CHAPTER 12

6.7K 139 4
                                    

Agad nilusong ni Doray ang pool upang sagipin si Helga at dali dali nitong inihaon sa tubig. Kanyang sinubukan na irevive ang bata sa pamamagitan ng cpr ngunit wala pa rin siyang nakikitang pulso. Ilang ulit niyang ginawa ito sa bata ngunit wala pa rin itong pagbabago nanatili itong malamig at wala ng buhay. 

''Hindeeee! Helga anak ko!'' pagtangis ni Doray habang yakap ang kanyang anak.

Isang malakas na kalabog ang gumising sa natutulog na si Doray, agad niyang hinanap ang kanyang anak at nakita niya itong kanyang katabi na mahimbing na natutulog. 

''Panaginip lang pala ang lahat.'' wika nito sa sarili.

Bumangon siya upang isarado ang bintana ng veranda ng matanaw nito mula sa bintana ang katawan ni Helga na lumulutang sa swimming pool. Agad niyang nilingon ang kama upang hanapin si Helga ngunit walang ang kanyang anak sa tabi niya. Tumakbo pababa ng kanyang kwarto si Doray upang iligtas si Helga na nakita niyang lumulutang sa pool. Nang siya ay makarating sa kinaroroonan ni Helga ay biglang nawala ang katawan ng bata. 

''Sumpain ka Doray, sumpain ka!'' sigaw ng babaeng nakaitim ng bigla itong sumulpot sa kanyang likuran at akmang ito ay sakalin.

''Mommy! Mommy! wake up Mommy!'' sigaw ng batang si Helga ng makita nyang umuungol ang kanyang ina.

Minulat ni Doray ang kanyang mga mata at nakita nito na katabi si Helga at agad niya itong niyakap. Sinigurado niya kung buhay ang anak sa pamamagitan ng paghawak ng kanyang mukha at buong katawan. Ng masigurado niyang buhay ang anak ay pinaupo niya ito sa kanyang kandungan at niyakap ng mahigpit.

''Mommy anong nangyayari sayo?'' tanong ni Helga

''Wala baby, basta dito ka lang sa tabi ok? wag na wag mo iiwan si Mommy.'' naiiyak na sagot ni Doray.

Kinabukasan habang kumakain at nabasa ni Doray sa isang dyaryo ang isang nakakakilabot na bagay.

Headlines: MAG INA PATAY MATAPOS MA HIT AND RUN NG TRUCK

D umanoy ang babae na nka kulay itim na tangan ang kanyang anak na babae ay napatay pagkatpos itoy ma hit and run sa kalye ng Kamunoy. Ang mag ina ay namataang nagmamalimos sa buong bayan at huling nakita sa isang furniture shop. 

Nanindig ang balahibo ni Doray sa nabasa nitong balita, pakiramdam niya ang siya ang dapat sisihin sa pagkamatay ng unang pamilya ni Benny. Natulala na lamang ito at napasandig sa kanyang kinauupuan habang sinasariwa ang huling mga kataga ng babaeng nakaitim

''Sumpain ka Doray! sumpain ka!'' boses na nangingibabaw sa kanyang isip

Taimtim na nanalangin si Helga habang nasa harapan ng puntod ng ama. Nanariwa sa kanyang mga ala ala ang mga masasayng sandali noong buo pa ang kanyang pamilya. 

''Babe ok ka lang?'' tanong ni Jolo sa asawa ng makita nya itong tumatangis.

''Yes im ok Babe dnt worry, tara na baka gabihin pa tayo.'' tugon nito

Habang papasakay sa kotse ang mag asawa isang batang babae ang biglang lumapit sa mga ito at naghihingi ng palimos.

''Palimos po, maawa na po kayo.'' wika ng batang babae kay Helga habang hawak ang damit at sabay hila.

''Teka ineng ha .'' wika nito sabay hugot sa 100 para bgay sa bata ng bigla itong natigilan ng makita ang duguang mukha nito sabay ngiti at tawa ng malakas na siyang ikinatakot ni Helga.

''Ahh!'' sigaw ng nagdadalang taong si Helga

 'Magtapat ka Benny hindi ako ang iyong unang napangasawa tama ba?wag kang magsisinungaling.'' tanong ni Doray sa asawa.

Hindi kumibo sa Benny ng itoy konprontahin ng asawa, wala siyang maisagot dito dahil nahihiya siya sa kanyang sarili dahil sa nagawang pag aabandona nito sa una niyang pamilya.

