Kahit iyong guard nga ay alam din na iyon ang sagot. "Ang agang ligaw naman niyan, Sir," kantyaw nito na ikinatawa lang ni Tyler saka nagpaalam na ang huli sa guard.

Hinintay kong makasakay ito sa sasakyan at mapaandar iyon palayo bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

"Good morning, ma'am," dinig kong bati nung guard nang makadaan ako sa pwesto nito.

Tiningnan ko ito at nagpilit ng ngiti. "Good morning po."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Ang sama na ng mood ko at hindi ko alam kung bakit.

Okay. I lied. I knew it has to do with what I witnessed earlier. Na kahit anong pilit kong pag-alis sa isipan ay hindi ko lang magawa. I just couldn't believe I'd see the day he would exert some effort for a girl.

I just knew from before that he wouldn't do something like that. Hindi pa siya gumawa ng anumang espesyal para sa babae sa pagkakaalala ko. Lalo naman ang mangligaw. But he is now?

Bakit? Paano? Sino? Sino 'yung babaeng nililigawan niya?

Then I remembered Ren's sister-Olivia Guzman. The same girl that was on his arm the whole lunch yesterday. Yeah, I thought as I let out a deep breath, maybe he's really serious with her. After all, Olivia's a senator's daughter.

Nang makarating ako ng classroom ay expected kong ako na ang mauuna. But I didn't expect that Ren would come in next some time after.

"Hi, Van," bati niya sa akin nang makalapit sa pwesto namin.

Hinintay kong makaupo siya bago sumagot. "Hello. Ang aga mo ah."

"Coming from you," natatawa niyang sagot. Ipinatong niya na ang bag sa likod ng upuan. "Maaga kasing dumating 'yung sundo namin ni Ate."

Tumango lang ako sa sagot niya. Sa pagkabanggit sa ate niya'y bigla kong naisip na tanungin kung mayroon bang dumaan sa kanila. O kung iyong sundo niya bang tinutukoy ay si Tyler. But I stopped myself. Biglang naisip na ano bang pakialam ko. I should not be thinking about this.

Sabi ko titigil na ako. But that was the problem. I could not stop. This thing with Tyler... it seems like a vice. I know it's bad for my heart yet I keep on coming back for more. Hindi ko mapigilan.

But this has to end. Especially if I want to save my heart for more possible heartbreak, this has to stop.

Mabilis na umandar ang oras. At lunch, I was more than happy not to see Tyler's presence. But there was a part of me that couldn't help to think about his whereabouts. Na agad ko namang pinigilan ang sariling gawin.

Two more subjects and the class for the day ended, and I hurried my way back to Montereal Place. Matapos maihanda iyong mga tinapay ay nagpatulong ulit ako doon sa staff para maibaba iyon at maisakay doon sa naibook kong sasakyan sa Grab.

Dahil magaan din ang daloy ng traffic, madaling narating ng sasakyan ang Golden Lives. Agad naman kaming nilapitan ng guard ng care home at ito na ang tumulong sa akin na maipasok ang mga bitbit.

"Vanessa!" Nasa tapat pa lang ako ng guard house nang madinig ko na ang boses ni Ate Beatriz. Isa siya sa mga nag-aalaga dito at naging close ko na rin.

Kumaway ako sa kanya't napatingin sa dalawang lalaking kasama niya. 'Yung isa'y kilala ko bilang si Edmund pero 'yung isa'y hindi pamilyar.

Nang makalapit sila ay agad akong niyakap ni Ate Beatriz na binalik ko rin naman.

"Hindi ka man lang nagsabi na dadalaw ka pala ngayon," sabi niya sa akin na tinawanan ko lang.

"Well, surprise," nakangiti kong sagot.

Best for Us (GU #3)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum