Part 1

15 1 0
                                        

Lia's POV

Nakahiga kaming tatlo ng mga kaibigan kong si Nikki at Van sa kwarto ko. Nag-overnight sila sa amin dahil huling gabi ko na silang makakasama. Lilipat na kasi kami ng Papa ko sa Maynila dahil na promote ito. At syempre, pati ang pinapasukang University ko ng nakaraang 3 taon bilang Accountancy student ay iiwan ko rin. 

"Sayang naman 3 sems nalang gagraduate na tayo, hindi ba pwedeng wag ka nalang munang sumama sa papa mo? Sumunod ka nalang right after graduation." Sabi ni Nikki na scroll ng scroll ng phone nya habang nakadapa sa kama. 

Tumayo ako at dumiretso sa cr at kinuha ang mga natitirang toiletries at pinasok sa isang box. "Hindi pwede noh ano ka ba kaming dalawa na nga lang ni papa maghihiwalay pa kami? At saka di ko rin kayang di makasama ang papa ko." lumabas ako ng cr bitbit ang box at inihalay sa mga boxes kung saan iniligpit ang mga gamit ko.

"Ngayon mo pa talaga sinasabi 'yan na naligpit na lahat ng mga gamit niya at bukas na sila aalis?" tanong ni Van kay Nikki at tumayo para tulungan akong ayusin ang mga gamit ko. "Ayaw mo lang siyang umalis kasi wala nang taga gawa ng lunch natin eh" patuloy niya habang nakangising sumulyap kay Nikki na kumunot ang noo. "Hindi ah! 'Pano nalang ako papasa sa mga subjects ko kung wala na akong kokopyahan? Alangan namang sa'yo ako kumopya, 'di lalo akong bumagsak?

"Grabe ka naman!" protesta ni Van. Tumingin siya sa akin at niyakap ako. "Mami-miss kita, 'wag mong i-snob ang mga text at tawag namin ha? Kung hindi susunod kami sa'yo 'dun!" Yumakap din ako ky Van at hinintay ang reklamo ni Nikki.

"Ang OA 'nyo talaga. 2Hrs lang naman ang byahe pa Manila, at nangako ka rin na hindi ka aabsent sa kahit anong okasyon kaya magkikita-kita parin tayo." at bumalik sa pagkakadapa at itninuon ang atensyon sa kanyang phone. 


Kinabukasan ay bumyahe na kami ni papa patungog Manila. Nang dumating kami sa bago naming titirhan ay pagod na pagod na ako. Ganun din naman si papa at sinabing bukas nalang kami maglilinis at mag-aayos ng mga gamit kaya pinagpahinga na ako ni papa pagkatapos naming kumain ng hapunan.

Dalawa lang ang kwarto ng bago naming bahay. Dumiretso ako sa kwarto at kumuha ng towel at toiletries sa maleta. Pumasok ako sa banyo at mabilis naligo at nagsipilyo.

Pagkalabas ko ng cr ay agad akong naghanap ng pajama at tshirt sa maleta habang naka tapis parin ang towel sa katawan ko at undies lang ang suot ko. Nang isusuot ko na ang paborito kong maluwag na tshirt ay inalis ko ang towel na nakabalot parin sakin at nagpatuloy magbihis.

Hihiga na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Umikot ako mula sa pagkakaharap mula sa maleta nang mapansin kong bukas pala ang bintana ko. Dali-dali akong lumapit 'dun at nang isasara ko na ay nagulat ako nang mapansin kong bintana din pala ang tapat ng bintana ko. Parang isang metro lang ang layo nito mula sa bintana ko.

Tiningnan ko kung ano ang nasa loob pero hindi ko naman makitang mabuti dahil madilim. Sa tingin ko ay baka hindi na ginagamit ang kwartong iyon ng kapitbahay namin. Siningkit ko ang mga mata ko pero bigla nalang nagliwanag. "What?" ngising tanong ng lalaking nakaupo sa kanyang kama.

Hindi ako makasagot dahil sa pagkakabigla at kahihiyan dahil alam kong nakita niya akong nagbibihis base sa pagngising aso ng bwisit na lalaking ito.

Tumayo ito at lumapit sa bintana at nakita kong naka boxers lang ito. Nang nakatayo na ito sa hamba ng bintana ay hindi ko inaasahan ang sasabihin nito. "Oh relax, it's not like I liked it. Yours are flat." At biglang sinara ang bintana nito.

Ilang Segundo ang lumipas bago ko masagot ang tawag ni Nikki at walang nagawa kundi ang ikwento sa kanya kung ano ang nangyari. 


