IKATLONG KABANATA: Ang Muling Pagkikita

1.6K 49 0
                                    

C A R M E L A

Kumakain kami ng dinner nang biglang sumulpot ang secretary ni papa dala-dala ang isang envelope.

"Sir, may sulat po para sa inyo," magalang na sabi ni Diego, ang secretary ni papa.

Isang kilalang business tycoon si papa. Silang dalawa ni mama.
They handled 3 resorts, a hotel and 15 restaurants.
Aside from having a business, isa ring inspector ng food si papa sa Vikings. Habang si mama naman ay katulong n'ya sa pagpapalago ng mga business namin.
My dad is a graduate of Food  Technology. That's why his field is more on dealing with food.
Same goes with my mom.

Binuksan agad ni papa ang sobre at tumambad sa amin ang isang invitation card.

"May party pala kila Jun ngayong linggo. Darating daw ang kanyang anak mula sa Italy," wika ni papa.
"Uh, pa, Jemma had already mentioned that earlier. She's expecting us to come," sabi ko naman.
"We will be coming that day. I need to talk to Jun," sabi ulit ni papa at inabot kay mama 'yong card.

"Soooo, this means shopping!" pabirong saad ni ate Marina. Natawa naman kami sa inasta n'ya.

•SUNDAY EVENING•

HUMINTO ang kotse sa harap ng bahay-- no let me rephrase it. Mansion nila Jemma.
Pagpasok namin ay bumungad sa'min ang garden na punong-puno ng tanyag at kilalang mga tao. Nakagayak ang mga ito sa kanilang nagsisidlakan at magagarbong damit.
'Di na 'ko magtataka dahil isa ring kilalang tao si Tito Jun.Isaa s'yang City Governor dito.

"Christopher, amigo!" bumungad sa'min ang masayang mukha ni Tito Jun.
Lumapit s'ya kay papa at nag manly hug sila.
"I'm glad to see you! By the way, the place is elegant," nakangiting saad ni papa sa kanya.
"Thank you. Ba't ngayon lang kayo nakarating?" tanong naman n'ya.
"Ang mga babae, abala sa pagpapaganda," birong sagot ni papa at tumingin sa'min. Napatingin rin si Tito at natawa.
"Ang gaganda ng mga anak mo amigo," sabi naman ni Tito.

Kita kong nagpa-cute at na-flatter sila ate. Talagang feel na feel yung sinabi ni Tito.

'Aminin mo Elay, ikaw rin naman.'

Syempre maganda ako eh he he ^_^
Hindi naman sa nagmamayabang pero nasa lahi na talaga namin ang magaganda't gwapo hehe.

"Aba'y sa'n ba nagmana? Edi sa napakaganda ko ring asawa," sagot ni papa na ikinapula naan ng pisngi ni mama.
Nag-hagikhikan naman kami nila ate.

I Love You since 1892 until Forever (ILYS1892 Fanfic)Where stories live. Discover now