Wala sa sariling natawa si Adam ng muling mabasa ang sulat ni Jenna walong taon na ang nakakaraan.

"Little brat, kahit noon pa man may kakayahan ka ng guluhin ang mundo ko." Naibulong niya sa hangin. Wala itong ideya kung anong klaseng pagpipigil ang ginawa niya para gawin ang tama. Napakainosente pa nito at hindi niya kayang sirain ang buhay nito dahil alam niyang hindi ito aware sa mga kosekweksya ng mga ginagawa nito. Malaking bulas ito noon pa man kaya kung pagbabasehan niya ang hitsura nito ay mas dalaga na itong tingnan kaysa sa totoong edad nito.

Kaya niligawan niya noon si Alexa dahil ito ang nababagay sa kanya. Kaya lang mas lalong naging komplikado ang lahat...

"Why can't you accept that you are in love with that brat? My god Adam, tingnan mo nga ang sarili mo? Hindi ka ba nahihiya? That girl is only sixteen!" naiiyak na wika ni Alexa. Pinuntahan siya nito sa bahay niya matapos ang graduation nila. Nakakahaata itong lagi siyang wala sa sarili nang mga nakaraang araw.

"Oh c'mon Alexa, what are you talking about? I'm just little preoccupied. That's all!" hindi siya makapaniwala na aakusahan siya nito ng ganoon.

"Sige, lokohin mo yang sarili mo. Akala mo ba hindi ko nahahalata?"

"Nahahalatang ano?"

Mapait itong ngumiti, "Everytime that brat is around, nagniningning yang mga mata mo. Can't you even notice na siya ang laging bukambibig mo tuwing magkasama tayo? That brat is really something, that brat is really annoying, that brat is a little witch, puro na lang ang batang iyon Adam." Napapailing na wika nito. Namumuo na rin ang luha sa gilid ng mata nito.

Niyakap niya ito, "Don't be jealous with that kid. I am just fascinated that's all." aniya. Hinagod niya ang likod nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at mariin siyang tinitigan sa mata.

"I thought you are just fascinated too. But how can you explain the sadness in your eyes mula ng umalis ang batang iyon?"

Mariing umiling si Adam at tumawa ng pagak. "That's absurd, iniisip mo ba talagang papatol ako sa batang iyon? Mag-isip ka nga. Look, I'm sorry if I taken you for granted this past few days okay?"

"No Adam, I'm breaking up with you. Hindi ko kayang makipagkumpetensya sa batang iyon diyan sa puso mo, bakit hindi mo na lang aminin sa sarili mong niligawan mo lang ako para sa akin maidivert ang atensyon mo?" ani Alexa na puno ng hinanakit pero walang pag-aakusa.

Adam stared at her in disbelief. "Hindi ko alam na aabot sa ganito ang pagseselos mo Alexa. Jenna is just my student at nagkataon lang na nainvolve kami sa isang iskandalo. Iyon lang iyon."

"Bahala ka. Simula ngayon malaya ka na. Salamat sa lahat. Darating ang panahong malalaman mo rin kung bakit ako nagkakaganito, hindi mo lang siguro maamin ngayon ang damdamin mo sa batang iyon dahil maging ikaw ay nahihiya rin sa sarili mo. Good luck Adam, and good bye."

Masamang-masama ang loob nito. Pinipilit niya itong yakapin ngunit nagpupumiglas ito at tuluyan na siyang iniwan.

Hindi siya makapaniwala sa mga inaakusa nito sa kanya. He couldn't be in love with that brat napakaimposibleng mangyari iyon.

Mariing umiling ang binata. Alexa's accusation was right. Hindi lang niya maamin sa sarili dahil nakakahiya. He just can't imagine that he fell in love with a sixteen year old girl, ano na lang ang iisipin ng mga tao? Na kaya niya ito nagustuhan dahil sa napakayaman nito? Ano na lang ang kaibahan niya sa mga oportunistang lalaking nagkalat sa paligid nito?

But the situation now is a lot different. Hindi na ito bata at may unawaan na sila. Kailangan niyang makausap ang mga magulang nito. Susundan niya ito kung nasaan man ito ngayon kailangan nilang makapag-usap. Kokomprontahin niya ito kung bakit hindi man lang siya nito ipinaglaban sa harap ng ama nito.

Adam's Verdict PHR (COMPLETE)Where stories live. Discover now