"What do you care about me, Marcus? Madaming babae diyan, bakit ako pa?"

Hindi ito agad nakaimik. Mayamaya'y kinuha nito mula sa bulsa ang susi niya at inilapag iyon sa kutson.

"It's sad, you know? I thought we had it going great before. I guess there are just some things that are not meant to be."

He turned his back and left. He broke her heart yet again.

Wala nang bago rito. Don't you cry again. You've cried so many times before. Siya na ang pumili niyan. Let it go. He's right. The two of you are never meant to be together...

"WHAT'S the matter, Alex?"

Kinabahan si Shelley nang makatanggap ng tawag mula sa kaibigan. Tunog-balisa ito. At siya naman ay nasa bahay ng kaibigan niyang couturier. Dahil wala naman siyang pinagkakaabalahan ay pumayag siyang muling sumali sa isang fashion show. Inaayos na nila ang detalye doon.

"Marcus!"

"What happened to him?" Now she was very worried.

"Isinama siya ng pulis nagyon-ngayon lang. Oh, my God, Shelley! He killed Mrs. Lopez!"

"No!" Hindi siya makapaniwala sa narinig. Agad na siyang nagpaalam sa kaibigan at paspas ang patakbo niya pauwi. Sa bahay na ni Alexandra siya tumuloy. At doon ay sinabi sa kanya ng kaibigan ang mga detalye.

May isang kapitbahay pala ang nanghiram ng tools kay Marcus. Ipinahiram naman daw nito ang toolbox nito. Hindi na naibalik ang toolbox, dumiretso iyon sa mga pulis. Dahil sa loob pala ng toolbox ay naroon ang mga alahas ni Mrs. Lopez na may bahid pa ng dugo.

Parang gusto niyang himatayin sa mga nalaman. Kinaialngan pa siyang painumin ng tubig dahil putlang-putla raw siya.

"That can't be true," aniya.

"But it is. Ano ang dahilan kung bakit napunta sa toolbox niya ang mga 'yon? Saka hindi mo pa ba alam na ilang ulit nang nakikita si Marcus dito sa atin, dis-oras ng gabi?"

"I know one time Jaye saw him jogging. 'Yon 'yong umagang may nakita siyang tao sa garahe niya na hinabol niya tapos nakita niya si Marcus. Ni hindi naman niya mapatunayan na may tao nga sa garahe niya. Baka namalik-mata lang siya. What's strange about Marcus jogging?"

"Parati siyang nasa labas ng bahay niya, dis-oras ng gabi, alam mo 'yan."

"So what? Masama bang mainip siya sa loob ng bahay niya at lumabas?"

"At past twelve midnight?"

Hindi pa rin siya makumbinse. Ilang ulit na niyang narinig noon iyon. Naisip naman niyang baka naman naiinip lang si Marcus at hindi makatulog sa gabi kaya lumalabas ito. Ano ba naman ang masama doon? Hindi naman iyon nangangahulugan na ito na ang pumaslang kay Mrs. Lopez nang dahil lang doon. And he was not stupid to leave evidence in a toolbox.

"I have to see him." Tumayo na siya at kahit pinigilan siya ni Alexandra ay nagtungo na siya sa presinto. Habang nasa sasakyan ay saka niya naalala na noong gabing paslangin si Mrs.Lopez ay siya ang kasama ni Marcus.

Ang gabing pumanaw si Mrs. Lopez ay ang gabing inasahan ito ng kapatid sa Batangas at hindi ito nakarating doon. She could never forget that night for it was the night he knocked on her door and they ended up having sex thrice.

Sukat bigla siyang nakahinga nang maluwag. Tandang-tanda pa niyang alas-tres pasado ito umalis doon sa bahay niya. Hindi niya malilimutan dahil tiningnan niya pa ang oras sa computer niya. Before Marcus knocked on her door that night she was chatting with a friend abroad.

"Thank God," sambit niya.

Nang makita niya si Marcus na kausap ng mga pulis ay agad siyang lumapit sa mga ito. Wala naman palang warrant of arrest ang mga ito, inimbitahan lang ang lalaki doon at pinagpapaliwanag.

DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN DOUBT, DELIGHTFUL SURPRISEWhere stories live. Discover now