"You danced to the first piece pero hindi ka na ulit tumayo. Something wrong?" curious na tanong niya. He leaned back in Lloyd's seat and stretched his longish legs. At talagang nagrelax na siya sa tabi ko.

"Nasira yung takong ko." I said simply, hoping he would lose interest and leave me alone to my misery.

"Oh? Patingin." Sabi niya.Hahawiin na sana niya yung laylayan ng dress ko pero pinagpapalo ko yung kamay niya.

"What are you, a freaking perv??" badtrip na sabi ko. God, this really isn't my night.

"I just wanted to see." Seryosong sabi niya. "Not your legs. Your shoes."

Iritable kong tinaas konti yung damit ko, just enough for him to see the state of freaking shoes. "Oh ayan. Masaya ka na?"

"Tsk, tsk." Sabi niya, umiling-iling. "That sucks."

You don't say? Badtrip na sabi ko, pero sa utak ko lang. Ayoko na kasi siyang kausapin. I tried to keep my attention to the dance floor. People were having so much fun. Hindi man lang ako makasali. Nakakainis.

"Haaay. Ang boring noh?" sabi ni Raffy, may kasama pang buntunghininga.

"Bakit ba andito ka pa??" tanong ko. "Ba't di ka magsayaw?" -nang makaalis ka na dito, gusto ko sanang idagdag pero wag na lang.

"Ikaw rin naman hindi sumasayaw."

"Eh sira nga-" Why do I even bother repeating? Napahinga ako ng malalim, saka buga. "Never mind."

Nagpalit na naman yung kanta. Slow dance ulit. King and Queen of Hearts. God, I love that song. I should be dancing with someone right now. I don't care who with, I just want to sway to that sweet beautiful song. But I'm not. Instead I'm stuck here sitting with the most annoying person alive. Bakit ba ang malas malas ko??

"Oh, favorite song mo." Biglang sabi ni Raffy. Napatingin ako sa kanya.

"Pano mo--?"

"...alam? Nung grade four tayo sinulat mo yan sa likod ng notebook mo. Tapos paulit-ulit mong kinakanta. Nainis ako kaya binato kita ng eraser. Natamaan ka sa mukha."

I flinched uncomfortably, remembering it. Talagang kelangan niyang ibring up ngayon, of all nights, ngayon na sobrang badtrip na badtrip na nga ako? Ugh. Hindi ko talaga gabi to.

"Sayaw tayo." Biglang sabi ni Raffy. Tinignan ko siya ng masama.

"Ilang beses ko bang-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi yumuko siya. Akala ko umiwas lang siya sa akin, annoying me as usual. Pero nagulat ako. Tinatanggal niya yung sapatos niya. Pati medyas.

"Anong--?"

Nung matanggal niya yung sapatos niya, bumaling siya sa paa ko at nagsimulang tanggalin yung strap ng sapatos ko. Tinaas niya yung laylayan ng dress ko in the process pero sobrang nagulat ako at hindi nakaiwas.

"Oh ayan, pwede na." sabi niya, sabay ngiti. Tumayo siya sa harapan ko. Saka nilahad ang kamay sa akin. "Sayaw na tayo."

Nakanganga akong nakatingin sa kanya. Umiilaw ilaw yung dance floor sa likuran ng ulo niya, making weird shadows in his face, making him look almost...likeable. Ngumiti ulit siya akin. Hindi nakakaloko. Hindi pang-asar. Seryosong ngiti.

Prom NightWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu