Naluluha ang mga mata ni Camille habang nakikita ang anak na si Joshua. Ang saya ng labindalawang taong gulang na bata habang nilikot-likot ang mga mata sa bawat sulok ng silid ng hospital. Tila ito'y namangha sa mga nakikita.
"Josh" tawag ni Camille sa anak at niyakap ito.
"Ma! I can't breathe." Ani ni Joshua dahil napahigpit pala ang yakap ni Camille sa anak.
"Ay sorry baby,it's just mama is happy for you." habang kinalas ang yakap sa anak.
"It's ok ma" at hinawakan nito ang mukha ng ina at tinitigan habang nakangiti.
"Thank you Ma, I love you" at hinalikan ito sa pisngi.
"Love ka rin ni Mama,love na love" at ikinulong muli ito sa bisig niya habang tumutulo ang luha.
"Can we go home na Ma?" Tanong ni Josh dahil nililigpit na ni Camille ang mga gamit nila pagkatapos niyang makipag usap sa doctor.
"Yes,baby" at sa sagot ni Camille ay nagtatalon ang anak sa tuwa,at hindi na makapaghintay na umuwi.
Habang pauwi ang mag-ina ay hindi matumbasan ang saya ni Josh. Para siyang bata na ngayon lang nakalabas ng bahay.
"Mama,look!" Habang tinuturo ang mga naglalakihang gusali.
"Ang tataas,paano nila ginawa yan Ma?" Pero natawa lang si Camille sa anak at kinurot ito sa pisngi.
"Ang mga engineer ang gumawa niyan anak."
"Wow ang gagaling naman nila,Ma!"
Hanggang sa nakasakay na sila sa bus ay hindi parin nawawala ang pagkamangha niya sa lahat ng nakikita. May mga ilan pa na napapatingin sa kaniya dahil sa inaasal ni Josh.
"Mama,look!" Turo na naman ni Josh sa mga puno na nadadaanan nila.
"Ahh yan ang puno anak,bakit?" Tanong niya kay Josh.
"They're dancing" natawa nalang siya sa anak.
"Mama,look!" Turo ulit ni Josh. Tinuro niya ang mga ulap. At tiningnan niya ang itinuro ng anak.
"Yan ang tinatawag na cloud or sa tagalog ay ulap." Sabay ngiti niya dito.
"Ma bakit sila sumusunod sa atin? Kanina ko pa sila napansin eh,lagi silang sumusunod." At napaluha si Camille sa kainosentehan nang anak.
"Naku itong baby Josh ko talaga eh,hindi yan sumusunod sa atin,anak." At niyakap niya ito.
Sa kanilang byahe ay palagi may tinuturo si Josh at sinasagot naman ito ni Camille. Pero yung mga nasa kabilang upuan ay napapatingin sa gawi nila,tila ba nawiwirdohan sila sa bata.
At hindi na nakapagtimpi ang nasa tapat nila.
"Ma'am pinatingin na ba yan sa doktor ang anak mo? Kung hindi pa,may kakilala po akong magaling na doktor." Sabi nang babae sa tapat nila.
"Ah galing na kaming hospital iha." Sagot ni Camille sa babae.
"Ano po yung sakit niya ate? Para kasing may deperensya siya sa utak." At dahil dun ay niyakap niya ang anak. At ang batang Josh ay walang kamalay-malay at ngumingiti pa rin habang nakatingin sa labas.
"Ay pasensya kana iha,kung ganito siya umasta. Wala siyang sakit. Ngayon lang kasi nakakita yung anak ko,hindi kasi siya nakakita nung bata pa siya at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil tinapos na niya ang paghihirap ng anak ko. Makikita na nang anak ko kung gaano kaganda ang mundo." At tumulo ang luha ni Camille habang nagulat naman ang babae.
-----------------------------------------------------------
Ohmygeee nainspire akong isulat ito dahil sa English subject,question number one sa National Achievement Test.
Ps. Kudos to myself dahil dinagdagan ko ng mga churva at tinagalog ko pa talaga yung original nito wahahaha.
Pps. Salamat sa NAT dahil may panghabang buhay na aral akong natutunan.bow.
-mirimi
