JOSH's POV
Ito ba yung babaeng sinasabi nilang tomboy? Shit ang ganda niya. Loko yung mga yun. Kung ganito man lang kaganda yung eh di-date ko, naku! kahit araw arawin pa.
"Hi miss. I am Josh Mara"
Hinawakan ko kamay niya, leche ang lambot lambot.
"Ahh, I'm Clara Tin Mach Chiu."
Ayy, hinila niya yung kamay niya. Ang arte, akala mo kung sino. Kung hindi ka lang talaga maganda eh naku uupakan kitang walanjo ka.
"Miss, alam mo ba, bagay tayo" potek, ano ba 'tong sinasabi ko.
"Ahh Josh, hindi tayo bagay, tao tayo like woaah we're humans yow! yow!, gets mo?"
Shit tong babaeng to, urgh nakaka high blood. Swerte mo crush na kita. Wait anong crush ba 'tong sinasabi ko.
"Hindi miss, bagay tayo dahil ako si Mara at ikaw si Clara. Mara Clara tayo." Haha nice one.
"Shit, so I'm dating a gay? What the. Hey Josh my men, sayang ang pagka pogi mo"
Inis 'tong babaeng to huh.
"Ahh, miss. Alam mo, hindi ako bakla. Tina-try ko lang na pasayahin ka."
"Ohhh, I see. Gusto mo akong pasayahin? Well, ok. HA HA HA"
Ang sarcastic naman ng babaeng to. Tss. Bahala ka na nga sa buhay mo, hindi na kita matagalan. -.-
"Krrriiiiing"
"Hello?... ahh ok ma.... opo uuwi na po. ... ok po bye."
Sa totoo lang wala naman talagang tumawag eh, gusto ko lang talagang umuwi na sa bahay.
"Ahh, miss, uuwi na sana ako. Pinauuwi na kasi ako ni mama eh, kung pwede lang sana?"
"Nope, hindi pa pwede."
"Ano?!!!!"
"D joke lang, alam ko namang gusto mo nang umuwi dahil naiinis ka na. Well, ok pwede ka nang umalis."
Shit 'tong babaeng to ha? May sayad ang utak. Makauwi na nga.
"Ahh, Josh paalala lang pala."
Ano na naman kaya ang sasabihin ng baliw na 'to?
"Uhhm, ano po miss?"
"Ahh, pwede bang wag mo na akong tawaging miss. Clara na lang. Para bagay tayo, MaraClara."
Bwiset 'tong babaeng to, nakaka bad tripppppp!!
"Uhm, ok Clara. Kung yun ang gusto mo. ^^ Hmm, may sasabihin ka pa ba?"
Sana wala na, sana wala na.
"Ahh, meron pa.."
Shit ka -______-
"You know? I like you. <giggles> Pwede ka nang umuwi."
Wooah, Josh, did you hear that? Walang hiyang babaeng yun bakit ngayon niya lang sinabi.!!!!!!! Pero atleast gusto niya ako. Hihi, makauwi na nga.
"Ahh, ok. Uuwi na ako. Paalam. ^^"
~~~~~~~~~~~~
CLARA's POV
So, siya pala si Josh. Yung sikat na varsity player slash galing sa angkan ng mga pharmacy owner at slash heartthrob ng bayan. Uhhm, kung nagtataka kayo kung bakit ako nandito, well, dahil ito sa kumag kong kaibigan.
-FLASHBACK
"Hoy Clara! Mag mall naman tayo mamaya oh, sige na" sabi ni Laura
"Para saan pa? Gusto ko nang umuwi agad ng bahay mamaya."
"Alam mo, Clara ang KJ mo, isa kang malaking..."
"Malaking ano?! Suntok gusto mo?!"
"Sige na Clara, madali lang naman eh, bibili tayo ng mga damit, pero bago yun , kakain muna tayo."
"Libre mo? Mula sa pagkain hanggang sa mga damit?"
"Ahhh, cge, oo ba. Basta sasama ka na?"
"Ok fine. Madali lang naman akong kausap."
