunderstandings man, madali namang naaayos iyon.  Maybe Lars has something in his mind.  I know him.  Something is bothering him kaya he needs to channel his thoughts to something or someone.  Good thing Tanya was there," paliwanag pa nito.

            Ano namang problema niya?  Alin?  Ang pagta – trabaho ko doon sa kumpanya nila?  Kung sabihin niya sa akin na umalis ako doon, gagawin ko talaga.  Mahilig lang talaga ang lalaking iyon.  Makakita lang ng malanding babae sasamahan na.

            Nakita kong huminto si Lee sa tapat ng bahay namin at tumingin sa akin.

            "Maddie, would you consider going out with me?"

            Napalunok ako.  Hindi agad ako nakasagot.  Ang guwapo ni Lee.  Pero bakit hindi ako kinikilig?  Ang mga babae kanina sa bar halos magpakamatay mapansin lang niya pero wala talaga akong maramdaman.

            Nakita kong napatawa si Lee at napailing.  "Sorry.  I am not used to do this kind of thing.  Hindi ako sanay," sabi niya.

            Napangiti din ako.  "Kasi sanay kang ikaw ang hinahabol ng mga babae?"

            Umiling siya.  "I did this a long time ago.  Ikaw pa lang ang pangalawang babae na seryoso ako."

            "What happened to the first?"

            Nakita ko ang paglatay ng lungkot sa mukha niya.

            "She died."

            Shit.  Ang tragic.  Dapat hindi na lang ako nagtanong.

            Lee smiled.  "If you are not ready, wala namang problema.  I just want you to know that I like you.  You are different among any other women that I met.  I just love being with you.  Parang ang gaan ng lahat," sabi pa niya.

            Ngumiti lang ako.  "Let's take it slowly.  Masaya naman ng ganito 'di ba?  Saka lagi naman tayong magkikita."

            Tumango – tango si Lee.  "I know."

            "Thanks for the ride.  I'll see you tomorrow," sabi ko at akmang bababa na pero hinawakan ni Lee ang kamay ko.  Tapos ay walang sabi – sabing hinalikan niya ako sa labi.

            "Goodnight.  See you tomorrow," nakangiting sabi niya ng humiwalay siya sa akin.

            Nabigla ako sa ginawa niya pero mabilis na lang akong lumabas ng kotse. 

"See you."  Sabi ko at dire – diretso na ako sa loob ng bahay namin.

Rock my Heart (BLACK SLAYERS SERIES 1) (COMPLETE)Where stories live. Discover now