“Geez, get a room,” may nagsalita nalang bigla, si Elaz, napalingon kami sa kanya, nasa likod namin siya. Nakaakbay siya sa tatlong babae, tapos ang sama ng tingin niya sa amin. Yung tatlong babae naman nakatingin lang sa amin ng normal. “Abby diyan ka nalang muna matulog sa apartment ng boyfriend mo. Alam mo na siguro kung bakit.” Umakyat na silang apat. Anong problema nun? Saka anong pinagsasasabi niya na boyfriend ko si Xander. Hindi ahh!

Nagkatinginan nalang kami ni Xander. “Anyare dun?” sabi ko. “Baka nagseselos,” sabi ni Xander. “Ayun? Hindi siguro, hindi bagay sa kanya yun.” Sabi ko. Pumasok na kami sa apartment niya. Kaso teka paano yung damit ko? Ehh ayoko ng pumasok doon sa apartment ni Elaz, baka makakita pa ako ng di kanais-nais na pangyayari. “Uhm Xander, wala ka bang damit diyan na pwede kong hiramin? Ayaw ko naman kasing matulog ng ito ang suot ko.” Tanong ko sa kanya. “Uhm, merong mga damit si mama diyan, kaso baka mapagalitan ako, maselan sa gamit yun eh. Ano ba? Ahh alam ko na.” lumapit siya sa cabinet niya.  Binigyan niya ako ng isang malaking T-shirt, na kulay white, tapos may print na cookie monster. “Regalo sa akin yan, kaso namali ng size na binigay. XXL ata yan haha.” Nagpasalamat ako sa kanya, then lumabas muna siya ng kwarto para makapagbihis ako, may dala siyang short at T-shirt. Ang laki sa akin nung shirt, actually hanggang tuhod ko na ata, pero nakakakilig ahh, suot ko ang T-shirt ni fafa Xander.

Pagpasok niya, suot niya na yung T-shirt at short, kumuha siya ng dalawang unan. “Saan mo dadalhin yan?” tanong ko sa kanya. “Doon ako sa sofa matutulog para mas comfortable ka diyan.” Sabi niya sa akin. “Ano ka ba? Ito ka na matulog. Nakakahiya naman kung doon ka pa matutulog. Dito ka nalang.” Pero actually nahihiya talaga ako na katabi siya, kaso mas nakakahiya naman na doon pa saiya sa labas matutulog. “Okay sabi mo eh.” Tumabi na siya sa akin.  “Uhm Abby..” “Bakit Xander?” “Pwede ba kitang yakapin?” tanong niya sa akin. Eeeee enveee… sigii na nga. “Wag ka ng magpaalam..” Niyakap niya ako, patalikod. Hindi kasi ako nakaharap sa kanya eh.

The next day nagising nalang ako, na wala ng katabi. Umupo ako sa kama, mula sa pagkakahiga. Mygaaad ang sakit ng ulo ko. Pero normal na yun. Pumasok si Xander ng nakatwalya lang from the waist down, tapos bagong ligo siya. Eeeeeh ang hot ehh, nakakinis naman eh. Napayuko ako kasi feeling ko nagbblush ako eh. Baka makita niya, kung ano pa isipin niya. “Gising ka na pala, good morning.” Sabi niya sa akin with a smile. Nakikita ko pa rin naman siya kahit nakayuko ako. “Good morning din Xander.” Kumuha siya ng uniform niya sa cabinet nila, “Sige magbibihis muna ako.” Lumabas siya ng kwarto. Nanibago ako sa ganun, si Elaz kasi wagas makapagbihis sa harap ko, ako tuloy ang umaalis.

Speaking of Elaz.. ano na kaya nangyari doon? Saka di ko magets yung drama niya kahapon talaga, ewan ko ba dun. Tapos ngayon di pa ako makapagdecide kung pupunta na ba ako sa apartment niya para makapagbihis na ako.


[Elazul’s POV]

Nagising nalang ako, sa paghimas ,nung isang girl na kasama ko kagabi, kay junior. Maya maya may iba pa siyang ginawa alam niyo na yun. “Umagang umaga eh ayan ang ginagawa mong almusal sabi ko doon sa girl.” What was her name again? Andrea ata. Wala din naman akong pake hindi ko na rn sila makikita sa susunod. Her lips are wrapped up on my little monster’s shaft. Oh God that’s great, pero pinatigil ko siya dahil kailangan na nilang umalis na tatlo. Ayaw kong may nagtatagal na babae sa apartment ko.

“Girls, gising na,” sabi ko sa kanila. “Goodmorning Elaz.” Sabi sa akin nung dalawa in chorus. Pero yung isa ayaw niya tigilan si junior, bitin pa ata sa kagabi, ewan ko ba. “You three have to go.” Yung mga ganitong tipo ng babae, eh madali lang paalisin, kasi sex lang talaga din ang gusto nila. Ang mahirap paalisin yung mga hindi makaintindi ng one night stand. Nagbihis na silang tatlo, ako naman lumabas sa kwarto ko para magtimpla ng coffee. Namiss ko tong mga araw na nagkakape ako ng hubo’t hubad.

