Janna's Pov:
"Uuuhhmmmm....aaahhhhh...." hinahabol ko ang aking hininga, sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero napakasarap sa pakiramdam. Nakadagan sa akin ang isang magandang babae.
Sa pagkakayapos ko ng mahigpit sa kanyang bewang ay damang dama ko ang kurba at lambot ng kanyang katawan. Napapikit ulit ako. Kinawit ko ang dalawa kong kamay sa kanyang batok at dinama ang bawat siil nya ng halik sa akin. Gumaganti ako at hindi nagpapatalo sa bawat pag galaw ng kanyang labi.
Para akong sinisilaban mula talamapakan hanggang bumbunan sa bawat paggalugad ng kanyang dila sa bawat sulok ng aking bibig. Kusang bumaba ang aking kamay patungo sa kanyang likod. Aaahhh...ang sarap nyang yapusin. Sa suot nyang manipis na pantulog ay damang dama ko ang maknis nyang kutis.
Sa sobrang saya ng puso ko ay hindi ko magawang idilat ang aking mga mata. Nanatili akong nakapikit nang naramdaman kong bumaba ang kanyang halik sa aking leeg. Lihim akong napangiti.
"Aaaaahh...." napaungol ako ng naramdaman kong gumapang ang kanyang mga kamay sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang sensasyong bumabalot sa akin sa mga oras na 'to...
Gusto ko syang pigilan sa kanyang ginagawa pero hindi ito ang iniuutos ng aking katawan. My body longs for her touch, longs for her caress. Ang pakiramdam na parang napaka pamilyar na ako at miss na miss ko.
Marahan nyang hinimas himas ang aking dibdib at bumalik ang kanyang mga labi sa paghalik sa akin. Ngunit ang halik ngayon ay marahan, banayad.
"Uuuhhmmmm......" napaungol ako at pinilit kong dumilat. Niyakap ko sya nang mahigpit saka sya bumulong sa aking tenga..."Janna.....mahal na mahal kita. Mula noon pa, hanggang ngayon. Ikaw lang ang nag mamay-ari ng puso ko...Janna...."
Hindi ako makalaban sa kanyang lakas. Patuloy nya akong hinahalikan ng bumaba ang kanyang kamay sa aking hita. "Aaaaahhh...." nakikiliti ako. Pinigil ko sya. Kumalas sya sa paghalik sa akin. Hinaplos nya ang labi ko ng kanyang hintuturo. "Sa 'yong sayo lang ako." sabi nya.
Unti-unti syang tumayo at kinuha ang isang gumamela sa sahig at inilagay sa gilid ng tainga ko. "Hinding hindi ko pagsasawaan ang mga ngiting yan,alam mo ba?" Kaytagal kitang hinintay," at para bang sa bawat ngiti nya ay nagniningning ang kanyang mga mata.
Hindi ako makakilos, pakiramdam kong namanhid ang aking buong katawan ng yakapin nya akong muli. Hanggang hindi ko sya napigilang lumabas sa maliit naming kubo.
Nakita ko syang tumatakbo papalayo pero kumakaway sa akin at pansin ko ang isang pulang pulseras na suot nya. Hinabol ko sya sa lawak ng bukirin. Sobrang bilis nyang tumakbo hanggang mapahinto ako sa ilalim ng punong mangga.
Nakatawag ng aking pansin ang isang hugis pusong nakaukit sa puno at may pangalan sa loob nito. Binasa ko....JY10.
Hindi ko maipaliwanag kumbakit pagtanaw ko sa kalangitan ay may pumatak na luha sa aking mga mata pagkakita ko ng isang bahag-hari. Napalitan ng lungkot ang kaninang sayang aking nadarama.......
**********************
First chap of my first story.
Sana magustuhan niyo;)
BINABASA MO ANG
She Holds the Key (gxg Completed )
RomanceGxg Completed Feb.2014~Sept.2014 Highest Ranking: No.1 gxg July 2018 This is my first Story. Sorry sa mga typo errors. This is a story of a girl who was confused to whom she will gonna give her heart...To her childhood crush or to the one who openl...