First Day

0 0 0
                                        

"Life's still good to me. Kahit na wala ang pamilya ko sa tabi ko atleast andito naman ang bestfriend ko." Matapos itong i-type ay ipinost ko na ito.

Hay! It's my eighteenth birthday pero wala sina Mama, Papa at Ate.

"Hoy bruha! Bumangon kana.Pumasok ka na ngayon, naku! 4 days kanang absent. Lagot ako nito kay Tita." pahayag nitong babaeng katabi ko sa kama.Napahalukipkip na lang ako sa kanyang tinuran.

"Tss..para namang may matutunan ako sa four days na iyon atsaka excuse me, 3 days lang akong absent.Wala akong klase every Wednesday no!." sagot ko sa kanya bago nagtungo sa banyo para maligo.

By the way I'm Asteria Styx Escartin but my friends call me Ari. I'm 18 years old at papasok pa lang sa Bagginsp College. Kung magtatanong naman kayo kung sino ang babaeng kausap ko kanina siya si Clymene Sugano ang bestfriend ko.

Okay,enough of this intro. Makikilala niyo rin naman ako baka malate pa ako eh.

Matapos maligo ay nagbihis na agad ako para pumasok sa eskwela.30 mins lang naman ang biyahe galing dito sa bahay ng bff ko.Hindi nagtagal ay nagpaalam na din ako sa kanya.

After 30 mins. nakarating na din! Agad kong hinanap ang Room 1 para sa first subject ko. Literature. Tss! Easy! Pero kainis di pa naglecture si Sir Duran kakapasok lang din pala niya as Prof. ngayong araw kaya ang nangyari ay isang mahabang 'Introduce-yourself' like duh! College Students na po kami, not High School. Since late enrollee ay nasa universal section ako. Kaklase ko ay mga BSMar.Bio at BSFoodTech.Mga ate at kuya na 😅 third year na kasi sila.

  Matapos ang Lit. ay pumunta na ako sa IT building. Yep! I'm an IT student major in Computer Programming. Bakit ito? Simply because I don't like computer geeks.Kaya gusto kong matutunan kung paano magprogram para makarelate naman ako sa kanila.Lame right? Alam ko.

Pagkapasok ko sa loob ng laboratory(ComLab) ay naghanap agad ako ng upuan sa pinakalikod. May nakatabi naman akong tatlong lalaki. Namumukhaan ko ang isa.Siya iyong nakasabay ko na nagpa enroll.

"Hi Styx. Ako nga pala iyong nakasabay mo sa may Registrar. I'm Keynard Bastasa at ito naman ang mga roommates ko at kaklase din natin.They are Seigfred and Tommy." pagpapakilala naman nito.Tsk.FC.

Tinanguan ko lang ito at ngumiti ng tipid sa mga kasama niya. I admit gwapo silang tatlo lao na si Tommy pero sorry di ko siya type.

Ilang sandali pa ay dumating na ang Instructor namin. She just teach us how to use Netbeans. Madali lang naman pero ang sakit sa mata. Kaya naman pala halos lahat ng mga IT students ay naka eyeglasses ito pala ang rason. Palagi silang babad sa mga PC nila.

Matapos ang klase ay nagcheck na ng attendance ang Instructor namin. Baliktad din siya eh! Sabi niya para daw maiwasan ang mga cutting classes. Tsk! As if naman mapipigilan mo ang mga estudyante na di magcutting.

  Nang matawag ang pangalan ko ay nagtaas lang ako ng kamay. Napatingin naman sa akin ang mga kaklase ko. Tsk! I hate attentions.

"So you are the famous Asteria Styx Escartin? Mind introducing yourself?" ani ng Instructor namin habang nakangiti.

Tsk!Napataas na lang ang kilay ko. Dismissal na nga lang may hihirit pa!Wala naman akong nagawa at tumayo para magpakilala.

"Asteria Styx Escartin. 18, alumna of Don Marcelino High School and a transfer student from St.John Paul II College." pagpapakilala ko bago umupo.

  Magtatanong pa sana ang instructor namin nang isa isa ng nagpaalam ang mga kaklase ko dahil may klase pa. Sumunod din naman ako sa kanila. Tapos na ang morning class ko pero meron pa akong dalawang subject mamaya.Fil.1 at P.E 1.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hello MisterWhere stories live. Discover now