Isang malakas na suntok sa hita galing sa aking Ama ang natamo ko.
"Wala kang kwenta!Walang silbi!Palamunin lang kita!" Sigaw nito.
Hindi na , Hindi na ko nasasaktan kung pisikal ang pag uusapan , wala na saakin to. Ngunit ang sakit, Ang sakit lang sa damdamin na kaya kong saktan ng paulit ulit ng aking Ama. Ganto, ganto lagi ang eksena sa bahay na to tuwing umuuwing lasing ang Ama ko.
"Wala ka pang nagagawa para saakin , Nagmamayabang ka na huh!? Nangingialam ka na huh!" Sigaw nito habang hawak ako ng madiin sa baba.
Kanina narinig kong nagtatalo sila tungkol sa mga babae ni Papa at alam kong meron talaga ngunit di ko kayang sabihin ng deretsyo sa aking ina, di ko s'ya kayang makitang nasasaktan.
"P-pinagta-tanggol ko lang naman si Mama eh" nahihikbi kong sabi.
"Ganto ba ang regalo n'yo sa kaarawan ko huh!?" May galit at naiiyak na pigil ng aking ina sa aking ama. Pilit n'ya kaming pinaghihiwalay .
"Bakit?! Kakampihan mo tong anak mo?! Gusto mo pag untugin ko kayo huh?!" Baling nito sa aking ina.
Natahimik na lang ang aking ina sa banta ng aking Ama.
"Ikaw?! Ano bang pinagmamayabang mo?! Wala ka pang natutulong sa pamamahay ko?! Pinapalamon , binibihisan at pinag aaral kita ! Wala kang utang na loob! Wala kang kwenta! Bat di mo gayahin ang kapatid mo!" Baling nito saakin at isang malakas na sampal ang natamo ko dahilan ng pagkakaupo ko sa sahig.
Nanginginig ang buo kong katawan ,parang hinang hina na ko. Di ko din maintindihan kung bakit tuloy pa rin ang agos ng mga luha sa mata ko, dapat di na ko naiyak, dapat sanay na ko dahil mula palang pagkabata ko ganto na ,palagi na akong kinukumpara sa kapatid ko.
"Tama na , Ano ba!" Nagmamakaawang sabi ni Mama at pinigil na n'yang makalapit saakin ang aking Ama.
"Kinakalaban ako ng suwail mong anak eh! Buti pa yung bunso ko di tulad ng anak mo!" Galit nitong angil.
Parang punyal na tumatama ang bawat salita nito sa aking dibdib.Pinilit kong tumayo.
" Napakasuwail ! Walang kwenta! Inispoiled mo kase eh!"
Isang mapait na mumunting tawa ang di ko napigilang lumabas sa bibig ko pagkatayo ko dahil sa narinig ko.
"At nagagawa mo pang tumawa huh!" Inis na sabi nito at isang malakas na sampal nanaman ang natamo ko.Wala na kong naramdamang sakit na bakas ng sampal na yun. Napangisi na lang ako .
"Spoiled? ako?" Mahina at sabog kong sabi. "Eh laging nasa kapatid ko ang pabor , atensyon at lahat ng pagmamahal n'yo! "
Puno ng hinanakit na sabi ko
" Pero kinalimutan ko lahat yun! Sinusunod ko pa rin kayo! "
Di ko na mapigilan ang bugso ng aking damdamin pati ang pag agos ng mga luha sa mata ko.
" Nag aaral akong mabuti! Di ako naglalove life kahit gustong gusto ko na! Wala akong bisyo! Bahay ,School lang ako! Ano pa ba? Hindi pa ba sapat lahat ng yun para ituring n'yo rin akong anak? Hindi n'yo ba naisip na may nararamdaman din ako ,napapagod din ako. Sana naman aware kayo!"
Halatang nagulat sila sa mga nasabi ko pati rin naman ako nagulat eh, may lakas pala ko ng loob na sagutin sila nang ganon .Hindi ko na alam ang dapat na susunod kung gawin kaya
unti unti akong tumakbo palayo sa kanila.
****
Mag isa kong umiiyak sa kwarto ko, yakap ang unang basang basa na ng mga luha ko .Nag iintay na may kakatok sa pinto at papagaanin ng loob ko kagaya ng nangyayari sa mga wattpad stories at k-dramas na napanood at nababasa ko ,kaya lang nakalimutan ko na malaki nga pala ang pinagkaiba ng imahenasyon lang sa totoong buhay.
****
Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Hirap akong tumayo dahil sa sakit ng katawan ko.
Tumingin ako sa wall clock sa kwarto ko at 6:30 a.m. ang oras na, tama lang pala ang gising ko.Mamayang 9 pa naman ang pasok ko.
Umupo ako sa gilid ng kama at ngayon ko lang nakita ang pasa sa aking hita.
