"Mamaya na 'yan. Para naman kayong nagso-shooting ng pelikula sa lagay na 'yan."

Agad siyang bumitiw sa binata nang marinig ang tinig na iyon. Nakalimutan na nga niya lahat. Nandoon nga pala si Aik.

Nakangiting inakbayan na siya ni Denver. Napangiti na rin siya. Nang bumababa na si Aik sa kotse ay pumasok na ito sa loob ng bahay at kinuha ang mga gamit nila. Nauna nang pumasok si Denver sa kotse, siya naman ay sinundan si Aik para tulungan ito.

"Sa tabi ka na ni Denver maupo at sigurado akong mag-aalburoto 'yon kapag sa unahan ka pupwesto," ani Aik sa kanya habang papunta na sila sa kotse.

Natawa siya kasabay ng pag-iinit ng buong mukha. Doon na nga siya sa tabi ni Denver naupo sa likuran. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. Katulad ng mga naunang pagkakataon na nahahawakan siya nito, ay kiniliti na naman ang bawat himaymay ng katawan niya. He was the first guy who ever made her feel that way.

Habang nasa biyahe sila ay bahagyang nakahilig ang ulo nito sa ulo niya. Mukhang nakatulog na ito. She held his hand. Parang ayaw na niya iyong bitawan.

Kapag nakarating na sila ng Maynila, dederetso na siya sa mansiyon. Ito man ay doon na rin sa bahay nito. Hindi niya alam kung kalian uli sila magkikita. Hindi niya alam kung bibisitahin siya nito sa bahay nila. Hindi niya alam kung...

Wala akong alam! Hay!

Gabi na nang makarating sila ng Maynila. Nasa kulungan na nga ang mga miyembro ng Goblin at pormal ng sasampahan ng kaso bukas. Siya na mismo ang nagsabi kay Aik na siya na ang unang ihatid sa bahay nila para naman magkaroon ng ideya si Denver kung saan siya pupuntahan.

"Pupunta ka ba ng agency?" tanong sa kanya ng binata bago siya makababa. Si Aik na ang nagpresentang kunin ang mga gamit niyang nasa compartment ng kotse.

"Pupunta, pero hindi ko alam kung kailan." Bakit hindi mo na lang ako bisitahin dito sa 'min?

Tumango ito. He reached for her face and gave her a soft kiss on her forehead. Nadismaya siya. She wanted to kiss him on his lips.

Kaloka.

"We'll meet again, okay. Nasa 'kin naman ang number mo. I'll just call you, okay. Bumawi ka na muna ng pahinga," anito sa kanya.

She nodded. Hindi na siya nakapagsalita. Pakiramdam kasi niya ay maglalabasan na ang mga luha niya sa mga mata niya. She was holding back her tears. Ayaw niyang umiyak sa harap nito.

Binuksan na niya ang pintuan ng kotse upang umibis nang hawakan ng binata ang braso niya. Tumingin siya rito at pilit na ngumiti.

"I'll wait for your call. Mag-iingat ka." I love you, Den.

Binawi na niya ang tingin dito at lumabas na sa kotse. Kinuha niya ang mga gamit kay Aik at nagpasalamat dito. Nang makaalis na ang kotse ay saka pa lamang nanlambot ang mga tuhod niya.

Pinindot niya ang doorbell ng mansiyon. Alam niyang maso-sorpresa ang mga tao roon dahil walang ideya ang mga ito na uuwi siya. She should be happy, pero parang hindi niya kayang ngumiti at magdiwang na nakauwi na siya at natapos na nila ang trabaho. She was just dying inside knowing that she had no assurance when she would see him again.



NAUPO na si Xynthia matapos siyang sukatan ng gown ng designer para sa kasal nina Jesse at Drew. Masayang-masaya siya para sa dalawa. Parang kailan lang noong hindi pa magkalinawan ang dalawa. Siya lang pala ang hinihintay ng mga ito para sa kasalan. Kaya nga nang makauwi siya noong isang araw ay masayang-masayang sinalubong siya ng mga ito sa pangunguna ng kanyang Papa Carlito.

Xynthia's Mission To Love (Raw/Unedited Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now