CHAPTER ONE

10.8K 201 3
                                    

'Babe! babe, anong nangyayari sa iyo?'' tanong ni Jolo sa asawang namumutla na nakatitig sa kisame, tiningnan nito kung ano tinitigan ni Helga ngunit wala itong makita maliban sa kisame na siyang kinakatakot ng kanyang asawa.Dahil sa pamumutla sa takot ni Helga ay binuksan ni Jolo ang ilaw na nagpaalis sa atensyon ng asawa sa kisame sabay tingin sa asawang nag aalala.

''Babe, r u ok?'' tanong ni Jolo

''May babae! Jolo ung babae.'' tugon ni Helga

''Anong babae babe?

''May babae sa kisame hindi mo ba nakita?''sabay turo sa kisame ngunit tulad ng dati ay naglaho itong parang bula. Agad niyakap ng mahigpit ni Jolo ang asawa at tingin sa kisame na kinatatakutan niya.

''Babe, masyado ka lang napagod sa kasal ntin kaya kung ano ano nakikita mo, ito uminom ka muna ng tubig.'' tugon ni Jolo sabay abot ng isang baso ng tubig dito.

''Hindi babe, may babae talaga, kanina ko pa sinasabi sayo pero ayaw mong maniwala, bakit ayaw mong maniwala.'' hagulhol ng takot na takot na si Helga.

''Ok, ok sige na naniniwala na ako, shhhh, wag ka ng umiyak. Mabuti pa wag nalang natin patayin ang ilaw para d ka na matakot.''sabay halik sa pisngi ng asawa.

Agad namang tumahan si Helga at napayakap ng mahigpit kay Jolo, agad namang inihiga ni Jolo ang asawa sa kama para maging komportable ito.

''Ahem, babe? alam mo ang sarap ng ungol mo kanina, hehehe.'' pabirong tugon ni Jolo.

''Ur so mean (sabay hampas sa asawa), takot na takot na nga ako tpos libog pa rin ang pinapairal mo.'' tugon ni Helga

''Eh sa ginanahan ako sa ungol mo eh, tpos ang sexy pa ng misis ko saka malay ko ba na ungol ng pagkatakot mo un akala ko naman kasi umuungol ka sa sarap.'' paliwanag ni Jolo.

''Sus ang sabihin mo mas pinairal mo yang kamanyakan mo kesa sa asawa mo, gnun ka pala katawan ko lang pala habol mo.''sabay talikod at isnab sa asawa.

''Uyy! hindi ah (sabay yakap sa asawang nakatalikod), mahal na mahal kita babe saka kinabahan kaya ako nung makita kitang namumutla, super taranta ako kung ano gagawin kanina.'' palusot ni Jolo

Hindi na kumibo si Helga, masama ang loob nito dahil sa turing ng asawa sa kanya. Kung ano anong paglalambing ang ginawa ni Jolo ngunit parang bingi ito at d pinapansin ang asawa. 

''Babe naman, wag na magalit pls. Hindi nmn katawan habol ko sau eh, kung katawan habol ko sayo pwede ko nmn makuha un sa ibang babae. Kaya nga kita pinakasalan dahil mahal kita at ikaw lang ang babaeng gusto ko ng makasama habang buhay, babe wag na magalit .'' pag aamo nito sa asawa

''Talaga? ikaw kasi eh kakainis ka,''sabay iyak ni Helga at harap sa asawa.

''Yah, love u so much babe, wag na magalit hmm?'' sabay punas sa nag eemote na asawa.

Agad niyakap ng mahigpit ni Jolo ang asawa sabay halik sa labi ng kanyang misis.

''Babe ahem, pwede isa pang round hehehe.'' hirit ng nagiinit na si Jolo

''Talaga naman, hayz sige na nga.'' tugon ni Helga

Lumipas ang mga kanilang honeymoon at nagpatuloy sa kaniya kaniyang buhay ang mag asawa. Si Helga ay nagpatuloy sa kanyng trabaho bilang accoutant ng isang bangko samantalang ang kanyang asawa na isang engineer sa isang kilalang construction firm.

''Good morning Maam.'' wika ng janitor sa kapapasok pa lamang na si Helga

''Good morning din sau Fred,'' nakangiting tugon ni Helga. Masaya itong nakipag kamustahan sa kanyang mga katrabaho. Lumipas ang mga oras ay nakaramdam na ng pagbagot si Helga at dahil sa dami ng tao na kanyang trabaho ay nagpasya itong magpunta ng cr upang ayusin ang kanyang sarili. Sa powder room ay inilabas niya ang kanyang make up kit at cologne upang ayusin ang sarili ng biglang may babaeng naka itim ang dumaan sa likod niya na kitang kita niya sa likod ng salamin na kanyang tinitingnan.

''My God.'' ang tanging nasabi nito ng sa mismong harapan ng salamin lumitaw ang isang babaeng walang mata nakalawit ang dila at akmang sasakalin siya.

ITUTULOY....................

SIYAM NA BUWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon