Faked Love

134 5 0
                                        

Faked Loved

"Mahal, I love you"

"Baby, I miss you"

"Babe, your kiss makes me feel alive"

"Darling, you mean the world to me."


Yan. Ganyang mga linya ang palagi kong naririnig

Mga banat na sa mga kababaiha'y nagpapakilig.

Mga salita na tatagos sa dibdib
Pero sa t'wing naririnig ko yan sa bibig mo nasasaktan ako.

Masakit. Oo masakit

Nasasaktan ako sa t'wing sinasabi mong mahal mo ako

Nasasaktan ako sa t'wing sinasabi mong ako ang buhay mo.
Nasasaktan ako sa t'wing hinahalikan mo ako.
Nasasaktan ako sa t'wing niyayakap mo ako.

TANGA ko na ba?

Tanga na ba ako kung sa twing magiging sweet ka sakin masasaktan ako?

Tanga na ba akong maituturing kung hindi kilig kundi sakit ang nararamdaman ko kapag magkasama tayo?

Tanga na ba ako kung nasasaktan ako sa pagmamahal mo?

Pagmamahal na una pa lang alam ko naman na hindi totoo.

Mahal mo ako. Mahal mo nga ba ako?

Sa tingin ko hindi

Hindi mo ko mahal, hindi mo ko minahal at hindi mo ko kailanman mamahalin.

Hindi ako ang mahal mo kundi siya
Oo siya. Siya na matagal ng lumisan.

Bakit nga ba ako nasasaktan

SIMPLE lang

Kasi lahat ng sinasabi mo ay hindi totoo. Lahat ng ginagawa mo ay purong panloloko.

Ako? Mahal mo? Hindi.

Mahal mo ako kasi nakikita mo sya sakin

Mahal mo ako kasi sa t'wing pinagmamasdan mo ako, mukha nya ang nakikita mo.

Mahal mo lang ako kasi pareho kami ng pagkatao.

Mahal mo lang ako kasi siya at ako ay parang iisang tao.

Mahal mo lang ako dahil kamukha ko ang babaeng habambuhay mong mamahalin.

Mahal mo ako bilang sya pero hindi mo ko minahal, minamahal at mamahalin bilang ako...

•••••

Yehet!!! Comment Lang kayo kung ano ang gusto niyo gawan ko ng essay heheh.

But don't forget to...

COMMENT • SHARE • VOTE

When The Flowers Bloom Where stories live. Discover now