Sa pagharap ni Marcus sa mga ito ay lalo na siyang humanga rito. Hinarap nito ang mga magulang niya sa kabila ng sitwasyon nila. Ang sabi nito sa mga iyon, inaayos pa nila ang kanilang relasyon. He was very honest that her parents, although apparently disappointed, did not give him the verbal lashing she first thought they would shower him.

Nang magkausap sila ng kanyang ina, ang sabi niya rito ay inaayos pa nila ang lahat. Ang sabi niya ay ayaw niya rin namang magpkasal nang ganoon-ganoon na lamang. Gusto niya, kapag nagpakasal sila ay maayos na ang lahat. At sa huli, naunawaan naman siya nito. Ang hiling lang nito, sana ay maayos na nila ang mga dapat nilang ayusin sa lalong madaling panahon.

She could only smile at her. She was wishing the exact same thing.

Nang makabalik sila sa Sweet Homes ay ihinatid siya ni Marcus hanggang sa bahay niya. He made sure everything was all right.

"Congratulations, Mommy."

Bigla siyang napangiti. "Congratulations, Daddy."

Hinagkan nito ang kanyang noo. "I will be back later. I will be staying here from now on."

"O-okay."

Para siyang nabibigla sa mga pangyayari pero ganoon lang naman talaga ang dapat puntahan ng lahat. Kung bibigyan nila ng tsansa ang bagay na iyon, kailangan nga nilang magsama. And she wanted to make him see he was wrong when he decided to end it all before.

Nakapagdesisyon na siyang muling ipapakita rito kung sino siya. Na ito ay nagkamali lang ng opinyon.

Nang umalis ito ay naghanda naman siya ng pagkain. She missed everything about him, about them. At heto na nang muli ang pagkakataon na ibalik ang lahat; sa pagkakataong iyon ay tuluy-tuloy na sana.

Nang magbalik ito ay ngiting-ngiti ito. "Kaya mo na bang magluto?"

"Yup."

"I missed you, Shelley."

Muntik na siyang napaiyak. "I missed you, too, you know."

"MOMMY!"

Tawa nang tawa si Shelley habang pinagmamasdan si Davies, isa sa mga triplets ni Alexandra. Papaiyak na ito tila dahil ayaw niyang pakawalan. Yakap-yakap lang niya ang bata. Gigil na gigil siya rito. Kanina ay kinagat na niya ang pisngi nito at kagat-kagat nito ang labing tila ba nagtitimping itulak siya palayo.

Ngayon ay nagpapatulong na ito sa ina. Ayaw pa rin niya itong pakawalan.

"Tayo na lang ang maglaro. If you kiss me and hug me, I will give you a toy."

"But I hate kissing!"

"Come on, kiss Tita Shelley." Ngumuso pa siya rito. "I won't let you go until you kiss me."

Tila nauwi ito sa matamang pag-iisip saka sa huli ay mabilis siyang hinagkan sa pisngi saka tumalilis na sa kanya. Tawa pa rin siya nang tawa. Si Alexandra naman ay natatawa rin tila sa kanya.

"Bugbog sa 'yo ang baby mo."

"I love kids."

"You will need lots of love, I'm telling you."

Ngumiti lang siya rito. Mabilis lumipas ang mga araw. May isang buwan na rin silang nagsasama ni Marcus. Malaki na ang tiyan niya. Ang sabi ng kanyang ina sa kanya, noong nagbubuntis ito ay ganoon din, mabilis lumaki ang tiyan at naglihi kaagad. Sa ikalimang buwan daw niya ay asahan na niyang lalo na siyang lolobo pero agad ding titigil ang paglilihi niya. Ganoon daw ito noon.

Inimbitahan niya ang mag-iina sa bahay niya. Kasama ni Alexandra ang bunso nitong babae at ang triplets. Nasa sofa ang tulog na bunso, mahigit isang taong gulang na. Naroon din ang yaya ng triplets. Kung noon ay siya ang dumadalaw dito, ngayon ay ito ang parati niyang pinapapunta doon sa hapon.

DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN DOUBT, DELIGHTFUL SURPRISEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora