Anim

525 44 13
                                    


Anim

"Eyes on me, Julie Anne."

Napatitig si Julie kay Elmo ng sabihin niya yun. Nakakatakot ang pagkakasabi nito pero imbis na matakot si Julie, iba ang naramdaman niya. Nakaramdam siya ng kaba at hiya. Hindi kasi niya maiwasan na maisip ang nangyari kaninang umaga sakanila ni Elmo. Lalo na sa sinabi nitong may mangyayaring bed scene sakanila. Hindi siya aware doon at nagsisisi siya na hindi niya nabasa yun sa script.

"Okay, good shot! Shot naman tayo sa balcony. Elmo, akyat ka dun then Julie, tumayo ka lang doon. Katulad pa din kanina, titigan lang kayo."

Sabi ng hinire na photographer ni Ma'am Tuazon. Pinapunta talaga sila dito sa photo shoot para sa poster nila sa magaganap nilang stage play. At kita mo nga naman ang pagkakataon, naisipan pa ng school na gawing labanan ang tatlong stage plays na magaganap. Kung sino ang pinaka may mataas na benta ng tickets, makakakuha agad ng flat one sa tatlong subjects.

So hindi nalang ito stage play lang. Hindi nalang ito stage play na kakailanganin ng 4th year students para makapasa sa subject ni Sir Aguilar kundi nakasalalay na din dito ang grades ng mga drama club members.

"Okay, gawin niyo na ang sinabi ko."

Sigaw ng photographer. Nagsimulang umakyat si Elmo sa balcony. Nakatingin naman si Julie sakanya.

"Julie, iabot mo yung kamay mo kay Elmo. Same witt you Elmo."

Ginawa naman nila ang sinabi ng photographer. Kung hindi lang utos ng photographer na tingnan si Elmo malamang hindi niya ito susundin dahil hindi niya alam kung saan niya kukunin ang lakas ng loob para titigan ng ganito ang binata.

"Good shot! Okay last shot na ito kaya ibigay na natin ang best niyo."

"Ilang pictures ba ang dapat mong kunan? Kanina ka pa ah?"

Nakakatakot na sabi ni Elmo. Mukhang tumalab ang nakakatakot na boses ni Elmo sa photographer dahil namutla ito pagkarinig ng sinabi ni Elmo.

"M..Malapit naman na matapos."

"Tss."

Bumaba na si Elmo sa balcony.

"Ito na yung last, pareho kayong nakahalik sa iisang bulaklak. Please lagyan niyo ng emosyon yun. Forbidden love ang meron si Romeo and Juliet kaya yung reaksyon na ibibigay niyo ay sobrang sakit."

Sumunod naman na sila. Parehong hawak ni Julie at Elmo ang isang rosas.

*Shocks! Bakit kasi ganito pa yung dapat gawin namin? Grabe! Maglalapit nanaman ang mga mukha namin. Pero at least nakapikit kami ngayon kaya hindi ko makikita ang mata niya. Para naman kasing nalulunod ako sa mga titig niya eh. Umayos ka Julie! Umayos ka!*

"Okay, Julie and Elmo, ilapit niyo na muna ang mga labi niyo sa rose na hawak niyo then pumikit kayo. Ibigay niyo ang pinaka masakit na emosyon na pwede niyong ilagay sa mukha niyo."

Dahan dahang lumapit naman si Elmo kay Julie. Unti unti ding hindi marinig ni Julie ang sarili niyang tibok ng puso ng lumapit si Elmo habang nakatitig sakanya.

*Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nagiging ganito ang epekto sakin ng Monster na ito? Pero teka, ang pinkish pala talaga ng labi niya. Akala mo naka lipstick. Parang ang lambot lambot ng mga labi niya..*

"Do you want me to kiss you?"

Napatingin si Julie kay Elmo. Doon niya na realize na nakatingin siya sa labi ni Elmo at hindi sa mata nito.

"H..Ha?"

"Ang sabi ng photographer pumikit tayo pero you're seriously looking at my lips. Do you want me to kiss you instead?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dating the MonsterWhere stories live. Discover now