At may tumawa.

Nangunot ang noo ko nang mapansin na talagang pamilyar ang boses. Lumingon ako sa bintana para hindi na mukhang nakikiusisa sa mga nag-uusap.

"Halcyon, pwede bang magpaturong gumamit ng autocad?"

That's it.

I snapped my head towards to their direction. Nakita ko lang naman siyang nakangiti sa mga kaklase niya habang tumatango. Kala mo naman nakakita ng anghel ang mga lalaking natulala sakaniya. Mga hayok na mga lalaki. Umigting ang panga ko.

Fuck that.

She wore a blue flowy sleeveless dress? Maikli. Para sa akin. Sobrang ikli non. Short blue dress.

Eh kaya pala kala mo mga leon mga lalaki dito eh.

Ngumuso ako. Nakataas ang buhok niyang mahaba. Kitang kita ung batok niya at pati ang likod niya sa sobrang baba nun. Kumunot ang noo ko sa inis.

Teka. Teka. Classmate ko siya? C.E ang course niya? Bago pa ko makabawi ng tingin. Napansin niya na ako.

Nanlaki ang mga mata niya na akala mo nakakita ng alien sa Earth. "Timid!"

Shit. How dare her.

Hindi ko siya pinansin kaya para ba siyang napahiya. Alam kong di niya ako titigilan. Naramdaman ko naman ang init sa batok ko nang hula ko ay tinitigan ako ng mga lalaki niyang kaklase. Masamang tingin.

"Uy, Dyran!"

Kinalabit niya ako. Kulit talaga. Tinignan ko siya na para bang iritable ako at naiinis sa presensya niya. Pero gaya nga ng dati. Ngingitian niya lang mga 'yon.

Kailan ba ko masasanay?

"Kilala mo, Hal?"

Ani ng mga taong nakapalibot sakaniya kanina. Tanging tango at ngiti lang ang sinukli niya sa mga 'to.

Sinilip ko naman ang mga pasa niya na nasa bandang pisngi at napansing hindi na gaanong halata 'yon. Yung mga sariwa naman sa leeg niya ay tinatago niya panigurado ng band-aid niya.

Paano kaya ang nasa paa niya? Nakapalda pa naman siya.

Napansin niya 'yon kaya ngumiti lang siya ulit. "Bakit nandito ka?" Tanong niya saka hinila ako bahagya. "Doon ka sa malapit sakin. Tara. Ipapakilala kita.

Feeling close masyado 'to ah. Pinangunutan ko siya ng noo na ikinatawa niya lang. "Lika na!"

Sa inis ko, pinagbigyan ko na. Kulit eh.

"Guys, si Dyran pala. Kapitbahay namin sa apartment." Tuwang tuwa namang sabi niya.

Kabaliktaran ng mga lalaki.

Yung mga babae naman isa isang nakipag-kamay na kahit hindi ko inaabot ang kamay ko. Si Halcyon ang umaabot sa kanila noon. Umismid naman ako sakaniya.

"Dyran. Si Helena at Marie Rose pala." Aniya. Ngunit di ko naman tinitignan kaya yung mukha ko pinilit niyang palingunin.

Oo. Pinilit niya!

Sinamaan ko siya ng tingin saka tinignan naman ang mga babae. Tumango lang ako sakanila.

"Si Mark pala, si Andrei saka si Tom." 

Tama nga ako.

Hindi ako tinitigilan sa titig ng mga ito. Problema niyo ah?!

Hindi ko na lang sila pinansin at inalis ang hawak sakin ni Halcyon saka tumalikod. Umupo ako pabalik doon sa pwesto ko. Aangal pa siya sana kaso saktong pumasok ang Prof namin.

Carpe Diem [ShortStory]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon