Her life now was more colorful because of Marcus. Wala na siyang mahihiling pa, bukod na lang sana sa kung maaring huwag na niyang makita pa ang galyitang anak nito.

Ang hirap kasi kay Rori ay para itong anghel sa kanya kapag kaharap ang ama nito, pero kapag wala na si Marcus ay saka siya iniinis. At nauunawaan naman niyang naghahanap ng giyera ang batang iyon, pero wala naman siyang balak na patulan ito hangga't kaya niya.

Ang simpleng katotohanan ay magiging bahagi ito ng buhay niya sa ayaw man niya at sa gusto. Ganoon din naman ito. Dahil wala siyang balak pakawalan pa si Marcus.

She had been in love before, but she had never been this in love before. Everything she shared with Marcus was amazing. The time they spent talking was amazing, the time they laughed about nothing was amazing, the sex was amazing, everything.

"So, has he asked you yet?" tanong ni Jaye. Hindi naman ito mukhang interesado sa pagtatanong. Sa katunayan, mukhang wala itong interes sa mga romantikong usapin at napilitan lang magtanong upang may masabi ito. Sa kanilang tatlo ni Alexandra, si Jaye ang pinakamukhang intimidating. She was very intelligent, a no non-sense woman. Si Alexandra naman ay isang butihing ina at asawa. Nakakasama ito sa kanila kapag may yaya ang anak nito. Parating inaayawan ng yaya ang trabaho sa sobrang kakulitan ng triplets nitong lalaki.

"The question? No. Not yet. But I think he's going to soon." Muli na naman siyang napangiti. Nitong huli ay nababanggit na sa kanya ni Marcus na ibig na nitong lumagay sa tahimik. Iyon nga lang, hindi pa ito nagbibigay ng singsing sa kanya.

"That's lovely, Shelley," wika ni Mrs. Filomino. Mayroon itong nag-iisang anak na babae, si Isabella, pero hindi pa nila nakikita ito kahit minsan. Nasa Amerika raw ito, ayon na rin sa matanda.

Parating nag-iisa sa bahay si Mrs. Filomino, kasama si Lulu, ang kasambahay nitong taga-Sweet Homes din. Ang asawa nito ay madalas na nasa opisina. Matagal nang retirado si Mrs. Filomino. Dati itong propesor sa UP. Philosophy ang itinuturo nito. Suits her perfectly, she thought, for Mrs. Filomino seemed to be so full of wisdom. She loved talking to the lovely lady. Mas matanda lang ito ng ilang taon sa kanyang ina.

At nangungulila siya sa kanyang ina na bagamat nakatira lang sa Makati ay bihira na niyang makita. Nitong huli kasi ay panay ang out of town nito, kasama ang kanyang ama. They deserved it. They both needed time for themselves.

Mrs. Filomino was fifty-four years old. But she looked a lot older though she was still fit. Marahil dahil na rin sa puting buhok nito at mga linya sa noo nito at sa crow's feet sa gilid ng mata nito. She talked as if she was older, too. Maybe because she loved reading all sorts of books and loved watching movies, old and new.

Sa isip niya ay ilang ulit na niyang naitanong kung bakit ang nag-iisang anak nito ay nakukuhang sa ibang bansa mamalagi gayong kung siya ang anak nito ay hindi na marahil siya aalis pa sa kanila. Masarap itong kausap, parang alam na agad ang damdamin niya, hindi pa man siya magsalita.

Naisip na rin niya minsan na marahil ay hindi kasundo ni Isabella ang ikalawang asawa ng ina nito. Wala mang ginagawang masama sa kanya ang asawa ni Mrs. Filomino ay hindi siya kampante rito, kahit noon pa.

"Sana nga mag-propose na siya. I want to get married by December. Did you get married on a December, Mrs. Filomino?"

"My first husband married me June of 1974. Armado and I got married December of 1989."

"Were both weddings big?" si Alexandra.

"The first one was. I was already thrity-seven when I married Armado and I felt I was too old for a big wedding."

"You fell in love twice."

"You can say that, yes."

"Do you still miss your first husband?"

DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN DOUBT, DELIGHTFUL SURPRISEWhere stories live. Discover now