Unang Tibok

0 0 0
                                        

Ito yung unang araw ko sa school. I was a little bit nervous and excited. I saw dad outside the gate waving. Parang may sinasabi siya. Pero who cares, sa dami ng estudyante na dumadaan sa akin. Hindi ko na siya makita.

Sinimulan ko na ang aking mabilis na hakbang papasok sa napakalaking pinto ng paaralan. Ang daming estudyante. May mga sosyal, nerds,jocks,weirdos, at mga smarties.

Parang first day high. Pero everytime ko nararanasan itong first day ng pasukan ay nakakaramdam ako ng panghihilo at pagpapawis.

"Kaya mo to Tim." Bulong ko sa aking sarili. Sinimulan ko nang hanapin ang aking section. At siyempre, nagtanong tanong ako para masmabilis ang aking paghahanap.

Nang makita ko na ang aking section ay agad akong pumasok sa room. Sa unang pagbukas ko pa lang ng pinto ay may mga estudyante na nakapwesto sa kani kanilang nga upuan.

Masgusto ko ang nasa likod kasi ayokong natatawagan ng guro. Pero parang lahat na ata ng upuan sa likod ay occupied na. Hmmmm... you have to think Tim.

Wala na akong choice kung hindi kunin ang upuan na nasa third row. Paglagay ko sa aking mga kagamitan ay may lumapit na babae. Mukhang mabait at friendly. Curly at may pagkabrown ang buhok niya.

"Hi, im trisha and you are?" Tanong ng dalaga

"Tim." Sagot ko naman

"Hi tim. I'm glad na dito ka napunta sa amin. We are really praying for someone like you." She winked at me. Baka magkagusto pa ito sa akin ah.

"Anong ibig mong sabihin?" Pinapawisan ako kasi hindi na ito ang unang beses na nagkagusto sa akin ang isang babae.

"Ano ba. Diba gay ka?" Sigaw ni Trisha.

"Ahmmm yep?" Sagot ko naman. Naiinis ako kasi ayoko na isinisigaw ang aking pagiging gay.

May itatanong pa sana si Trisha kaso pumasok na ang adviser namin. Simple at maganda. Parang nasa 20's pa.

Umupo siya sa gitna at isa isa kaming tinawag. Nang tinawag yung pangalan ko ay pinapunta ako sa harap at ipinakilala ang aking sarili. Hindi talaga ako sanay na magshare or magkwento sa harap ng madaming tao. Kaya nanginginig ako sa takot.

Nang magsimula na akong magkwento ay naririnig ko na may mga bully sa likod na gumagawa ng ingay ng parang nagpapanggap na gay.

Yung ang pinaka ayaw ko. Pero sino ba naman ako? Kakalipat ko lang ng school at kailangan kong maging okay sa unang araw ko.

Hindi ko sila pinansin at siyempre sinuway sila ni Bb. Tangco.

I continued introducing myself. Nang biglang pumasok ang isang guy na pawis na pawis. Matangkad at moreno. Parang isang prince charming na kumakatok sa puso ko.

Yung tibok na alam mong ayaw mong ipag sigaw. Parang hindi ako makasalita. Ito yung unang beses na parang nafall ako bigla. Iba ito sa lahat ng crushes ko. Pero itong guy na to na medyo suplado ang nagpapatibok ng aking puso.

Hayyyssss parang gusto kong itigil ang takbo ng oras.

"Frank dela cruz?" Tanong ni Bb. Tangco sa binata na umupo sa harapan ko.

Yep sa harapan ko mismo. Parang ang dami niyang ginagawa sa upuan na hindi makatingin sa guro namin. Suplado nga.

Hey, humarap ka nga sa akin at gusto kong makita ang iyong mga mata.

Ayun,tumingin rin siya at parang mastinitigan ko siya ng matagal. Ang ganda ng mata. Para talagang prinsipe.

"Please continue Tim." Hudyat ni Bb. Tangco

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TibokStories to obsess over. Discover now