It's already in the middle of the night but I'm still here in our studio para sa huling caller
*kringggggggggg
Thank God at meron na akong last caller at pagkatapos nito makakauwi at makakatulog na ako.Masaya kong binati ang caller.
"Eto na po ang last caller natin, Hello! Ahm anong pangalan po nila?"
"Matthew po, Dj Luna"
Natigilan ako bigla, dahil pamilyar ang boses na yun at yung pangalan niya. Hindi pwede ang inisip ko na si Yu ito dahil hindi siya mahilig makinig sa radio at wala siya dito sa pilipinas yun ang alam ko.
"Ahm Dj Luna matutulungan niyo ba ako sa problema ko???"sabi niya na nagpabalik sakin sa pagkatulala ko. Ay ano bayan hindi ko na naintindihan ang sinabi niya dahil sa lalim ng iniisip ko.
"Ano nga ulit yung problema mo Matthew? Sorry at nawala kasi bigla yung signal hindi ko naintindihan eh, sorry haha" palusot ko kahit never na nawalan ng signal dito haha. Napakamot na lang ako sa ulo ko at sobra talaga ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. First time na nangyari to ano ba yan.
"Ah ganun po ba sige uulitin ko na lang. Ang problema ko po ay kung tama po bang balikan ko po ang babaeng pinakamamahal ko kahit na siya ang nang iwan ."
Ouch! Natamaan ako dun sa nang iwan na part kasi ranas na ranas ko yun. Sino kaya to kawawa naman, he experience what I've done to my boyfriend before. Pero alam ko na yun ang makakabuti para sa aming dalawa kaya ngayon ako ang kinakain ng lungkot na yan lalo na pag mag isa lang ako.
" Sa tingin ko, oo tama na balikan mo siya kahit na siya ang nang iwan kasi malay mo meron siyang valid reason kaya ka niya iniwan at kung mahal mo pa bakit hindi, hindi pa naman siguro huli ang lahat. Pero kung ayaw na niya baka yun na ang signal mo para mag move on at humahanap ng better at mas mamahalin mo ng sobra."
Hindi ko maimagine na meron ng bago si Yu kasi sobrang mahal ko siya at hindi ko kakayanin na masaya na siya sa iba habang ako left alone ang lola mo.Pero kung makikita ko siya na nakamove on na siguro kailangan ko na rin. Huhuhu
" Siguro tama ka nga babalikan ko siya kahit na siya ang nang iwan."
Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit siya.
" So Jersey pwede bang manligaw ulit ako sayo???"
Whattttttttttt Ay grabe tama nga ako na si Yu to. Tumulo bigla ang mga luha ko at pinigilan ko na mapahikbi kasi baka marinig niya. Umiling iling ako kasi hindi ako makapaniwala na kausap ko siya ngayon at miss ko na siya ng sobra.
" Yu?"
Yun lang ang lumabas sa bibig ko pagkatapos ng mahabang katahimikan.
" Ako nga to Jersey, I miss you"
And that words hit me hard at mas lalong napahikbi.....His baritone cold and full of authority voice. Makes me tremble not in fear but in happiness.
YOU ARE READING
That Night
General FictionPaano kung ang last caller mo nung patapos na yung duty mo sa pagiging DJ ay yung ex mo na iniwan mo dati at nanghingi pa ng advice sayo. Would you take the call or just hang up it?? Alamin kung ano ang magiging takbo ng pamumuhay ni DJ Luna pag bum...
