Sa Kalsada.

261 0 0
                                    

Nagpapaligo ang nanay ng kanyang anak sa gilid ng kalsada.

Nagsasampay ng damit ang isang matanda sa tapat ng kanilang bahay.

Mga batang naghahabulan sa gitna ng kalsada na ‘di alintana ang panganib dala nito.

Banda sa unahan nito, makikita ang umiiyak na sanggol na hawak-hawak ang isang dungising laruan.

Sa tapat nito, maririnig ang palitan ng matitinding salita ng dalawang magkapit-bahay. Sa madaling salita, nag-aaway.

Nang umusad ng bahagya ang sasakyan kung saan ako nakasakay, napansin ko ang nakaburol sa gilid ng kalsada na halos nasakop na ang kalahati ng kalsada dahil sa mga nakikilamay na tao.

Nakita ko rin ang isang binatang nanunuod ng telebisyon at nakaupo sa kahoy na upuan, kapansin-pansin sya dahil sa aninag na aninag ang pintuang sako ng kanilang bahay sa kalsada.

Ilan lamang ‘yan sa mga napuna ko nung ako’y pauwi na galing sa aking pinapasukang paaralan, sa Polytechnic University of the Philippines. Pagkababa ko ng Recto, naisipan kong sumakay na lamang ng jeepney upang Makatipid ng pamasahe kahit papaano. Nang ako’y nasa jeep na, banda sa dulo ako nito nakaupo, napansin ko lahat ng iyan. Nang makarating na ang sinasakyan ko sa tapat ng Recto Station, bumungad sa akin ang mga taong nakahiga sa gilid ng kalsada.

Na-curious ako sa aking mga nakita nung araw na iyon.

HINDI MAWAWALA ANG KAHIRAPAN, MABABAWASAN LAMANG.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon