Kabanata 36

Mulai dari awal
                                    

“Baka mahulog ka, hija,” saway ng Mama niya.

“Hayaan mo na siya Felomina. Baka gusto nang languyin ng anak mo ang dagat sa sobrang pagmamadali,” biro ni Manuel na katabing naka-upo sa asawa.

“Papa naman!” maktol niya sa ama. Nahiya tuloy siya. Masyado yatang halata na sabik na sabik na siyang makita si Mamerto.

Magkasabay lang na tumawa ang mga magulang niya.

Inirapan niya ito at ibinalik ang tingin sa isla na halos ilang metro na lang layo sa kanila. Sa ‘di kalayuan ay may nakikita siyang dalawang taong naglalakad. At hindi siya maaaring magkamali na si Mamerto ang isa doon. Nakilala niya ang kasama nito na si Dina na parang tahimik lang na nakasunod kay Mamerto. Lalong lumuwang ang mga ngiti niya sa labi at hindi niya napigilan ang sariling tawagin ito.

“Mamerto!” ubod ng lakas niyang tawag kasabay ng pagkaway ng kanyang kanang kamay sa ere.

Parang narinig naman nito ang tawag niya at biglang lumingon sa direksyon niya. Palapit ng palapit na ang yate sa may dalampasigan at kitang-kita niya ang gulat sa mukha ng binata. Gayunpaman ay ngumiti din ito nang mapagtantong siyang ang lulan ng yate kasama ng kanyang mga magulang.

Pagtigil ng yate, unang bumababa ang kanyang amang ni Manuel kasunod ng kanyang ina. Nakita niyang umibis si Mamerto paakyat ng yate para alalayan siya pababa.

“Ferel?” halos pabulong na sabi nito pero dinig na dinig iyon ni Ferel. Hawak nito ang kanyang kamay.

“Ako nga Mamerto,” ngiti niya. “Pasensya na at ngayon lang ka—“

“Hindi,” iling nito. “Huwag kang humingi ng paumanhin naiitindihan ko.”

“Talaga?”

“Oo naman.”

Hindi na napigilan pa ni Ferel ang sarili at mahigpit siyang yumakap kay Mamerto at ganoon din ang ginawa nito. Parang gusto niyang maluha sa sobrang tuwa na nararamdaman niya. Hindi ito galit katulad ng inaasahan niya. Ilang sandali pa ay kumalas siya sa pagkakayakap. Nakadama siya ng hiya sa sarili sa inasal niya.

“Bakit?” usisa ni Mamerto na hinawakan ang magkabila niyang kamay.

“Wala,” nakangiti niyang sabi na titig na titig sa mga mata ng binata.

Ngumiti din ito at sinalubong ang mga titig niya. “Ang akala ko nakalimutan mo na ako,” madamdamin niyang pahayag.

Natawa siya sa tinuran nito. “Ikaw pa. Mawala ka man sa alaala ko, lagi ka pa ring narito,” itinapat niya ang kanyang hintuturo sa dibdib, “dito sa puso ko.”

Akmang yayakapin ulit siya ng binata.

“Bumaba na nga kayo riyan!”

Sabay silang tumingin sa pagtawag ni Minda, ang ina ni Mamerto.

“Opo, Nanay,” kamot ulong saad ni Mamerto pagkatapos ay nag-ukol ng isang matamis na ngiti sa kanya.

“Tayo na,” yaya ni Ferel na bahagyang itinaas ang magkahawak nilang mga kamay ng binata.

xoxoxoxoxoxoxoxoxo

Gabi na pero magkasama pa rin sina Ferel at Mamerto na naglalakad sa dalampasigan. Magkahawak ang kanilang mga kamay na kagaya ng dati. Parang may sariling isip ang mga ito na sa tuwing magkakalapit ay hindi maiwasang hindi maghawakan. Katatapos lang ng isang masaganang hapunan at iniwan nila ang kanya-kanyang magulang sa kubo na katulad din nilang walang kasawaan sa pagkukumustahan.

“Mamerto,” tawag ni Ferel sa binata. Tumigil siya sa paglalakad.

“Bakit?” Tumigil din ito sa paglalakad.

ALAALATempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang