CHAPTER FIVE

8.2K 205 11
                                    

Isang Linggo ng walang pukos sa pagtatrabaho si Darrel Dariuz. Hindi na nawala sa isip niya si Erin Stonex. Ang napakaganda nito mukha at ang malapusa nitong mga mata na kulay-abo. Damn,ngayon lang siya nakakita ng ubod ng ganda tulad nito. Mas maganda sa mga nakilala na niya babae.

Tila may humahatak sa kanya palapit rito. May kung ano meron rito para magawa niya ang bagay na yun na hindi niya ginagawa sa buo buhay niya ang maghabol sa isang babae. Siya ang hinahabol!

Naikuyom niya ang mga palad na nasa ibabaw ng desk niya. Parang isang masamang panaginip lang ang hindi niya inaasahan na mangyayari. Nagising na lamang siya nasa ospital na siya. Ramdam ang pananakit ng kanya likod at pisngi.

Hindi niya mawari kung paano iyun nagawa ng babae  at gaano kaposible na mapatalsik siya nito sa isang sampal lang? Maliban na lang kung may kapangyarihan ang babae kaya nagawa nito iyun? Damn shit! Hindi niya alam kung ano taLaga nangyari!

Ang nakakabighani pa nakaharap niya ng araw iyun na nasa hospital pa siya ang highest paid private investigator ng bansa na si Tyron Siegfred. Doon niya nalaman na future in-law ito ng babae. Naging maayos naman pag-uusap nila maliban sa binigay nito babala sa kanya. Hindi niya gugustuhin na makalaban ang tulad nito,well,Wala naman siya tinatago baho ,ayaw na rin niya palakihin ang gulo lalo PA at napaamin siya nito na kasalanan niya ang nangyari.

Hindi naman taLaga niya gusto pang magreklamo pero napilit siya ni Alona,ang sekretarya niya na kinakapatid pa niya. Minsan sinusunod niya ito kapag maganda ang suhestyon nito pero dahiL sa Nag-aalala lang ito sa kanya at marapat lang daw turuan ng leksyon ang babae ay marapat lang daw na parusahan ito.

Marahas siya napabuga ng hangin.

Tama lang na wag ng palakihin pa ang guLo. May kasalanan rin naman siya. Nabastos niya ang babae. Damn shit! Aminadong siya wagas ang kapilyuhan niya pero hindi ganun kapangahas.

Naihilot niya ang nanakit ng ulo. Yeah,isang linggo na rin siya sinusundot ng guilt dahiL sa nagawa niya. Narealize niya na tama lang Siguro na nasaktan siya ng babae dahiL sa pangbabastos niya rito.

"Darrel?" pukaw ni Alona sa kanya.

"Hmm?" nakapikit niya saad habang nakasandal sa upuan niya.

"Uhm,tumawag sa akin si Mr.Dave Dornan..gusto ka niya makausap kapag may oras ka," anito

Agad siya napamulat sa sinabi nito.

Dave Dornan? The very wellknown billionaire businessman?

"What?"

"Si Mr.Dave Dornan gusto ka niya makausap," uLit nito.

"TaLaga? Anong sabi mo?"aniya.

Nagkibit ito ng balikat. " Sabi ko sa sunod na araw ka pa may libre oras..tatawagan ko na lang siya kapag nasabi ko na sayo at kung kailan mo siya gusto kausapin,"anito.

"No,icancel mo muna ang lunch meeting ko today.." utos niya rito.

"Ha?"

"He, Dave Dornan..hindi siya dapat pinaghihintay...he's very important person," aniya.

Naunawaan naman nito ang ibig niya sabihin.

Isang oportunidad sa kanya na makaharap ito ng personal. Nasa iisang mundo lamang sila nito pero hindi ganun kadali makalapit sa negosyante.

Bakit kaya gusto siya nito makausap? Well,he will know kapag nagkaharap na sila nito.

Bigla nagkaroon siya ng excitement makalipas ng isang Linggo nakaramdam uLit siya ng thrill. Pero mananatili pa rin sa utak niya ang babae. Sana magkita pa sila nito kasi dapat lang na humingi sya ng tawad rito. Kahit Gago siya at hambog may puso pa rin naman siya.

Yeah,kailangan ko humingi ng sorry sa kanya kung hindi baka habang buhay na lang siya guilty na hindi niya maintidihan kung Bakit parang ayaw pa niya maputol ang ugnayan nila ng babae.

Hindi kaya napasama ang pagkakatama niya sa pader noong nakaraan. Naipilig na lang niya ang ulo at inihanda na lamang ang sarili para sa pagkikita nila ni Mr.Dave Dornan.

The Beautiful Wolf Series 4 : ERIN STONEX by CallmeAngge(INCOMPLETED)Where stories live. Discover now