Nasaan na kaya si Abby ngayon? Malamang nandoon pa rin siya sa Xander na yun. Taenang Xander yun, lakas ng loob yakapin si Abby. Sila na kaya? Boyfriend na kaya ni Abby yung hayop na yun. Tae! Tae! Tae! Maya maya eh umalis na rin yung mga girls, pagkatapos nilang magbahis, nakatanggap sila ng tigi-tig-isang goodbye kiss sa akin. Then in a few moments pumasok na si Abby ng apartment. Napansin kong may suot suot siyang T-shirt, na malaki, tapos may print na cookie monster. Malamang kay Xander yun. So nag-sex nga sila, taena, kay Xander pumayag sa akin hindi. Anong meron kay Xander na wala sa akin?! Pero baka naman pinahiram lang ng damit ni Xander si Abby, pantulog ba.

“Oh God” ayun lang nasabi niya, di siya makatingin sa akin, kasi nga nude ako. “How was your night? May nangyari na ba sa inyo ni Xander?” tanong ko sa kanya. “WALA NO!!” makareact naman to. “Sure sabi mo eh,” sarcastic kong sinabi. “Eh wala naman talaga eh, bahala ka nga diyan Elaz.” Pumasok na siya sa kwarto. Lumabas din siya agad, naka-tapis siya ng towel. “Maliligo ka?” tanong ko, obvious naman na maliligo siya eh, just to make a conversation. “Hindi, maglalaba, obvious naman diba?” sabi niya sa akin. “Sabay tayo,” sabi ko. “Tse manigil ka nga Elaz.”

Actually kailangan ko na ding maligo eh, kaya after niya eh ako naman sumunod. Then paglabas ko ng banyo eh nakita ko siyang naka-upo sa sofa nakasuot siya ng panlakad. “Aalis ka?” tanong ko sa kanya. “Oo magkikita kami, kasama niya yung friend niya.” Sabi niya sa akin. “Sama ako wal din naman akong gagawin ngayong araw eh.” Sabi ko sa kanya. Nakakaboring sa bahay, saka gusto kong mag-extract ng detalye tungkol sa relasyon ni Abby at Xander, kung mayroon man. “Sige, basta ba manililibre ka eh,” sabi niya sa akin, pumayag na ako.

After ko magbihis eh umalis na kaming dalawa, habang naglalakad kami papunta sa mall kung saan imemeet namin si Violet saka yung friend niya eh nag-uusap kami. “Nasaan na yung boyfriend mo?” tanong ko sa kanya. “Pwede ba hindi ko nga boyfriend si Xander. Kulit nito! Nagseselos ka lang ata eh! Hahahah..” Ako magseselos?! OO! HAHAHA! “Hindi ah bakit naman ako magseselos doon” Sabi ko nalang. “Wala lang masabi lang,” sabi niya. “Pero maka ‘mahal kita’ kagabi kala mo magsyota.” Nagblush siya bigla, “Narinig mo pala yun.” Sabi niya. OO shit kung pwede lang kalimutan ko yung narinig ko ginawa ko na. Kaso hindi mawala sa utak ko eh!

After nun eh tahimik na kaming naglakad. Tapos in just a few moments nakarating na kami sa mall. Makikipagkita kami kay Violet at sa kasama niya sa may tapat ng sinehan. Gusto kasi nilang panuorin yung The Amazing Spiderman. Buti nalang panlalake yung gusto nilang panuorin, ayaw ko ng mga pakilig epek na movies. Pagdating namin sa tapat ng sinehan eh hinanap namin si Violet, nasaan na ba yung babae na yun?

“Abby!” ayun siya na yun, boses ni Violet yun. Lumapit siya sa amin with matching kaway kaway. “Bakit kasama mo yang si Elaz?” sabay taas niya ng kilay. “Wala akong gagawin eh, bakit ba?” saka nasaan yung kasama niya akala ko ba may kasama siya? “Wala lang, kasi ano…” sabi ni Violet. “Oh nasaan na yung kasama mo?” tanong ni Abby. “Ano kasi, may binili lang. Uhm Elaz sure ka ba na sasama ka sa amin?” bakit ba? Ano bang  problema nito? “Violet sa tagal nating magkaklase nung high school, sa tingin mo maiilang pa ako sa’yo.” Yep classmate ko siya dati eh. Kaya nga nakilala niya si France, dahil sa akin. “Eh ano kasi—“ naputol ang usapan namin ng may marinig akong pamilyar na boses. “Violet!” lumingon ako sa likod, at nagulat ako sa nakita ko. Napahinto siya nung nakita niya ang pagmumukha ko, mga five feet away lang siya. “Thea..” sabi ayun lang ang nasabi ko.

Now it makes sense kung bakit ayaw akong pasamahin ni Violet. Napalingon ako kay Violet at Abby. “Uhm I have to go.” Ayun nalang ang nasabi ko. At umalis na ako. Sa dinami dami ng pwedeng makita bakit siya pa? Narinig kong tinawag ni Thea ang pangalan ko, kaso ayaw ko ng lumingon.

Ayaw ko siyang makita.. ayaw ko sa kanya.

[end chapter]

_____________________________________________________________________________

Sana nagustuhan niyo :D

please leave votes and comments.. salamat XD

LOVE LOVE LOVE

--KINO

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Where stories live. Discover now