Araw , Buwan , Bituin

329 14 0
                                    

Alam mo bang ikaw ang araw ko sa umaga?
Na siyang nagbibigay sa akin ng panibagong pag asa
Sa tuwing ako ay nalulugmok sa kadiliman
At nasasadlak sa kalungkutan

Ikaw naman ang aking buwan
Sa tuwing sasapit ang kadiliman
Na siyang nagsasabi na di ako nag iisa
At mayroon akong karamay pa

Ikaw din naman ang bituin ko
Na kahit nasaan man ako
Ay handa mo akong samahan
At ako'y iyong handang damayan

Ikaw ang araw , buwan , bituin ko
At hindi ko alam kung anong gagawin ko
Kapag ika'y sa akin ay nawala
Kaya hiling ko sana sa huli tayong dalawa pa din ang magkasama

PoeticaWhere stories live. Discover now