Kahirapan, Ang Mga Badjao

981 0 0
                                    

-Umaga na naman, kapagurang biyahe na ulit makarating lang sa paaralan. Nag-jeep ako patungong monumento, sa tabi ako ng drayber umupo para makababa agad ako pag malapit na ako sa LRT. Sa Malinta, may sumakay na matanda, tumabi sya sa gilid ko. Tutal, mahaba-haba pa naman ang aking biyahe, napag-desisyunan kong matulog muna pansamantala.

Malakas na kanta na iba ang linggwahe at tunog ng tambol at lata ang aking narinig na naging dahilan ng aking pagkagising. Napansin kong medyo matanda na ang lalaking iyon na may edad na di bababa sa 35 anyos, at ang kasama naman nyang bata na sa aking pagkakatantsa ay nasa edad na 8 taon. Ang batang iyon ay nagpapamigay ng sobre sa mga pasahero upang paglagyan ng limos. Ang isa naman ay umupo sa dulo ng jeep, sa may babaan, at nagpapatugtog kasabay ng pagkanta.

Natapos lamang ito pagkalipas ng mga ilang minuto. Bumaba sila na may lungkot sa kanilang mukha. Nagulat ako nang bigla akong kinausap ng matandang katabi ko.

“Saan ba galling ‘yung mga badjao na ‘yan?”sabi niya.“di ko rin po alam eh”ang sagot ko.

Ang Badjao ay kilala rin sa tawag na SEA GYPSIE ng mga taga sulu at taga-celebes. Nanggaling ang salitang badjao sa Malay-borean word na Orang-Laut  na ang ibig-sabihin ay man-of-the-seas.

Ayon kay Anthropologist H. Arlo Nimmo (1968), “Badjao were originally of the land-based Samal group but branched off into boat dwellers as a result of their occupation. This practice might have subsequently spread to the area around Malaysia. Another theory is that the Badjao were originally boat dwellers who eventually built stilt houses near fertile fishing grounds.”

Ang gamit nilang wika ay Samul. Ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya. Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.

Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.

Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno.

            Nagkwento sya sa akin.

            “Siguro dahil na rin sa kahirapan kaya ang mga tulad nila ay lumuwas dito sa maynila. Dati kakaunti pa silang mga Badjao eh, dumami na ngayon. Baka nga ‘yung iba hindi na talaga mga badjao, baka nag papanggap na lang. dumami na kasi. Nakakagulat lang.

Iba’t ibang ugali ang mapupuna mo kapag nakausap o kapag hindi mo nabigay ang gusto nila. Tulad nung dati, hindi ko lang nabigyan ng pera ang badjao na kumakanta bigla na lang akong sinigawan pagkababa, ang damot ko daw.”

            Akin ding ibinahagi sa kanya ang pangyayaring natatawa ako sa tuwing naaalala ko.

            “nang pumunta kami sa Caloocan, doon sa may bahay naming, nasa jeep kami at sa habang binabaybay ang kahabaan ng maysan, may umakyat na isang babae, inabot sa akin ang isang sobre. Binigyan kaming lahat ng tig-iisa. Eh ayun, sakto, wala akong barya, sinauli ko. Tapos lahat ng mga sobre na hawak ng mga pasahero binigay sa akin. Nagalit ‘yung Badjao na babae at nagulat ako, hinampas ang paa ko at sabay wika ng “bakit mo kinolekta??” ‘di ako nakakibo noong oras na iyon.natatakot ako sa mga oras na iyon pagkat baka kung ano ang maisipang gawin nya sa akin kaya hindi nalang ako kumibo. Nagpaka-bingibingihan na lang ako. At ayun, bumaba na rin sya.”

HINDI MAWAWALA ANG KAHIRAPAN, MABABAWASAN LAMANG.Where stories live. Discover now