Akala

130 0 0
                                        

              Simula nong bata pa ay naging malapit na magkaibigan na si Clyde at Bonnie. Palagi silang naglalaro sa labas at nagkukwentuhan, at madalas silang nagdadalawan ng kanilang bahay. hanggang sa naging high-school na sila ay magkaibigan pa rin sila at magkaklase.

"oy Clyde, akalain mo ba naman na magkaklase pa rin tayo hanggang ngayon!", masayang sabi ni Bonnie kay Clyde

"oo nga noh, natutuwa ako't tayo'y magkaklase pa din" natutuwang sagot ni Clyde kay Bonnie.

At nagkukwentuhan sila habang nag-hihintay sa kanilang guro na matapos sa kaniyang pagtatalakay sa kanilang paksa. Paglipas ng oras, sila'y nagkukwentuhan pa rin habang pauwi na ng bahay. Sila ay mag kapit-bahay lamang kaya sabay sila palaging umuwi.

HIndi alam ni Clyde na may gusto si Bonnie sa kanya, simula pa noong sila'y bata pa. Dahil sa pagiging malambing ni Clyde ay akala ni Bonnie na may gusto si Clyde sa kanya kaya ayaw niyang sabihan si Clyde sa kanyang nararamdaman. hanggang sa napansin ni Bonnie na may ibang kasama na si Clyde at palaging ka chat. naging malungkot si Bonnie at hindi niya pinapansin si Clyde dahil sa selos na kanyang nadama. nagtanong si Clyde kay Bonnie kung bakit niya ito iniiwasan, umiyak si Bonnie at sinabihan niya ng harapan si Clyde na may gusto siya sa kanya na higit pa sa kaibigan. nagulat si Clyde sa kanyang narinig at sinabihan niya si Bonnie na may iba siyang gusto at hindi dahil siya ay malambing at gentleman, ibig sabihin siya ay may gusto na sa ibang babae. pinalaki lang talaga siyang mabuti sa kanyang magulang. 

Ngayon, hindi parin matanggap ni Bonnie ang lahat na ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AkalaWhere stories live. Discover now