Chapter 5

8.5K 34 11
                                    

Rei's POV:

Tama ba narinig ko sa kanya? Gusto nya ko? Papalapit na siya sakin, ano gagawin ko? Inaantok na talaga ko pumasok lang naman ako dito para ayosin tong kama para sa kanya e, bakit kasi sumunod pa. Aba teka derecho higaan siya sabay hila ng kumot . "Tutulog na ko, pero pwede ba dito ka na lang sa loob ng kwarto natatakot ako magisa ." Nakatingin lang ako sa kanya, kung ano ano iniisip ko . "Ok lang sige dito na lang ako sa floor matutulog Jana." Yun na lang sinabi ko. Pinatay ko na ang ilaw at nahiga na ko, sya naman tulog na.

Bandang 2:00 a.m may narinig ako parang may nagbubukas ng pinto . Hinde kaya eto ang mga taong gustong kumuha kay Jana? Agad agad akong bumangon at lumabas ng kwarto ko. Tama nga may nagbubukas ng pinto. Kailangan ko na ba gisingin si Jana at tumakas na o lalabanan ko tong mga to? *click* nabuksan na ang pinto kailangan ko makapagtago. Isang lalaki nakakuha ako ng walis panghahampas ko timing lang, ito na chance ko napatigil ako ng
Nakita ko kung sino si tatay pala. "Muntik na kita mahampas tay ng walis, bakit hinde mo sinabi uuwi pala kayo ngayon?" Sabi ko kay tatay. "Gusto ko sana sorpresahin ka anak e and dapat nga kanina pa ako nandito kaso ang trapik ." Pagpapaliwanag ng Erpat ko. Paglingon ko sa kwarto ko nakatayo roon si Jana na nakatingin kay tatay at si tatay naman ay nakatitig din sa kanya. Napahampas ako sa noo ko, patay. "Nak sino siya?" Tanong ni tatay sakin. Sasagot na sana ako ng biglang lumapit si Jana at iniangat ang kamay nya ng makalapit kay tatay na makikipagkamay at sabing "Ako po si Jana girlfriend ni Rei." Ano raw?! Girlfriend?! Nalintikan na po. "Nice to meet you ija, ikaw Rei bakit ngayon mo lang pinakilala tong girlfriend mo?" Anong sasagot ko, hinde ko naman girlfriend si Jana, tinignan ko sya ng masama at aba nginingitian lang ako netong babaeng to. "Pasensya na tay sasabihin ko naman dapat sayo . Bukas na bukas nga dapat tatawagan ko kayo ni mama e." Palusot ko na lang pero bigla nag iba ang itsura ni tatay ng mabanggit ko si mama . "About sa mama mo Rei, may sakit sya ngayon at nasa hospital. Andito ako para sunduin ka talaga dahil gusto ka nyang makita dahil malapit na mawala ang iyong ina." Malungkot na sabi sakin ng aking ama. Napaupo ako sa sofa na nakatulala at unti unti na lumalabas ang luha sa aking mga mata. Tinabihan ako ng tatay ko at niyakap na lang nya ako habang ako ay umiiyak.

Pagkatapos ko umiyak at nakakalma ay nagkwentuhan muna kami ng tatay at pinabalik ko na si Jana sa pagtulog at si tatay naman ay pinapwesto ko na sa isa pang kwarto. Andito ako ngayon sa sofa nakahiga at nagiisip. Si Jana nawalan ng mga magulang at ako naman ay mawawalan na ng nanay. Napaka saklap talaga ng buhay ng tao. Kailangan ba talaga may mawawala pero sabi nila kapag may nawala merong bagong darating. Gusto ko din malaman kung magkapatid nga ba kami nung nasa videong yun. Maraming katanungan ang gumugulo sa isipan ko, kailangan ko na magpahinga sabi kasi tatay aagahan namin ang alis para makabalik agad sya sa hospital kasama ako at kung sasama si Jana isasama ko sya dahil mahirap na iwanan siya magisa. Pinikit ko na lang ang aking mga mata ng makatulog na at 4:45a.m na pala.

Always HornyWhere stories live. Discover now