Chapter 17

334 3 0
                                    

Naging mahina ang mga magulang ko sa pagsubok. Hindi ako naging sapat sakanila para lumaban. Basta nalang umalis na hindi pako handa. Ang masakit panun nagsinungaling si Mommy sakin tungkol sa nangyari. Naiintindihan kona kung bakit sakabila ng paratang ni mommy ay dumating ang pamilya ni Nikos noong araw ng libing nya.

Naaalala korin na sinubukan akong kunin nina Tita Anna para sakanila ako tumira pero tumanggi ako sa lahat ng tulong na ibinibigay nila. Bakit pa? Wala naman na ang mga magulang ko. Ano pa ang silbi ng tulong na iniaalok nila? Kung noong kailangang kailangan namin hindi nila maibigay?

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung saan ako magsisimula pero pinilit kong lumaban para sa sarili ko. Para mabuhay kahit wala na sila. Pakiramdam ko buong mundo na ang nakadagan sakin. Wala akong kakampi, walang kapatid.

Ang masakit sa lahat nagdusa ako sa pag iwan sa lalaking mahal ko. Pinigil ko ang sariling makaramdam ng kahit ano na hindi dapat dahil sila ang naging dahilan ng pagkawala ng lahat ng meron ako. Pero kahit saan ako magtago hindi parin nabubura ng ilang taon ang pagmamahal ko sakanya. Mananatili syang nakatatak sa puso at isipan ko.

Andami kong pinagdaanan na hirap pero kahit ganun alam ko sa puso ko sya ang naging dahilan ko para patuloy na lumaban, para maging successful. Ang laki ng pagsisisi ko dahil hindi ko man lang inalam ang buong katotohanan bago sya paratangan ng kung anu ano. Anu man ang gawin ko hindi ko mabubura ang ginawa kong kasalanan.

Huli na para magsisi hindi kona maibabalik ang lahat. I need to move on with my life. Alone. Na hindi sya kasama dahil bago pa ako umalis nag iwan ako ng divorce paper kasama ang pirma ko. Nangangahulugan na wala nang balikan. Wala ng dahilan pa para bumalik ako sa lugar na iyon tapos na ang lahat.

" We should go home sweetcheecks. It's getting dark ", untag ni Sky na nasa likuran ko. Hindi ko inalis ang tingin sa papalubog na araw kaya nagmistulang gabi na.

" Just a moment ", bakit pag sunset parang ang lungkot tingnan. Nagpapaalala ng kabiguan sa mga taong tulad kong sawi. Tumingin ako sa kalangitan at tulad rin ng damdamin ko ngayon parang nagbabadya naring umulan. Napalungkot sa tanawin.

" Alam kong mahal mo parin sya. Hindi mo naman kailangan tikisin ang sarili mo. Anuman ang mangyari lagi lang ako nandito wag mo kalilimutan yan. Kahit kelan mo balak bumalik maghihintay lang ako. Mas mapapanatag ako kung kasama mo sya kesa nakikita kitang ganeto. Magiging masaya lang ako kung masaya ka ", nakangiti eto pero hindi umabot sa mata.

Gusto kong maiyak. Bakit hindi nalang ang lalaking eto ang minahal ko. Si Sky ang naging sandalan ko simula nang mamatay ang mga magulang ko hanggang sa nagmigrate eto ng ibang bansa pero hindi pumayag na hindi ako isama. Yon ang nangyari kaya akala ni Nikos ay nagpakasal kami kaya galit n galit eto kay Sky.

" Why are you always like that? Lagi mo nalang ipinipilit ang bagay na iyan. Kung gusto kong umuwi, noong isang buwan kopa dapat ginawa. Hindi ako umalis so ibig sabihin kelangan mong tiisin na makita ang pagmumukha ko until I'm tired being with you", kunway pang iinis ko.

" I wanted you to be completely happy. I want my old Tianna back. I missed her ", nagulat ako ng yakapin nya ako.

Masyado bang halata na malungkot ako?

" Simula ng isama kita dito kahit minsan hindi kita nakitang ngumiti ng totoo. Masyado kang nagbabad sa pag aaral at trabaho mo. Nakalimutan mong maging masaya. Nung bumalik ka sa pilipinas mas lumala kapa kaysa sa dati ", hindi kona napigil ang sarili ko at napaluha ako na naging hagulhol. Wala na etong sinabi bagkus mas lalong hinigpitan ang yakap sakin.

My Ruthless BillionaireWhere stories live. Discover now