Shizuka Sweet Home

233 6 3
                                    

Dedicated to: PaoloMiguelDuka

Isang araw, nagu-usap sina Dekisugi at Shizuka...

Dekisugi: Ikaw ba ang nagtahi nito Shizuka? Ang ganda naman.

Shizuka: Oo, sa'yo na 'yan. Huwag ka nang mahiya.

Nakita ni Nobita na binigyan ni Shizuka ng balabal si Dekisugi.

Nobita: Binigyan ni Shizuka si Dekisugi ng regalo na balabal? Waaahh! Bakit ako wala.

Habang naglalakad pauwi si Nobita, nakita siya nina Damulag.

Damulag: Bakit malungkot 'yon?

Suneo: Siguro may ginawa na naman siyang palpak, o masakit ang tyan? Ewan ko...

nakauwi na ng bahay si Nobita

Nobita: Sinungaling ka Doraemon! Yung mga sinabi mo parang hindi naman mangyayari.

Doraemon: Ano? Bakit? Ano na naman 'yon?

Nobita: Nakita ko sa time machine na kami magkakatuluyan ni Shizuka sa future. Pero si Dekisugi ang binigyan nya ng balabal! Waaah, huhuhu!

Doraemon: Ano ba naman 'to? Suko agad... Parang hindi lalaki. Sumunod ka sa'kin.

Nobita: Bakit?

Doraemon: Magtatayo tayo ng Sweet House. Ang pagpapataas ng pag-ibig na bahay!

Pumunta nga sina Nobita sa bakanteng lote at nagtayo ng Sweet house si Doraemon.

Doraemon: Kapag kasama mo ang gusto mong tao dito, gugustuhin ka nya kahit anong mangyari. Pero kapag nasa loob lang kayo ng bahay.

Pumasok sila sa loob, binuksang ang switch. Muntik nang magustuhan ni Doraemon si Nobita, buti na lang at lumabas agad sila.

Nobita: Kailangan kong tawagan si Shizuka.!

pumunta si Nobita sa bahay ni Shizuka.

Nobita: Shizuka! Punta ka sa bakanteng lote!! May magandang bahay kaming tinayo 'don!

Shizuka: Pero nagawa pa ako ng homework.

Nobita: Mamaya na 'yan! Maganda 'yun!

Pumunta na sina Nobita at Shizuka sa bakanteng lote, nauna nang pumasok si NOBITA kasunod ay si SHIZUKA.

Nobita: Di'ba ang ganda dito sa loob? Ang laki! May banyo, kusina na pwede paglutuan.

Shizuka: Nobita?? Gusto Kita!!! Waaahh, huwag kang lalayo Nobita!! Gusto kita!!

Nobita: Ha? Huwag mo nga akong lokohin Shizuka! Si Dekisugi ang gusto mo diba?

Shizuka: Waaahh!!! Hindi!!! Ikaw Nobita!!

Nobita: Talaga? Huwag ka na umiyak.

Shizuka: Uuwi lang ako para kumuha ng pancake. Magluluto ako!!

Lumabas na ng bahay si Shizuka.

Shizuka: Bakit ganon? Nung pumasok ako sa bahay parang nagustuhan ko si Nobita, pero hindi naman.

Habang naglalakad pauwi si Shizuka, nakita siya nina Damulag

Damulag: Nakita mo ba si Nobita?

Shizuka:Nandun siya sa bahay sa bakanteng lote.

Pumunta sina Damulag at Suneo sa bakanteng lote. Si Nobita naman ay umuwi muna sa bahay. Pumasok si Suneo sa bahay pati na rin si Damulag.

Suneo: Lalabas na ako, wala naman pala si Nobita.

Damulag: HUWAG KANG UMALIS!!!!! MAHAL KITA SUNEO!!

____________________________________________________________________

Author's Note: OhmyG!! Nagustuhan ni Damulag si Suneo kasi pumasok sila sa sweet house.

Doraemon and I : Nobita and DoraemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon