He met Her

8 0 1
                                    

(Author's note: This is not an imitation. I am also the author that you know who created the story intitled "My king" yes I am Mj)

Zart Lideon's POV

4th year college na ako pero hanggang ngayon, di pa rin kami. Kahit sikat ako sa school na ito, di nya pa rin ako magustuhan. Maraming babae ang naghahabol sa akin pero yung taong gusto ko, wala nga-nga.

"Brad tulala ka nanaman ah. Iniisip mo ba si Myka? Mapapasaiyo rin yun" Kasama ko pala ang barkada ngayon papasok sa building ng school namin.

"Eh paano naman yun mangyayari ha Ian?"

"Madali lang yan Zart. Ikaw naman oh.Maghanap ka rin ng kagaya nya na walang gusto sa iyo at yun ang ligawan mo. Kailangan mong mapasagot ang babaeng yun tandaan mo yan Zart"

"At bakit ko naman yun gagawin?"

"Kapag naging kayo nga nung babae, maipapamukha mo sa kanya na lahat napapasagot mo at kung talaga namang pakipot sya, maaari syang magselos at sya narin mismo ang lalapit sa'yo at magmakaawa na sya nalang ang gawin mong girl friend"

"Alam mo tama ka pero saan naman ako hahanap ng babaeng hindi ako gusto eh halos lahat ay hinahabol ako?"

"Tulad nga ng sabi mo, halos lahat pero hindi lahat tandaan mo yan at may kilala na ako na swak para dyan. Ayun oh." Sabi nya habang nakaturo sa babaeng tahimik na nakaupo sa isang bench sa ilalim ng isang puno.

"Lapitan mo na habang wala pa tayong klase." Dagdag nya pa.

Lumapit na ako sa babae at umupo sa tabi nya. Mukhang tama si Ian. Mukhang wala ngang interes sa akin to.

"Hi, ako nga pala si Zart and you are?' I said as I extend my right hand.

"Kaya ka lumapit sa akin para gamitin ako para lang maging kayo ni Myka right?" Nagulat ako sa sinabi nya. Paano ko pa ide-deny eh saktong-sakto lang ang sinabi nya?

"And I agree" Dagdag nya pa.

"Eh bakit naman?" Balik tanong ko sakanya. Bigla syang tumayo at tumalikod sa akin sabay sabing ...

"Mahal kasi kita."

"Alam mo ba kung anong reaction ko?" Tanong ko sa kanya eh kasi naman nakatalikod nga saakin eh. Nagkibit-balikat lang sya at sinabing

"How would I know if you won't say it?" Sabay lakad palayo. Kaiba yun ah?

Maaga akong pumasok kahit labag sa kalooban ko para lang hintayin ang babaeng 'yon dito sa labas ng gate. Pi-nark ko muna ang kotse ko bago ko sya hintayin sa gate. Hindi ko nga alam kung anong pangalan nya eh. Nilayasan nga kasi ako kahapon. Ni hindi ko nga rin alam ang course nya at building ng room nya eh -_-v.

Maya-maya pa ay nakita ko na rin syang papasok sa gate. I took the chance para lapitan sya at kausapin.

"Uy teka lang dapat sabay tayong papasok ng naka-holding hands." Sabi ko sa kanya habang hinahabol sya sa paglalakad. Ang bilis kasi mag-lakad eh.Binagalan nya naman ang paglalakad matapos kong mag-salita.

Habang naglalakad kami ay binulungan ko sya.

"Ano nga pala ang pangalan mo at saka anong course mo at asan ang room mo?' Ay shet, mukhang gago. Andami kong tanong.

"Zerine ang pangalan ko. HRM ang course ko at ang room ko ay sa room 103. Gets mo?" Sunod-sunod nya ring sagot.

"Ah ok. Sabay tayong kumain mamayang break time. Puntahan nalang kita mamaya sa room mo. Hatid na rin pala kita." Kahit anong dada ko rito wala tahimik lang sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Savior, A Healer and an EnemyWhere stories live. Discover now