Chapter 18 - 'Do you love him?'

Start from the beginning
                                    

" Huh? Wala ah? " maang pa V! Torpe na naman itong Alien!

Shaira's Point of View.

Tawa ako ng tawa sa mga joke ni J-Hope.... ewan ko ba! Ang corny lang kasi e.. Tawa din naman ng tawa sila Cyan.

" HAHAHAHA!! EPIC! corny mo J-Hope. HAHAHAHA! " sigaw ko kay J-Hope kaya ayun... Joke na naman ng Joke.

Nakita kong napatingin sa akin si Jin pero parang napakaseryoso niya... tapos mamaya maya makikita ko ngingiti o kaya tatawa sila ni Layza.  

Ano kayang pinag uusapan nila?

" Uy! Nagsosolo kayo ah? Nagseselos si V! " sigaw naman ni J hope. Jealousy hits me. pero... bakit?

kaibigan ko naman siya e.. kaibigan ko silang dalawa. Wala din naman akong karapatan. So naman kung may tinatago na pala sila? hayxt!! kaloka

Parehas silang tumawa... si Jin pumapalo pa sa sofa....

" Adik!! " sabat ni Layza.

Napansin ko lang.... halos lahat close na si Layza maliban na lang kay V... Ito kasing si V masyadong mataray pagdating kay Layza.

" Ano yun? V, may sinasabi ka? " Nagulat naman ako ng biglang kausapin ni Jin si V...

" Huh? Wala ah? " sagot naman ni V. Hindi ko talaga sila maintindihan....

" Shai!! Samahan mo ako! " yaya sa akin ni Layza. Ano naman kayang meron?

" Saan? " takang tanong ko

" Dyan lang. tara bilis!! " hila niya sa akin.

" Samahan ko lang siya ah? " sigaw ko pa sa kanila tumango naman sila.

Playground...

" Anong gagawin mo dito? " tanong ko sa kanya pero umupo lang siya sa isang swing at tinap ang kabila para umupo din ako.

Sinunod ko naman siya. Umupo ako sa katabing swing at bahagyang nakaharap sa kanya.

Ayoko talaga ng ganyan siya... Ang seryoso masyado. Simula ng makarating kami dito sa Korea at masyado na siyang tutok sa trabaho niya.

" Ano pa lang gagawin mo dito at nagpasama ka pa? " ulit na tanong ko sa kanya.

" Kakausapin ka! " sabi niya.

Masyado naman siyang seryoso.

" Ano naman ang pag uusapan natin? " takang tanong ko.

" Tungkol sa inyo ni Jin. " sagot niya saka humarap sa akin ng naka ngiti.

Hay nako! yan na naman siya. Mangungulit na naman. e alam niya naman na hindi pa ako nakaka move on sa ex ko. My first boyfriend and my first heartbreak.

Pero.... magiging okay na din naman.... Sana.

" Anong meron sa amin? " tanong ko ulit sa kanya.

" May gusto ka ba sa kanya? " prangkang tanong niya sa akin.

" Uy!!! Namumula siya! Yieee! " Asar niya sa akin.

" H-Ha? hindi kaya! " hawak ko pa sa mukha ko saka tumungo.

" Okay! sabi mo e... " suko niya. " pero... may gusto ka sa kanya? " seryosong tanong niya.

" W-wala ahh? kaibigan ko lang talaga siya. " sagot ko.

" oh let me rephrase... mahal mo na? " tanong niya pa na ngingisi ngisi pa. Jombagan ko kaya to? shempre joke lang.

" Kaibigan nga lang kami! " sagot ko pa.

" Oh? bat naninigaw ka? " tanong niya na tatawa tawa pa.

dO_Ob

" Hindi nga e. " malumanay na sagot ko saka tumungo.

" Kaibigan lang ba? o Ka-ibigan? " asar niya pa.

" Loko to! alam mo namang hindi pa ako handa sa mga commitment e! " sagot ko.

" Aba! tinatanong lang kita kung mahal mo, hindi ko tinatanong kung gusto mong magkaroon kayo ng commitment. Oo o Hindi lang e.... " asar niya pa.

' Gosh! Oo nga! Kaloka! huhuhu!! '

" P-parang ganun lang din yun! " sabat ko.

" Psh... In denial Queen! " sabi niya pa saka tumawa. " tara na nga! hindi mo naman kasi sinagot ang tanong ko e... pero--" putol niya. Ano yun? pa suspence? " Do you love him? " seryosong tanong niya.

d>_<b

" LAYYYY!! " sigaw ko sa kanya saka naman siya nagtatatakbo habang tumatawa.

Nabaliw na naman yun! Siguro kumain na naman ng chocolate!

'tsk! hindi naman talaga e... '

***

Just One Day ( BTS FanFiction )Where stories live. Discover now