"...wala kang naiitutulong sa bahay, ni tumulong sa pagaaruga sa kapatid mo hindi mo magawa. Yan lang ang ginagawa mo pagkagaling sa school, mag-selpon ng magselpon—"
"Hindi niyo naman kasi ako naiintindihan! Buong araw akong nasa eskwelahan, sana nama'y alam niyo kung gaano ko pinipiga ang aking utak upang maipakita sa inyong mayroon akong silbi! Anak niyo ako, ma. Pero bakit parang hihiga lang ako ikinagagalit niyo na? Araw araw akong naglilibot sa eskwelahan kasi Presidente ako. Hindi niyo yun alam diba? Nanalo nga pala ako sa Lakambini. Hindi niyo alam kasi wala kayong pakialam. Para saan pa yung isang karton kong medalya kung wala naman kayong paki--"
Nang biglang dumapo ang kaniyang kamay na mahaba sa pisngi kong ngayo'y namumula na.
Hindi ko napigilan yung sarili ko't kaya tumakbo na lang ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako napadpad basta tumakbo lang ako nang tumakbo. Nang mapagod na ako, huminto ako kung saan man to.
Napunta ako sa isang park. Naupo ako sa ibaba ng isang puno, at sumandal. Huminga ako ng malalim. At ako'y naglabas ng sama ng loob. Dun ko iniyak ang lahat ng sama ng loob ko, habang may malakas na hanging dumadapo sa aking braso at binti. At natatakpan ng aking buhok na mahaba ang aking mukhang kaawa-awa.
Wala akong ibang naidala kundi ang aking sarili. Pati kumpiyansa ko'y iniwan ko na din.
Huminga ako ng malalim at inayos ang aking buhok, at nilapag ang kamay sa berdeng damo. At bago ko pa man nalama'y may lalake na sa aking harapan. Tumingala ako, hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa liwanag na ibinibigay ng araw.
"Kailangan mo ng tulong?" Tugon nito.
Kumaway kaway siya harapan ko upang kunin ang aking atensiyon.
"Ha?" Aking itinanong.
"Sabi ko, kailangan mo ba ng tulong?" Medyo naiirita niyang sambit.
Aba siya pa tong nagagalit siya na nga lang magtatanong.
"Ayos lang ako." Madiin kong isinagot sa kanya.
Bigla akong tumayo at tinalikuran siya.
"Hoy! Pasalamant ka may tumutulong sayo." Pasigaw niyang tugon.
"Hindi naman kasi ako humihingi ng tulong!" Sigaw ko pabalik.
Naisip kong galit na galit pala ako sa mga magulang ko. Wala naman akong kaibigan. Dahil ayoko naman silang kaibiganin. Dahil lagi akong nagaaral. Sabi nga ng nakararami, galit daw ako sa mundo at walang puso.
Siguro naiisip niyong dapat mas maging malapit sila sa akin dahil ako'y isang presidente at isang matalinong nilalang. Nagkakamali kayo. Mas gugustuhin ko pa na mapagisa kaysa naman sa ako'y kakaibiganin lang dahil ako'y matalino.
Mayroon naman akong librong paglibangan. Sapat na yun upang ako'y maging masaya.
Marunong din akong gumuhit. Ilang beses na din akong nilapitan ng mga kaklase ko upang magpagawa ng kanilang mga proyekto sa arts."
'Pag may mga ekwasiyon na hindi nila masagutan, hindi ko sila tinutulungan. Kahit anong luhod nila sa aking harapan, wala akong itataas na kahit isang daliri upang sila'y tulungan.
Nang isang araw, may ipinakilala ang aming guro sa amin na bagong kaklase.
"Manahimik kayo! Mayroon akong ipakikila sa inyong bago niyong kaklase. Ito si James Clemente. Siya ay nanggaling ng kabilang unibersidad na hindi niyo na maaaring malaman. Maari ka ng maupo, James."
"Salamat, Ginang." Ngiti nito
"Hi." Bati nito sa akin.
Hindi ko ito pinansin.
"Ayos ka lang?" Tumingin siya sa aking mga mata.
"Oo." Matipid kong isinagot.
At tinuon ko na lang ang aking atensyon sa paggu-guhit.
Ako nga pala si Sheena. Sheena Fei Hipolito.
***
YOU ARE READING
ALONE [On-going]
Romance"Mas gugustuhin ko pang mapagisa kaysa sa kakaibiganin lang ako dahil matalino ako." -Sheena Fei Hipolito © neoseoulight 171004-present
![ALONE [On-going]](https://img.wattpad.com/cover/124628055-64-k531198.jpg)