Kinabukasan ay wala kaming ibang ginawa ni papa kundi ang maglinis at iarrange ang lahat ng mga gamit namin sa bahay. Kaya pagdating ng hapunan ay pagod na pagod na kami. Pagkatapos maghugas ng pinagkainan ay umakyat na ako sa kwarto ko.

Pagkapasok ko ay dumirtetso ako sa CR at ginawa ko ang rituals bago matulog. Nang magbibihis na sana ako ay may bigla akong naalala.

Dali-dali akong lumapit sa bintana at sinigurong maayos na nakasara iyon. "Mahirap na, baka maka strike 2 'yong asar na lalaking 'yon." Pagkasabi ko 'non ay naalala ko nanaman ang sinabi ng nito sa tungkol sa kanyang 'future'. "Yours are flat."

"Ugh bwisit talaga." Hindi ko nalang iisipin 'yon at matutulog nalang ako nang maaga para hindi ako mahirapang gumising bukas. Medyo may pagka mantika pa naman akong matulog. Baka mapagalitan nanaman ako ni papa.

Bigla akong nagising nang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Papatayin ko na sana 'yon kung hindi lang kumatok ang papa at sinabing late na ako.

5mins lng ay tapos na akong maligo at mag toothbrush. Naglagay lng ako ng konting BB cream, mascara at lip balm kaya 10mins lng ay tapos na ako.

Nang bumaba na ako ay paalis na para sa trabaho si papa. "Anak mauna na ako at may breakfast meeting ako. Kumain ka na muna." Lumapit ako kay papa at nagmano at humalik sa pisngi. "Ingat pa." sabi ko ky papa nang palabas na ito ng pinto. "Goodluck sa firsday." At sinara na nito ang pinto.

Dumiretso ako sa kusina para tingnan kung anong inihandang agahan ni papa. Scrambled eggs, hotdog at toasted bread. Binalot ko na lng 'yon at planong kainin nalang habang naglalakad papuntang skwelahan. Nagtimpla din ako ng kape dahil medyo inaantok pa ako at nilagay sa isang tumbler.

Nilo-lock ko na ang pinto ng bahay namin nang narinig kong may isang sasakyan na palabas mula sa garahe. Nang tiningnan ko 'yon ay hindi ko makita kung sino ang nasa loob. Huminto ang sasakyan at parang may hinihintay.

Dinedma ko nalang 'yon at matapos kong i-lock ang pinto ay nagsimula nang maglakad habang kumakain ng sandwich. Ang alam ko ay 10mins lang ang layo ng bahay namin at ng bago kong university.

Nang lalagpas na sana ako sa may naghihintay na sasakyan at iinom na sana ako sa mainit kong kape pero biglang bumusina ng napakalakas ang kung sino mang hinayupak ang nasa loob ng kotse dahilan kung bakit nabitawan ko ang tumbler at natapon. "Shit!" hindi pa rin ako nakakakilos para pulutin ang nahulog na tumbler dahil sa napaso kong labi. Tiningnan ko ng masama ang sasakyan at walang ano ano ay umandar na ito. 'Nakakainis! Hindi man lang humingi ng tawad!"

Pinulot ko ang tumbler at pinasok sa backpack. Hindi ko na tinapos ang sandwich at naglakad nalang at baka malate pa ako.

Pagpasok ko sa bagong skwelahan ay ako lang yata ang hindi naka unifom. Obvious na obvious na transfer student. Bakit kasi sa galagitnaan pa ako ng sem nagtransfer. Buti nalang pwede pang i-withdraw ang subjects sa dati kong pinapasukan kung hindi ay masasayang ang tuition fee at ko.

Dumiretso ako sa Accountacy Department at humingi ng student load para malaman kung ano schedule ko at ang designated rooms.  Binigyan din ako ng listahan ng mga libro na required ng mga professors para sa subjects na hina-handle nito.

Tiningnan ko ang student load niya. Cost Acc and Cost Management ang unang subject ko sa Room AC407. Hindi naman mahirap hanapin ang rooms ng university lalo na at may elevator naman.

Lumipas ang buong araw nang hindi man lang ako kinakausap ng mga bago kong classmates. Ang mga prof naman ay in-announce lang na may bagong transferee pero hindi man lang ako pinakilala.

Nang malapit na akong makarating sa bahay ay biglang dumating ang sasakyang nakita ko kaninang umaga. Nag park ito sa garahe at lumabas ang diver ng kotse. Ang bwisit na lalaking manyak ay ang walang modong lalaki kanina! "Ugh"

Tumitig  siya sa akin ng walang ekspresyon ang mukha at dumiretso sa bahay nila. 


'Anong problema ng lalaking 'yon?' bulong ko at dumiretso na sa bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Know It's YouWhere stories live. Discover now