----
Nakarating na rin kami sa mall, ano ba 'tong babaeng to. Akala ko pa naman kung saan niya ako ililibre, sa Jollibee lang pala. >;( ANSAMA.
"Hai Florante my dear! :D"
Paglingon ko ay nakita ko ang boyfriend ni Laura. Si Florante. Bagay sila noh. Hahaha. Florante at Laura. Pero teka nga, walanjo 'Tong babaeng to. Nagdala pala ng date. Ano? Magde-date sila sa harapan ko?
"Uhhmm, Clara, maiwan ka muna namin dito huh? May bibilhin pa kasi kami ni Florante. Babalikan ka lang namin."
Bwiset kang babae ka, alam mo, kung hindi lang talaga kita bestfriend, naku! mapapatay kita talaga.
Papalayo na sana sila ng..
"Uhm, Clara, hindi ko pa nga nasasabi sayo, may date ka kaya nandito tayo. Kilala mo ba si Josh Mara? Yup, yung varsity player slash galing sa angkan ng mga pharmacy owner at slash heartthrob ng bayan. Hehe, ok Clara good luck sa date mo, Byeee! :)"
-END OF FLASHBACK
At ganun nga ang nangyari kaya nandito ako ngayon, sa harap ni JOSH MARA.
"Hi miss. I am Josh Mara"
Oh shit hinawakan niya talaga ang kamay ko waaaaah. Hoy, magpakatatag ka. Wag kang mainlove sa lokong yan. Pakipot ka naman.
"Ahh, I'm Clara Tin Mach Chiu."
Sayang hinila ko kaagad yung kamay ko. TT^TT
"Miss, alam mo ba, bagay tayo" oh Josh alam ko na yan. Wait? Ano sabi niya? Waaaaah. Bagay daw kami. Haha, ano bang nasa isip ng lalaking to.
"Ahh Josh, hindi tayo bagay, tao tayo like woaah we're humans yow! yow!, gets mo?" oh diba? Basag trip. Haha
"Hindi miss, bagay tayo dahil ako si Mara at ikaw si Clara. Mara Clara tayo." Huh? Mara? Yung babaeng inaapi?
"Shit, so I'm dating a gay? What the. Hey Josh my men, sayang ang pagka pogi mo" alam ko namang hindi ka bakla eh, ang gwapo mo pa nga.
"Ahh, miss. Alam mo, hindi ako bakla. Tina-try ko lang na pasayahin ka." masaya na ako Josh kanina pa.
"Ohhh, I see. Gusto mo akong pasayahin? Well, ok. HA HA HA"
Ano ba yang hinahalungkat niya sa cellphone niya?
"Krrriiiiing"
"Hello?... ahh ok ma.... opo uuwi na po. ... ok po bye."
Ahhhh, hindi papasa sa akin yan Josh. Alam ko na gusto mo nang umuwi.
"Ahh, miss, uuwi na sana ako. Pinauuwi na kasi ako ni mama eh, kung pwede lang sana?" tama talaga ang hinala ko. Ma pag tripan nga.
"Nope, hindi pa pwede."
"Ano?!!!!" sabi ko na eh. ayaw niya talaga.
"D joke lang, alam ko namang gusto mo nang umuwi dahil naiinis ka na. Well, ok pwede ka nang umalis." masagasaan ka sana pag uwi mo.
"Ahh, Josh paalala lang pala."
"Uhhm, ano po miss?"
"Ahh, pwede bang wag mo na akong tawaging miss. Clara na lang. Para bagay tayo, MaraClara." hahaha. gaya gaya
"Uhm, ok Clara. Kung yun ang gusto mo. ^^ Hmm, may sasabihin ka pa ba?" meron pa. Ang pamatay line ko.
"Ahh, meron pa.."
Galing sa puso to. Totoo to this time.
"You know? I like you. <giggles> Pwede ka nang umuwi."
Swerte mong lalaki ka. Crush na kita.
"Ahh, ok. Uuwi na ako. Paalam. ^^"
Palayo na siya sa akin.
Haaay, what the. This date is one of a hell date.