Napabuga na lang ako ng hangin at pilit na inaalis ang alaala ng nakaraang gabi.
Humarap ako sa salamin sa banyo ko . Mugtong mugto ang mga mata ko ,medyo reddish pa ang ilong at mga pisngi ko pati ang labi ko ay lalo pang namula.
Isang patak nanaman ng luha ang tumulo sa aking mga mata ng maalala ang mga salita ng aking ama.
Hinilamos ko ang aking mukhang di naman kakinisan at pinilit na nililimut muli ang mga alaalang dulot lang ay sakit.
Lumabas ako ng kwarto ko at dumeretsyo sa kusina.Alam ko namang wala na si Papa sa bahay namin dahil 5:00 a.m. palang napunta na s'ya sa office n'ya kasabay ang kapatid ko papuntang school. Hindi naman kami same school ng kapatid ko kaya di kami parehas ng schedule and besides elementary palang s'ya.
"Kain na" isang ina ang sumalubong saakin sa hapag.
Ngumiti na lang ako at sinaluhan s'ya,umaarteng parang wala lang nangyari kagabi.
****
Ayoko sanang pumasok pero kailangan at para din makaalis muna ko sa bahay I feel uneasy when I'm at home with my parent I don't know why, or baka sa nangyari kagabi.
"Laine!" Isang tawag ang nagpalingon saakin.
Nilingon ko sila ng may ngiti sa labi at kumaway ako. Pumunta naman sila sa kung saan ako nakatayo.Pupunta muna sana ko sa locker room para ayusin ang mga gamit ko eh.
"What happened?" Bungad nilang tanong saakin na ikinakonot ng noo ko.
"You're eyes?" Sabi ng isa ng may pag maalala nang mapansing di ko sila gets.Mukhang nahalata nila ang pugto kung mga mata.
"Ah- Eh- Its nothing" pilit kong ngiting sabi.
Ngunit pinaulanan lang nila ko ng mga tingin na nagsasabing We're-Not-Satisfied-In-Youre-Answer-Look.
"Ano ba! Puyat lang ako" medyo kunyaring natatawa ko para naman paniwalaan nila ko.
"Guys!" Isang tawag sa likodan namin ang nakaagaw ng atensyon ng lahat.
Its Cath and Arc . Wala nanamang bago dito dahil since nung pinatigil kong manligaw sakin si Arc dahil nga sa bawal pa at dahil na rin unti unti ko nang minamahal si Arc ,natakot ako ,natakot akong ipagpatuloy pa ang ugnayan naming dalawa dahil natakot akong baka magawa kong suwayin ang mga magulang ko para sa kanya at ayokong mangyari yun. Ramdam ko namang mahal n'ya talaga ko kaya umaasa ako na maiintindihan n'ya ,iintayin n'ya ko. But then simula nung pinatigil ko s'ya tumigil nga s'ya I though dahil naintindihan nya ,Hindi din pala ,Cath is my best friend at s'ya ang naging sandalan ni Arc ,Sya din ang nilalabasan nito ng hinanakit, Na akala ni Arc okey na , tas bigla ko s'yang pinatigil, Na akala n'ya pinaasa ko lang s'ya, Na akala n'ya di ko talaga s'ya mahal kaya nasaktan s'ya.Di ko pa naman talaga sinasabing mahal ko na s'ya pero alam namin sa isat isang may ugnayan na kaming dalawa kaya pag pwede na ko kahit ilang beses ko pang sabihing mahal ko s'ya ,Hindi ako magsasawa. Well dahil nga sa komplikadong sitwasyon binitiwan ko muna s'ya. Dahilan kong bakit nasaktan ko s'ya. Naintindihan ko naman s'ya kaya I give him space hinayaan ko muna s'ya tsaka nandyan naman ang best friend ko para maging crying shoulder n'ya.At simula nun naging close sila.Naging close sila na di inaakala ng iba halos mas close na nga sila kase saaming dalawa .
I smiled at them. But my smile slowly fade when I see their hands holding each other.
Nag-ooverthinking nanaman yata ako, One thing I hate the most ,lahat ng bagay pinag iisipan ko ng masama ,Alam ko namang di yun magagawa saakin ni Cath besides alam n'yang nafall na rin ako kay Arc.
"H-hi" Cath look uneasy .Nang nagkatinginan kami nag iwas s'ya ng tingin. And until now magkaholding hands pa rin sila.
~Kring Kring~
And the bell rang .
"Guys pasok na us,Baka malate pa tayo, Mamaya na lang ulit, See you" masayang pagpapaalam nila Kristen saamin.
Ngumiti ako at nagpaalam na rin sa kanila, Well di na kami magkaklase this year di tulad dati. Me, Cath and Zariah were classmates kaya kami lang ang magkakasama ngayon at hindi ko talaga maiwasang mag isip ng masama because she can't even look straight at my eyes di tulad dati.
