Filipino food and dishes you should try:

-Kaldireta
-Menodo
-Mechado
-Adobong Manok
-Beef steak Filipino style
-Pork humba
-Lechon paksiw
-Lechon baboy
-Binagoongang baboy
-Grilled tuna belly

And the list goes on.

Wow! They have a lot to eat. Buti na lang at andito sa 'min yong iba. Nagtaka naman si tiyang kung bakit naka-apron ako at nagsasalin ng mga ulam.

"Wala kang pasok?" Tanong niya sa 'kin.

"Wala pa po. Mamaya pa pong mga 10am. 'Yong mga naghahanap sa 'kin kanina mga bagong students sa school. Alam mo naman po siguro 'yon." Sagot ko sa kanya.

"Ah. Eh, anong ginagawa mo at nagsasalin ka ng mga ulam d'yan?" Tanong niya ulit.

"Eh, gusto nila tikman 'yang mga nakasulat sa listahan nila. Sila din buena mano niyo ngayon." Sagot ko na lang.

Tumango na lang din si tiyang at bumalik na sa pwesto niya sa cashier. Siya kasi yong tiga-tanggap ng mga bayad.

Isa-isa kong nilagay ang mga ulam sa lamesa kung nasaan silang lima. Nag-uusap lang sila habang nilalagay ko ang mga plato. They were all talking in english with british accent. Ang sakit sa ulo pakinggan. Okay na sana 'yong na-tone down 'yong accent kapag ako 'yong kausap. Eh, nakalimutan kong built in na pala 'yang accent nila. Hay, kung bakit kasi ako naging tourguide nila? Huhu!

Pumapalakpak naman si Rebecca ng makita niya ang mga plato na may ulam. Sobrang masiyahin 'tong babaeng to. Ang hyper eh. Hindi nauubusan ng energy kakatawa at ngiti. 'Yong apat na lalaki naman iba-iba ang reaksyon. Si Greg, nakangiti lang sa 'kin. Si Jake naman, maiging tinitignan ang mga pagkain at pinipicturan. Si Paul, chill lang. Busy sa cellphone niya. Si Luke? Ayon, parang constipated pa rin ang mukha. Hindi ba 'to nagbabawas sa kanila or something? Nakabusangot palagi na ewan eh.

"I hope you like my cooking. Eat up!" Bungad ko sa kanila.

"What?! You cook these? Wow!" Gulat na sabi ni Rebecca.

Tumango lang ako at ngumiti. Isa-isa na nilang tinikman ang mga putahe. Sinasabi ko rin sa kanila kung ano ang pangalan ng ulam na 'yon. Tumatango lang sila at umiinom ng tubig pagkatapos. Nanghingi pa nga ng tatlong rice si Greg at Rebecca. Man! How that girl can eat. Nakikipagsabayan sa mga lalaki eh pero ang payat-payat ng katawan. Dun ako nagulat ng si Luke naman ang humingi ng kanin. He was asking nice this time. Nagtaka nga rin sila Rebecca sa inasal ng kaibigan nila. Pero hindi ko na lang pinansin kasi nga wala akong pakialam basta ba magbayad sila sa mga kinain nila. Marami-rami din kasi ang na-order nila.

"I am so full I can't move." Sabi ni Greg habang hinahawakan ang tiyan niya.

"I agree with you brother. You cook good food, Elle. I'll be forever in debt of you because you made me eat a whole bunch of food I don't know." Segunda ni Jake.

"Haha! Let's not be too dramatic. Thank you for the food, Elle." Sabat ni Rebecca.

Nag-thumbs up lang si Paul sa 'kin and well, si Luke balik sa pagiging constipated ang expression ng mukha. They requested for bill para makaalis na kami. Sa tingin ko sobrang saya ni tiyang ngayon. Sobra-sobra ata 'yong binayad sa kanya, eh. Haha! More money na naman 'yon.

**

Agad ko na silang pinasyal sa halos buong campus. Madali naman nilang nakabesa ang bawat building na tinuturo ko sa kanila. May photographic memory ata sila. Anyway, nung naubusan naman kami ng time dumeritso na lang kami sa next subject namin. Unfortunately, lahat ng subject nila ay kapareha ko kaya no choice ako kundi ang sabayan sila sa pagpunta. After a long day sa school, ayon, pagod ako kaka-tour sa kanila. Med'yo malaki din kasi 'tong school.

Our Twisted FateWhere stories live. Discover now