Torpe Diaries. ON GOING, BITCH.

41 0 0
                                    

Chapter 1

June 3, 2013. MONDAY. 7:30 am. 

Tumunog ang nakakairitang alarm. "Shit. Ang aga pa ah?" *kausap ko nanaman ang sarili ko*

Ayy. First day of school. (-_-)> Kinapa ko ang salamin sa lamesa sa gilid ng aking kama at agad-agad akong bumangon... Walang tao sa bahay. Haaaay... Nag-iwan si Mama ng pera sa lamesa. May note din. OK.

Humarap ako sa salamin at nakita ang near-sighted na chinito. maputi, 5'9, Gulo-gulo ang buhok.  ngumiti ako sa kanya. SHIT. anggwapo ko talaga. *PAGBIGYAN nyo na*

Ako si Mark. Wag ka na magreklamo sa pangalan ko, alam kong sa mga nabasa mong ibang istorya panglimang MARK mo na ako. 16 years old at first day ko ngayon sa College. Excited na nakakatakot kase first time kong pumasok sa isang totoong school at isa pang University. OO! isang University! Exciting isn't it? isn't it? Ok. mukha akong tanga.

Binuksan ko agad ang desktop sa kwarto. Binuksan ko ang website ng "UNIVERSITY" na paulit-ulit kong binubuksan mula pa nung na-enroll ako. WALA EH, EXCITED TALAGA EH.  Tinignan ko ulit ang schedule at tinitigan.

"TAMA. 10:30 una kong klase ngayon." *Wag kayo matakot, lagi ko talagang kausap ang sarili ko. di ako bano or whatsoever, sadyang sanay lang ako ng walang ibang kausap bukod kay Mama tsaka ang sarili ko.*

Nag-iwan ng 650 pesos si Mama. Pambili ng agahan at pamasahe na rin siguro. Ibinigay na ni Mama kahapon yung una kong WEEKLY ALLOWANCE eh. "Tss, si Mama talaga.."

Nagbukas ako ng 3 panibagong tab sa browser. HOLY TRINITY ang tawag ko sa kanila. 

*OO, weird talaga ako*

www.facebook.com

www.twitter.com

www.youtube.com

Bukod sa mga pinsan, friend ko din sa facebook ang aking Lolo at Lola na ngayon ay nasa Canada, mga Tito at Tita na nagkalat sa Australia at America, pati na ang mga Tutor at mga naging Teacher ko mula nung Grade 5 ako. 46 Facebook Friends in total. Wala akong kaibigan bukod sa lagi kong kausap *AKO* at mga pinsan na umuuwi ng bansa minsan sa isang taon. Wala rin akong best friend. *DRAMA ni pututuy oh*

Lumundag ako sa kabilang tab *LUMUNDAG TALAGA?* at nakinig ng kanta sa youtube.

Jason Mraz - I Won't Give Up [Official Music Video]

8:30 na. nag-umpisa na kong mag-ayos ng mga gamit para sa pagpasok.

BAG PACK.

BINDER. 

BALLPEN. G-TECH. PILOT. FriXion Pen. Faber-Castell. 

Blackberry. Earphones.

Panyo. Towel. REG. FORM at I.D.

Wallet. 

Naligo at Nagbihis.. BOOM PANES!

lumabas ako ng bahay suot ang itim na tribal shirt, converse na itim at pamatay na skinny jeans. Laging ganito ang porma ko paglalabas ako ng bahay. Di naman masagwa saken dahil matangkad naman ako :)

NAGLAKAD AKO NG KONTI palabas sa village AT SUMAKAY SA TRIKE.

"San ka toto?" Sabi ng Driver na may katandaan na.

"Ahh..eh.. sa ano po... uuhhmm... sa CavSu po.." sabi ko na mejo nahihiya. SHIT. di ako sanay makipag-usap sa ibang tao.

"Ah.. dun ba? Taga-dito ka ba sa village? Di naman kita nakikita dito ah.." sabi ng ususerong Kuyang Driver.

"Opo..di lang po ako nalabas ng bahay..." Sabay sakay sa lumang trike ni Manong Driver.

Tumango ang ususerong driver at nag-drive. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Torpe Diaries. ON GOING, BITCH.Where stories live. Discover now