NAGULAT si Enrico nang madatnan si Adam na naghihintay sa kanya sa kanilang malaking living room.

"Kanina pa siya naghihintay rito Enrico. Nakausap ko na siya, now it's better kung kayong dalawa naman ang mag-usap." wika ng asawa niya. Tumayo ito at nagtuloy-tuloy sa pag-akyat ng hagdan.

"Anong kailangan mo?" pormal na saad ng Don.

Tumayo ang binata. "Puwede ko po bang malaman ang itinerary ng European tour ni Jenna? Please sir, I really need to talk to her."

"Sit down, hindi ko alam kung anong nangyari sainyo ng anak ko. She wouldn't tell me bigla na lang siyang nagpaalam na aalis. Pasensya ka na hijo, alam kong hindi naging maganda ang pakikitungo ko saiyo pero hindi ko rin alam ang itinerary niya. Ang nabanggit niya lang sa akin ay ang pagbisita niya sa iba't-ibang museums sa France."

Nanghihinang naupo si Adam. "Kailan po ba ang balik niya?" nasa mukha nito na para bang walang ibang pagpipilian kundi ang hintayin ang pag-uwi ni Jenna.

"She'll come back iyon kung makapaghihintay ka. I think kaya mo naman," ngumiti ang matandang lalaki. Ngayon lang niya napagtantong nakita na niya ang tamang lalaki para sa kanyang unica hija at nagsisisi siya na nagkamali siya ng lalaking napili para sa anak noon.

"I think I waited for your daughter for almost eight years. Alam kong hindi ako kasing yaman ninyo, pero kaya ko po siyang buhayin na ayon sa pamantayan niya."

"I'm telling you young man, mahal ang maintenance ng anak ko." Napapailing na wika ni Enrico.

"I know sir, I can work hard to give her the best, kahit pa mamulubi ako."

"Hayaan mo. I'll call her and ask her itinerary of travel."

"Thank you sir."

"But I'm telling you, if you hurt her again ako ang makakalaban mo. Mabait lang ako ngayon dahil malaki ang naging kasalanan ko sa anak ko."

"We really need to talk, hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin."

Nagkibit ng mga balikat ang Don. "Bahala ka, basta siguraduhin mong pagbalik mo ng Pilipinas kasama mo na siya."

"I'll do that sir."

"WHAT a small world! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" gulat na bulalas si Anne nang ikuwento niya rito ang tungkol sa kanila ni Adam. Namumugto ang mata niya at naiiyak pa rin siya kapag naiisip ang mga narinig niya mula sa binata. Sa apartment nito sa Paris siya tumuloy.

"I didn't know na aabot sa ganito." Sumisinghot na wika ng dalaga.

"You didn't even react kahit alam mong pinagpapantasyahan ko yung tao. My gosh Jenna, bakit naman hindi mo siya kinausap? If there is a misunderstanding you should've confronted him. Hindi iyong basta mo na lang iiwan yung tao." Namimilog ang matang wika ni Anne, "Tapos pagdating mo dito iiyak-iyak ka naman." bulong pa nito.

"Nagkaphobia na ata ako eh, una si Nick. I never thought na inutusan lang siya ng daddy. Tapos ngayon naman si Adam, gumaganti lang pala siya sa akin dahil sa kalokohang ginawa ko sa kanya noon." Masamang-masama ang loob niya.

"Hindi lahat ng lalaki parepareho. I know Adam at sa tingin ko hindi niya iyon magagawa saiyo. He is a good man."

"Iyon din ang akala ko dati." sumimangot siya.

"Why you leave him on impulse? Paano kung nagkamali ka lang sa pagkakadinig mo sa usapan nila?"

"I heard him clearly. Sa bibig niya mismo lumabas at sumangayon naman ang daddy." Naiiyak na naman siya. Ganoon na ba siya kamalas pagdating sa love life?

"That's enough. Look at yourself, ang pangit mo na!"

"Ano bang gagawin ko?"

"Maglibot tayo sa buong Paris para malibang ka. Nextweek pa ang international exhibit sa Renaissance House kaya kung ako saiyo sisimulan ko na ang tour. Sayang ng Paris pass na hawak mo."

"Tinatamad akong lumabas." Nahiga siya sa couch at humikab.

"Alangan namang iwan kita dito. Nasaan na ang konsensya ko niyan? Kailan ba ang plano mong bumalik ng Pilipinas?"

"I don't know, for now I want to stay here." Nagbuntong-hininga siya.

"I know what you're going through. But come to think of it, when Nick jilted you, you quickly recover from heartache. I'm sure magagawa mo ring kalimutan si Adam kung gugustuhin mo lang."

"I hope so." Paano niya ipapaliwanag rito na malayung-malayo ang nararamdaman niya para kay Adam kumpara kay Nick. She gave everything to Adam while she had her reservations to Nick.

Tumunog ang cellphone nito at may kinausap sandali. Iniunat niya ang katawan at wala sa loob na tumitig sa kisame. Tukso namang nabubuo ang imahe ni Adam doon.

"Suit yourself, magsimula na tayong maglibot sa mga museums dito. I'll be very busy for these coming days baka hindi na kita masamahan."

Kahit tinatamad pinilit niyang tumayo at naligo. Gusto rin naman niyang libangin ang sarili dahil mauumay na siya kakaisip kay Adam. 

Adam's Verdict PHR (COMPLETE)Where stories live. Discover now