The Recidivist - 3

195 18 2
                                    

Nag-walk out si Satanas kasama ni demonyita. Wow, first time walang sermon. Ihanda na ang bala ng Frozen, kakanta ako ng For the First time in Forever. 

"So, how did I do?" Tanong ko kay kuya. Curious ako sa grade na makukuha ng napaka-bongga kong performance. "I did well, didn't I?" 

"It was almost perfect." Almost?! 

"Hoy kuya, anong almost perfect ka diyan? Ang hirap hirap pag-isipan ng performance na yun tapos almost perfect lang? Shit ka." Sermon ko sa kanya. Bastos to ah. 

"Itatanong mo kung anong opinyon ko sa performance mo tapos nung nagbigay ako, magrereklamo ka. Hindi kita tinuruang maging tanga, IU." Sakit sa bangs.

"Bwisit ka." Kaloka, buti nga sinira ko pa engagement niya eh. Kung di ako sumipot edi sana ikakasal na siya dun sa panget na babaeng yun. "Bakit almost perfect lang? Explain mo." 

Tinignan niya ng masama si Suzy na titig na titig sa kanya. "May sabit plano mo." Tinulak ni kuya yung noo ni Suzy gamit yung daliri niya. 

"Duh, humingi ka ng pabor eh. Malamang may kapalit." Sabi ko sa kanya. "Kung di ko pinresent na girlfriend mo si Suzy, gagawa at gagawa ng paraan yung dalawang yun para matuloy yung engagement. Ang hirap kayang mag-isip ng Plan B kapag nangyari yun." 

"Sinasabi mo bang kailangan kong magpanggap na may relasyon kami ni Suzy? Are you crazy?" 

"Yes, kuya. Paninira ng business proposals, projects, investments, kayang kaya kong gawin yan para sayo dahil pwedeng hanapan ng rason na di ka madadamay pero hindi ba sila magtataka kung paulit-ulit ko nalang sinisira engagement mo?" Isip-isip din.

"At anong problema dun? Maganda naman ako ah at mayaman naman pamilya ko. Hindi naman ako nagd-drugs, di din ako umiinom. Pasado naman grades ko. Perfect candidate kaya ako bilang girlfriend mo. Arte mo ha." Reklamo ni Suzy. 

"Madaldal ka, yun ang problema dun." Sagot ni Kuya Min.

"At least maganda di tulad ng mukhang itlog mong fiance." Sabat ni Suzy.

"Onga ang ganda mo, kasing ganda mo si Bakekang, Kokey at Betty La Fea na pinaghalo-halo." Sabat ni Kuya Min. 

"Sige, Away pa. Ipapalapa ko kayo pareho kay Fluffy." Hindi tatanggi yung alaga kong yun. Basta karne, go lang siya ng go. 

"Wag ka nga manakot, IU! Nasa Africa na si Fluffy eh." Sabi sakin ni Suzy.

"Mayaman ako, kayang kaya kitang ipatapon sa Africa kasama niya." Banta ko. "Wag na kayo magtalo dalawa. Win-win situation naman 'to eh. No arranged weddings for Kuya and Suzy gets to live her dream." 

"Fine but don't expect too much from me." Sabi ni Kuya. "You know me well, Iyana. Relationships are not my style." 

Alam ko. Alam ko namang masasaktan lang si Suzy kapag naging girlfriend mo siya pero mas gugustuhin kong masaktan siya ngayon para maka-move on na siya at makahanap ng mas matinong lalaki kesa buong buhay niya aasa siyang mahalin mo siya. 

Itutulak kita sa kapahamakan para matuto ka at sa susunod, di ka na tatanga-tanga. Ganyan akong kaibigan. Paano kita ilalayo sa kapahamakan kung ikaw mismo ang may gustong pumunta dun? Sasayangin mo pa oras ko sa pagpigil sayo. Sasamahan nalang kita.

"But now it is your style. I'm leaving first, gumawa na kayo ng kwento kung paano kayo nagkakilala at kung gaano kayo kainlove sa isa't isa. Kwento mo nalang sakin bukas, Suzy. Uuwi muna ako kay mommy dahil paniguradong nagsumbong na yung demonyita." 

Yun pa eh the best yun sa pagsusumbong eh. Sa sobrang galing niya magsumbong pati yung mga di totoong nangyari sinusumbong niya. Hayup. Ano kayang sinabi nun kay mommy? Baka ginawa na akong murderer ng babaeng yun.

Pagkarating ko sa bahay, nakaupo sa sala ang nanay ko. "Nanggulo ka na naman." Bored na bored na sermon niya sakin. "Anong napala mo sa pagsira sa engagement ng kapatid mo?" 

"Napala ko? Hmm... Ano nga ba? Igo-google ko muna, email ko sayo later." Umakyat na ako sa kwarto ko. Kung sesermonan niya ako sana naman yung maayos na sermon. Nakakaantok eh. Pangarap ba maging pari ng nanay ko? 

Pagkapasok ko ng kwarto ko, nabwisit agad ako. Sa pagkakaalam ko pinasunog ko na 'tong mga poster na 'to bago ako umalis nitong bahay e. Pinindot ko yung buzzer at pagkadating nung maid, pinaayos ko yung guest room dahil dun ako matutulog. 

Nakakasuka ang aura sa kwartong to. Pwede ko kayang ipa-demolish? 

From birth until 13 ako, dito ako tumira sa bahay ng nanay ko. Pagkatapos nun kinuha ako ng magaling kong ama para tumira sa kaharian niya. Siraulo eh, kukupkupin ako tapos di naman pala kayang pakisamahan ugali ko. Ta's pinalipat ako sa condo kaya happy happy na.

Ngayon lang ulit ako matutulog dito pagkatapos ng napakaraming taon. Usually sinesermonan lang ako ng bongga ng nanay ko ta's pinapaalis na ako eh. First time niyang manermon na walang kabuhay buhay.

Nakakawalang gana. 

***

"Hindi ka pinagalitan? Shocks, ikaw na girl. Sana ganyan din si mommy pagdating sakin." Kumento ni Suzy pagkatapos kong ikwento sa kanya yung nangyari kagabi sa bahay. 

"Gaga." Pero promise, parang may mali. Si Papa Satanas hindi din ako masyadong pinagalitan. May binabalak kaya sila? 

"Huy Iyana!" 

"Aray ko, leche ka!" Hampasin ba naman daw ako sa braso. "Kita mong nag-iisip eh. O baka di mo alam kung paano mag-isip ang tao kasi di ka nag-iisip?" 

"Kanina pa ako nagsasalita ta's di ka nakikinig, bwisit ka." 

Wala na ba akong karapatang mag-isip? "Ulitin mo nalang sinabi mo." 

"Ang sabi ko may damit ka na ba para sa Open Ball sa Sabado?" Oo nga pala, start na naman ng Academic Year. Ayan na naman yung kalokohan nilang Ball na pwedeng umattend outsiders. Sana may killer na umattend this year para tanggalin na nila to sa list of events next year.

"Anong Theme?" Tanong ko. 

"Fairytale daw." Muntik na akong malaglag sa upuan ko nang marinig ko yung Theme. 

"Fairytale? Ano tayo, Fetus?" Ano ba naman kasing kashungaan yan diba? 

The RecidivistDove le storie prendono vita. Scoprilo ora