Chapter 32: A Favor to Ask

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkukwento ni Megan. Derederetso lang iyong pagsasalita niya at hindi man lang humihinto kaya hindi ko masyadong maintindihan kung ano talaga ang gusto niyang mangyari.

Tumingin ako kay Raven pero nakangiti lang siya.

“Alexander, isa lang naman ang gusto ng anak ko. Iyon ay ang tulungan mo siya na mapalapit siya sa anak mo. Kung tutuusin nga tayo at ginagawan niya ng pabor, kung magkakatuluyan ang anak mo at ang anak ko mas lalong lalago ang negosyo natin. Mas lalo tayong yayaman, mas lalo tayong magiging makapangyarihan.”

Ngayon lang pumasok lahat sa utak ko ang gusto nilang mangyari. Gusto ni Megan si Xander, at gusto din ni Raven ang mga anak namin na magkatuluyan para sa kapangyarihan niya.

Pero sabi ko nga noon pa, ayokong masali si Xander sa gulong ‘to. Ayokong isama siya sa madilim na mundong ‘to at lalong ayokong ibenta niya ang kanyang kaluluwa sa demonyo.

At isa pa, hindi mahal ni Xander si Megan.

“Alam mo Raven, magandasanaiyangplanomo kung ganun din ang nararamdaman ng anak ko sa anak mo. Pero ang problema lang kasi, may ibang mahal na ang anak kong si Xander, sa katunayan nga eh may girlfriend na siya at nakilala ko na iyong girlfriend niya. Ang bait na bata at ang ganda pa.”

Mahinahong pagpapaliwanag ko kay Raven at sa anak niya. Gusto kong maintindihan nila ng maayos ang sitwasyon ni Xander para naman hindi magkakaproblema.

“Sinasabi mo bang hindi mabait at hindi maganda ang anak ko? Iyon ba ang ibig mong sabihin Alexander?”

Bigla nalang kinuyom ni Raven ang mga daliri sa palad niya.

“Hindi yan ang ibig kong sabihin Raven.”

“Tito, iyong Louise po ba ang tinutukoy mong girlfriend ni Xander?”

Tanong ni Megan sa’kin.

“Oo siyanga, kilala mo na pala ang girlfriend ni Xander.”

“Naku Tito, hindi naman po maganda iyon. Hanggang daliri lang po ang ganda non kung ikukumpara sa’kin. At isa pa po Tito mabait naman ako ahh. Tito, kailangan niyo pong paghiwalayin si Xander at si Louise, alam niyo po Tito na ginagayuma lang po ni Louise si Xander para makuha niya ito. Isa pa po Tito hindi sila bagay, kami po ang bagay ni Xander.”

Parang gusto kong matawa sa sinabi ni Megan pero pinilit ko paring pigilin iyon. Masamang magalit ang ama niya.

Kung papipiliin ako, parehos kami ng pipiliin ng anak ko. Pipiliin ko din si Louise. Talagang may pinagmanahan ang anak ko.

“I’m sorry Raven pero hindi kita matutulungan sa gusto mo. Ayokong pilitin ang anak ko sa isang bagay na hindi siya magiging masaya.”

“Buo na ba talaga ang desisyon mo Alexander?”

Tanong ni Raven.

“Oo.”

Sagot ko sa kanya sabay tango ko.

“Pero Tito..Please po pag-isipan niyo pa.”

“I’m sorry Megan pero hindi ako ang magdedesisyun tungkol sa mga bagay na iyan kundi si Xander lang.”

“Kung wala kanang ibang sasabihin Raven baka pwedeng mauna na ako..”

“Sige Alexander.”

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at humakbang papunta sa pintuan.

“Pero Dad, pilitin mo siya.”

Narinig kong sabi ni Megan sa ama niya pero hindi sumagot si Raven.

Lumabas na ako ng pinto at dumeretso pauwi ng bahay.

MEGAN’s POV

“Pero Dad, pilitin mo siya.”

Pakiusap ko kay Dad pagkatapos lumabas ni Tito. Hindi pwedeng ganun ganun nalang. Sa lahat ng ayaw ko ay iyong hindi ko nakukuha ang gusto ko. Aaminin ko spoiled ako sa ama ko, kaya hindi pwedeng hindi ko makuha si Xander.

Hanggang sa nakalabas na nga si Tito, hindi parin nagsasalita si Dad. Wala na si Tito, hindi ko na siya mapapakiusapan pang muli.

“Dad..Akala ko ba ibibigay mo lahat ng gusto ko pero hindi pala. Kasinungalingan lang pala lahat ng mga sinabi mo. I hate you!!”

Isinabit ko na ang strap ng bag sa balikat ko para umalis na pero pinigilan ako ni Dad.

“Megan, umupo ka muna.”

Sinunod ko naman iyong inutos ni Dad at bumalik ako sa upuan ko.

“Kung hindi natin mapapakiusapan si Alexander, wala na tayong magagawa don. Kilala ko si Alexander, kung talagang ayaw niya, ayaw niya talaga. Pero hindi ibig sabihin non na hindi na mapapa sa’yo ang anak niya. Nangangako ako anak na ibibigay ko si Xander sa’yo. Gagawa ako ng paraan.”

Halos lumundag iyong puso ko sa tuwa dahil sa sinabi ni Dad. Alam kong kayang ibigay ni Dad ang lahat ng gusto ko, kasali na don si Xander.

“Talaga Dad?”

Tumango naman si Dad kaya niyakap ko siya ng mahigpit.”

Ang tagal kong naghintay para ligawan ako ni Xander. Ilang taon akong nangarap nasanamapasakin na siya pero kahit minsan hindi siya nagpakita ng motibo sa’kin. Akala ko non na dahil lang sa mahina siya at torpe kaya hindi niya ako nilalapitan. Wala naman siyang naging girlfriend non kaya okay lang sa’kin na ganun ang sitwasyon namin pero ngayon narinig ko nalang bigla na may girlfriend na siya. Okay lang sana kung mas maganda pa sa’kin ang babae pero hindi, mas maganda at mas sexy ako sa kanya kaya hindi ako makakapayag na sa isang katulad lang niya mapupunta si Xander.

Hahayaan ko na muna kayong magpapakasaya dahil sa bandang huli mapapasakin karin Xander. Iiwan mo rin ang panget mong girlfriend sa ayaw mo at sa gusto mo.

Magiging tayo, magpapakasal tayo sa simbahan at bubuo ng sariling pamilya. Gagawin ko ang lahat para lang maangkin kita.

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon