Chapter 2

9.9K 130 4
                                    



KAKAIBA ang pakiramdam ni Kiesha, habang hinahalikan siya ng lalake tila ba kilala ng mga labi nila ang isat-isa.

"Ehemmm, Kiesha. Nag e-enjoy ka yata sa halik ng lalakeng iyan parang nakalimutan mo na yata ang motto mo."

Dahil sa narinig na sinabi ng mga kaibigan bigla niyang itinulak ubod lakas ang lalake kahit na ayaw pa sana niyang tapusin ang halikan nila.

Para hindi siya mapahiya sa harap ng mga kaibigan sinampal niya ulit ang lalake at tinarayan pa niya ito.

Hahalikan sana muli ng lalake ang dalaga kaya lang may nakita itong kakaiba sa mata nito tila ba sinasabi na huwag mo ng gawin ulit.

"Ikaw wala kang karapatan na halikan ako dahil hindi kita kilala at lalong- lalo na hindi kita boyfriend!"

"Ganun ba di mag pakilala ako saiyo. I'm Larry Acosta. At ikaw miss?" nilahad niya ang kamay sa dalaga.

Pero hindi ito tinangap ng dalaga at hindi sinabi ang pangalan bagkus niyaya na nito ang mga kaibigan.

"Girls lets go, umuwi na tayo!"

"Ano? Kiesha naman, diba mag shopping pa tayo ngayon?"protesta ng mga ito.

"Gusto ninyo kayo na lang nawalang na ako ng gana ngayon dahil maraming bastos!" sabay tingin sa lalake.

Napailing na lang si Larry sa sinabi ng dalaga. Pero napangiti pa rin siya kahit na dalawang sampal ang ibinigay sa kanya ng dalaga. Napahawak siya sa kaniyang pisngi.

Walang nagawa ang mga kaibigan ni Kiesha, kundi sumunod sa gusto nito.

"Ang suplada naman ng babaeng iyun pero maganda siya ah, ang lambot pa ng labi niya ang gandang pa welcome naman sa akin dito halik at sampal. Makaalis na nga saan ba dito ang bahay nila Manong Noli?"

Nang may dumaan sa kanyang harapan tinanong niya ito kung alam ang address na ipinakita niya.

"Manong, alam mo ba ang address?"

"Aba Oo, sa poblacion pa iyan sumakay ka pa ng jeep tapos sa unang kanto bumaba ka doon mag tanong ka na lang kilala na nila ang pamilyang iyan."

"Salamat po, Manong."

"Walang ano man sige maiwan na kita."

"Sige po, Manong."

Bago siya sumakay ng jeep nilingon muna niya ang dalagang sumanpal sa kanya na hinihintay ang sundo.

"Maganda talaga siya kahit na nakasimangot malalaman ko rin ang pangalan miss mataray."

"Ahhhhh! Bat ang tagal naman ni Mang Camilo!" kanina pa inip na inip sa paghihintay sa sundo nila.

Limang minuto dumating na ito kaagad niyang tinaratayan ang kanilang driver.

"Bakit ba ang tagal ha, Mang Camilo, kanina pa ako tumawag sa bahay para suduin mo ako rito pero bakit ngayon ka lang, ha?!"bulyaw nito.

"Pasensiya na po ma'am, may dinaanan pa po kasi ako."

"Ang tanong ko ngayon saiyo, mas importante pa ba iyon dinaanan mo kaysa sa akin na anak ng amo mo!"

Napalingon lahat ng taong dumadaan sa kanila dahil malakas ang boses ng dalaga. Sumakay na ito pabalibag na isinara ang pinto ng sasakyan dahil sa inis nakalimutan na niyang may kasama pala siya.

kitang-kita naman ni Larry ang ginawa ng dalaga kaya napailing na siya.

"ma'am sila po hindi ba sila sasabay saiyo?"

"Oh, shit!"Kaya dali-dali niyang ibinaba ang ang salamin ng sasakyan para tawagin ang mga kaibigan niya.

"Girls sorry sobrang inis ko lang kasi kaya nakalimutan ko kayo ano sasama ba kayo sa bahay O itutuloy ninyo ang pag shopping?"

LOVE ME AGAIN (Book 2: Kailangan Kita)Where stories live. Discover now