"The Letter"

8 1 0
                                    

July 20'3

See how crappy life is? Minsan, mafa-flat yung gulong, at di ka na makaka-angat pa muli sa taas, except kung mavulcanize.

Heto na ako ngayon at kasama ang pinakamatalik kong kaibigan, si Kim habang papunta sa bahay ng mga magulang ko. Wala man lamang imikan, dahil alam kong galit sakin ‘tong babaeng to. Well, sino ba naman ang di magagalit kung ang pinakamatalik mong kaibigan ay aalis diba?

Oo, aalis ako. And I’m not sure if I’ll be back. Nakatanggap ako ng sulat mula sa dean ng Engineering sa  Delft University of Technology sa The Neatherlands na aprubado ang request kong makapag-aral doon ng Masters in Computer Science. Matagal ko nang pangarap to, pero tinanggihan ko dahil kulang pa ang ipon ko para isama si Maxine doon habang nag-aaral ako. Ngayong single ako, baka siguro kaya ko na kaya nagpadala na rin ako ng reply sa unibersidad.

Bago kami makapasok ng bayan ay nagsalita rin saw akas si Kim. “Sigurado ka na ba?” Malamig nyang tanong sa akin. Without looking, I answered a short “oo” sa kanya. Nagmadali na lamang akong makarating sa bahay at ipinarada ang kotse sa harapan nito.

Nang makapasok ay agad kong niyakap si Mama. It’s been a year since I’ve left the house para magtrabaho sa Manila. Ang gaan sa pakiramdam. “Ano naman tong nabalitaan ko kay Kim ha?” tanong ni mama na may halong pagdududa sa tono. Bigla akong napatigil at napatitig sa kaibigan ko habang nagtatanggal siya ng sapin sa paa. “May girlfriend ka na raw. At mukhang di ka pa sigurado at di mo pinapakilala sa’kin?”

Laking gulat ko nang humalakhak si Kim. Ang loka, di inupdate si mama at ngayon tawa ng tawa dahil sa nangyari lately. Ladies and gentlemen, eto ang tunay na kaibigan. “Nagbreak na sila, wala ka nang makikilala Tita. Forever alone na yang anak nyo.” Tuloy ang pagtawa nya. Nasiraan na yata.

“We broke up a month ago, ‘nay. Pero di yun ang dahilan ng pagpunta ko rito… Itutuloy ko na po kasi yung pag-aaral ko sa ibang bansa.”

Agad napatigil ang aking inay sa pag-ngiti at naging seryoso. “Sigurado ka na dyan? Aba, mahirap sa ibang bansa.” tanong nya. Naalala ko tuloy ang hirap niya noong bata pa lamang ako at nagtatrabaho siya sa Hong Kong. “Mag-aaral lang naman ako dun, at may ipon na rin naman ako Nay. I’ll invest in my education at skills, tulad ng gusto natin dati pa lang.”

“Can you atleast stay here for a month? Mahiya ka naman kay Tita no?” Sabat ni Kim habang nakangiti at nilalaro si Macky, yung aso namin. “See, even Macky says so”.

“Fine. I’ll stay here. Gusto mo rin, Kim? May summer class si Rain at nasa dorm pa yun, kaya you can use his room.” Sagot ko habang unti-unting nakangiti. Niyakap ko ulit si mama. It seriously feels good to be back home.

Departures and Arrivals (To Be Revised)Where stories live. Discover now