"Ang bahay mo'y bahay na rin niya. Ang bahay niya'y bahay mo na rin. Ganyan ang mag-asawa. Siguro ay nagkatampuhan kayo. Hindi solusyon ang ginagawa mong ito. Hala, mag-ayos ka na ng sarili mo't hayan at may muta ka pa. Pagbaba mo'y handa na ang almusal."

"Nanang---"

"Huwag nang matigas ang ulo mong bata ka. Pumanhik ka na at mabilis ka. Masama sa bata ang nagugutom ang ina."

"Pero---"

"May pinsan akong mahilig magpalipas ng gutom noong buntis. Nang lumabas ang anak ay may diprensiya sa utak. Iyon ba ang gusto mo?"

Napipilan na siya. Tumalima na lang siya sa sinabi nito. Mamaya na lang siguro sila mag-uusap ni Marcus. Ang lalaking iyon, hindi man lang ipinauna sa kanyang tutungo pala doon ang yaya nito. At base sa mga kuwento nito noon sa kanya, ang matanda daw ay napakabait. Pero mukhang hindi ganoon. Mukhang napakaistrikta nito.

Nang bumaba nga siya ay nakahanda na ang almusal. May gatas nang nakatimpla para sa kanya, itlog, kanin, at daing na bangus. Kung paano nito naluto nang ganoon kabilis ang lahat ay tanging ito na lang ang nakakaalam.

"Hala, kumain ka nang kumain. Pagkatapos niya'y magpahinga ka lang doon sa silid mo. Maglilinis ako dito."

Batas ang salita ni Nanang Doring nang araw na iyon. Wala siyang maikatwiran dito. At nang dumating na si Marcus ay hindi siya agad nakapagreklamo rito. Nakaharap kasi ang matanda.

Matapos ang masaganang hapunan ay nagtungo na siya sa silid. Nakasunod si Marcus sa kanya. Hinarap niya ito.

"HOW dare you!"

"What's the matter, pretty?"

"Anong what's the matter? I told you, I want you to leave me alone."

Tinawanan lang siya nito at nagtungo sa banyo. Sumunod siya hanggang doon pero agad na napatalikod nang bigla na lang itong maghubad.

"You can look."

"What are you playing at?"

"Nothing. What are you playing at?"

Impit siyang tumili doon at pabalagbag na isinara ang pinto. Naghintay siya sa silid. Sa isang silya siya pumuwesto. Nang lumabas si Marcus ay tanging tuwalya lang ang nakatapis dito.

"Get dressed and get out of my house."

Pasipol-sipol itong nagsuot ng boxer shorts, hindi na nag-abalang takpan ang sarili habang isinusuot iyon. Hindi ito nagsuot ng kamiseta, lumapit lang sa kanya at naupo sa tapat niya.

"Get out!"

"How was your day?"

"Get out."

"How's my baby?" Idinaiti nito ang tainga sa kanyang tiyan. She could smell him. He smelled wonderful.

"Marcus---"

"Your breasts got bigger."

Napasinghap na lang siya nang dumako doon ang mainit nitong palad. Napakabilis na nag-init ng kanyang pakiramdam pero alam niyang wala nang dapat mangyari pa sa kanila. She stood up.

"Please don't do that again."

"Why not, huh?"

"Because we're already broken up. If I can't do anything to make you leave, fine. Just remember we're over."

Dumilim ang mukha nito at walang sabi-sabing iniwan siya doon, pabalagbag na isinara ang pinto. Nagtalukbong na lang siya ng kumot pero kahit anong pilit niya ay hindi naman siya dalawin ng antok. Nang marinig ang tunog ng cellphone ni Marcus ay inabot niya iyon.

DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN DOUBT, DELIGHTFUL SURPRISEWhere stories live. Discover now