Si Rori pala ay nasa Cavite lamang, sa isang resort doon, kasama ang Anthony na nobyo nito. Taliwas sa sinabi nitong kaibigan lang nito ang lalaki. She should've known. Kagabi ay uminom ang mga ito at lasing na nang mag-drive ng motorsiklo ang nobyo nitong labing-pitong gulang. Naaksidente ang mga ito sa highway.

Sa ngayon ay maayos naman ang lagay ni Rori bagaman may tahi ito sa kaliwang braso. Ang nobyo nito ay sinuwerte ding hindi napuruhan sa aksidente bagaman nakasuwero ito sa ngayon.

Naroon si Olivia at siya ay tahimik lang na naghihintay doon. Gusto niyang makausap si Rori pero nangangamba naman siyang malaman ni Marcus ang lahat sa ganoong paraan. Pakiramdam niya ay siya pa ang nagpahamak kay Rori. Ano ba namang malay niyang sa pag-iinom pala nito gagamitin ang perang padala niya rito?

Buong akala niya nang magkausap sila ay nasa malayong lugar ito at kailangan ng perang pamasahe sa eroplano. Iyon pala'y isang sakay lang ito. She felt so guilty she wanted to squirm.

Mayamaya pa'y pumasok na sila sa suite ni Rori. Pinagsabihan ito ng mga magulang. Tahimik lang siya doon, pinagmamasdan ito. Marahil, sa susunod na lang sila nito mag-uusap.

Sinabi ng doktor na maaari na itong ilabas nang araw ding iyon na siyang nangyari. Kasama siya hanggang sa bahay ng mag-ina. Tahimik pa rin siya habang nasa sasakyan. Nang maihatid na ang mga ito ay saglit na nag-usap ang tatlo habang naghihintay siya sa sala. Nang matapos ay niyaya na rin siya ni Marcus na umuwi ng Sweet Homes.

Habang bumibiyahe sila ay panay ang palatak nito habang sinasabi sa kanya ang frustration nito at disappointment sa anak. Lalo na siyang hindi makapiyak.

"I don't know where I went wrong. I mean, I know it's not easy for her knowing that me and Olivia are never going to be together, but I have always thought she understood. Baka iyon ang dahilan kaya nagrerebelde siya. Mapamaraan siya. Imagine, having so little allowance and she still managed to do all that. God."

"It's g-gonna be okay, Marcus. Lahat naman tayo dumadaan sa ganyang stage, 'di ba?"

Bumuntong-hininga lang ito. Nang makarating ng Sweet Homes ay ipinagluto niya ito. Nang matapos ay saka niya ito tinawag. Nakatulog na ito sa sofa niya. Mukhang pagod na pagod ito. Hula niya ay wala pa itong tulog. Ikinuha na lang niya ito ng unan at tinabihan ito doon.

Mayamaya ay niyakap siya nito at bumulong. "Honey, when we have kids of our own, we should raise them better than I did Rori."

"Hindi mo kasalanan ang ginawa ni Rori. Don't talk like that." Again, she felt guilty but glad at the same time. He wanted them to have kids.

"I bet you'll be a great mom."

"We'll see."

"How many kids will we have?"

"A dozen."

Umalog-alog ang balikat nito kahit nakapikit na. "We'll have a dozen kids then. We'll start making one later."

"Will we?"

"Uh-huh. I'm just tired but you can feel I'm ready for you. But later, baby." Lalo siya nitong hinapit. And yes, he was ready.

Hinagkan niya ang tungki ng ilong nito. "You sleep for a while."

Nagmulat ito at hinagkan siya sa labi. "Everyday I thank God I have you."

Isiniksik na lang niya ang katawan dito. She was going to confess one day. But not today.

SA MGA sumunod na araw ay naging ugali na ni Shelley na makibalita kay Marcus tungkol kay Rori. Nakakausap din niya ang bata, minsan din ay nagkikita sila at ang sabi nito sa kanya ay hindi naman daw ito gumagamit ng marijuana. Minsan lang daw ay ginusto nitong sumubok pero hindi raw nito itinuloy. Ang nakuha raw dito ng ina nito ay patago lang dito ng isang kaibigan nito. At nakuha na nga kaya wala na rin. Kinailangan pa nga raw nitong bayaran iyon.

DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN DOUBT, DELIGHTFUL SURPRISEOn viuen les histories. Descobreix ara