''Si Katrina ba ang tinutukoy mo Helga.'' sabay singit ng ina ni Doray na kakarating lamang gling sa ibang bayan.

''Isa ka pa , nakapakasama mo talaga Inay walang kapares ang kasamaan mo. Hindi lang ako ang tinanggalan mo ng sanggol sa sinapupunan pati ba nmn si Katrina, anong klase kang tao? kinahihiya kitang maging ina.'' sumbat at pasigaw na tugon ni Doray sa ina na kung saan ay biglang dumapi sa kanyang pisngi ang malakas na sampal mula sa palad ng ina.

''Anong ibig sabihin ni Doray Mama? '' naguguluhang tanong ni Benny kay Aling Mely

''Ah so di mo pala alam? Buntis si Doray nung iwan mo siya at ng dahil sa magaling kong ina ay nagawa niyang tanggalin sa sinapupunan ng kawawa mong asawa ang inyong anak. Actually buhay pa nga ang sanggol dahil nasa ika siyam na buwan ng pagbubuntis si Katrina ng mga panahong iyon ngunit nagawa ng skim kong ina na ipalibing ng buhay ang bata.'' tugon ng galit na galit na si Doray na siyang ikinatakot ni Aling Mely dahil nakita nito ang mga galit sa mukha ni Benny pagkatpos marinig ang nangyari sa kanyang unang pamilya.

''Utang na loob Mama bago pa magdilim ang paningin ko umalis na kayo sa harapan ko.'' wika ng nagpipigil na si Benny

Hindi na hinantay ni Aling Mely na palayasin at masaktan pa ni Benny ito kaya dali dali niyang inimpake ang kanyang mga damit at umalis ng di nagpapaaalam sa mag asawa.

''Magbabayad ka Doray! magbabayad ka!'' wika nito sa sarili habang nakatingin ito ng masama sa mansyon na tinitirhan ng anak.

Tanging pagtangis na lamang ang nagawa ni Benny pagkatpos marinig ang nangyari sa bunso nila ni Katrina.

''Sabihin mo skn ano ba ang nangyari sa inyo ni Katina?'' tanong ni Doray

''Nakilala ko si Katrina sa isang bar dto sa bayan, isa siyang dancer. Sa totoo lang di kmi kasado ni Katrina ngunit nagawa nmng magsama sa iisang bahay. Hindi ako pnayagan ng aking Papa na magpaksal sa kanya dahil narin sa kahihiyan, Ilang taon din kming nagsama ngunit sadyang napaka dami niyang luho na di ko kayang ibgay dahil tinanggalan ako ng aking ama ng mana at maibabalik ko lamang ito kung babalik ako at iiwanan ang aking pamilya. Naisip ko na mag sinungaling kay Papa na kunwari ay wala na kami ni Katrina at napaniwala nmn ako nito. Buwan buwan ay pinapadalhan ko ang aking unang asawa ngunit natigil ito ng malaman ko na may kinaksama na pala itong ibang lalake. Huling dalaw ko sa kanya ay may nangyari sa amin at di ko inaasahan na mabubuo iyon,noong mga panahong iyon ay nakilala nakita Doray. Malaki ang pagkakamali ko sa aking mag ina, gusto kong bumawi sa aking mga nagawang kasalanan kung ok lang sayo Doray?'' paliwang at tanong ni Benny sa asawa.

Isang malungkot na titig ang ibngay ni Doray sa asawa, nagdadawalang isip ito kung sasabihin ba niya ang totoo tungkol sa nangyari sa kanyang mag ina.

''Benny may dapat kang malaman gusto ko sana na tatagan mo ang iyong loob.'' wika ni Doray

''Anong ibig mong sabhin mahal ko?'' nagtatakang tanong ni Benny

''Namatay kahapon ang iyong mag ina, nasagasaan ng truck im so sorry Benny malamang sa mga oras na ito ay nasa punenarya na ang kanilang mga bangkay.'' malungkot na tugon ni Doray

Hindi makapaniwala si Benny at lalo itong humagulhol sa pag iyak pagkatapos malaman ang nangyari sa asawa. 

''Mommy bakit umiiyak si Daddy?'' tanong ng batang si Helga ng makita niya ang pagtangis ng kanyang ama.

SIYAM NA BUWANWhere stories live. Discover now